Monday, July 19, 2010

Dapat

"Minsan ang kagustuhan na mapalitan ang isang pinuno at napagtagumpayan ay nakakabuti rin kasi ang kanyang mga pinaggagawa habang pinuno pa na hindi gusto ng nakakarami ay hindi na niya magagawa pa. Kung magawa pa niya uli ay limitado na lang."

DAPAT
Ni: Arvin U. de la Peña

Dapat ka na talagang palitan
Dahil ikaw ay hindi mabuti
Hindi bagay sa iyo
Ang tawagin na isang pinuno.

Ang mga galamay mo
Gumagaya sa isang katulad mo
Marami rin silang anomalyang kinasangkutan
Halos kasing-dami ng sa iyo.

Kinapalan nila ang kanilang mukha
Dahil ikaw na kanilang pinuno
Napakakapal rin ng mukha
Kaya nararapat lang na gayahin ka nila.

Kung hindi ka na maging pinuno
Marami ang matutuwa na tao
Sapagkat ang tulad mo
Mawalan na ng kapangyarihan.

Magbubunyi ang lahat na iyong nasasakupan
Halos lahat ay matutuwa talaga
Dahil pati mga alagad ng diyos
Nadadamay sa iyong kawalanghiyaan.

44 comments:

Mel Avila Alarilla said...

Ang tula mong iyan ay bagay na bagay kay GMA. Ang kanyang administrasyon ay punong puno nang pagmamalabis at pangungurakot at tama ka sa sinabi mo. Pati ang kanyang mga alipores ay puro kurakot din at kapit tuko sa kanilang posisyon. Namatay na sa kanila ang diwa nang delikadesa. Pakapalan na lang nang mukha katulad nang amo nila. Sana ay tuluyan nang mabulgar ang lahat nang baho at katiwalian nang administrasyong Arroyo at sana ay maisakdal lahat nang nagnakaw at nagsamantala sa bayang Pilipinas at makulong silang lahat para hindi na mapamarisan. Ipanalangin natin na sana ay magtagumpay si P. Noy na maangat ang moralidad nang Pilipinas tungo sa tuwid na landas. Salamat sa makabuluhang lathalain at tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Umma said...

opps.. medyo natama-an talaga dito si GMA.. hahaha.. good post Arvs. Keep it coming.

At least wala na sia and hope that the new admin will stick to the rules that he promised.

Fun family vacations
Bon Vivant
Mom Conversations

imriz said...

dapat talagang palitan:) ngunit dp mas DAPAT NA MAGING MATALINO ANG ATING MAMAMAYAN upang dna nagkakaroon ng pagkakataon ang mga ganitong klaseng pinuno:)))

Jag said...

Ouch to GMA hahaha...bagay na bagay ito sa knya...pero kung mabasa man niya ito hindi na din siya tatablan sa kapal ng mukha niya LOL...

Mama Ko said...

Hehehe swak na swak ang tula mo arvin, kaya lang parang ang bata yata na image sa tula ay inosente ang dating, sana picture nui GMA nilagay mo or yung GMA fake yung Ate Glo hehehe Anyway, good poem as always arvin, keep it up. You are really good.

goyo said...

ouch nga si GMA dito.hehe. Sya naman talaga ang puntirya mo diba? Hehe.

Mokong™ said...

GMA!!! Kila ko yan si GMA!!! Hahahamokong2007

eden said...

Nice poem, Arvs! Sana mabasa niya ito. Thanks for sharing.

Have a nice day always.

kcatwoman said...

hello there, since i cant find your chatbox, yes i hope we can exchange links :)

Bestpinay Flor

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

TAMA!! tsaka ayon sa ART II ng constitution..ang govt officials are teh srvant of the people..saka di ba "public office is the public trust!" dapat lang na palitan ang mga di karapat dapat sa posisyon! :D

Bambie dear ★ said...

SUper agree kay Sir Mel. Ang pangit ng image ni GMA dito sa Japan, dahil malaking pera din ang tinulong ng Japan para makapagpagawa ng train, pero hindi inunsad.. ano kaya ang nangyari dun sa pera na yun? Pakapalan na nga lang talaga

pusang kalye said...

sinu ba ang papalitan natin. kauupo lang ni Noynoy a. aha---alam ko na---yung pinuno ng GSIS--dapat palitan na yun.haha

iya_khin said...

sige palitan na ang dpat palitan kasi sa kakapalan ay inaamag na at umaalingasaw!hahaha!

Dhemz said...

bato bato sa langit ang matataman ay wag magagalit...ehehhe...sana mabasa to ni GMA...ehehhe!

sensya na po Arvin ha at ngayon lang me ulit napadaan dito...super busy kasi ako lately...ingat!

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...............medyo bagay nga ito sa kanya..pero sinulat ko ito ng marami ang iniisip na mga tao na naging pinuno..hindi lang naman siya ang naging pinuno..ang pinuno dito sa tulang ito ay sa lahat ng uri na mayroong pinuno..nabulgar naman ang kanyang mga katiwalian o ginawa na medyo labag sa batas..pero mahirap pong mapatunayan o mahusgahan sa korte kasi madami pang tatalakayin..na pagtagal ay nakakalimutan na lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...............kung mabasa niya man ito at matamaan siya ay hindi ko iyon sadya..kasi gaya ng sabi ko ang pinuno dito sa tula na ito ay marami ang kahulugan..

Arvin U. de la Peña said...

@imriz............sa halalan o kahit ano pa na mayroong pinagbubutohan para maging pinuno ay hindi natin alam ang nasa loob ng ating ibinoto..minsan nagkakamali tayo sa ating pinili kasi hindi pala siya karapat dapat..lalo na sa politika na halos karamihan ay pakitang tao lamang para sila ay iboto lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag............ganun ba..medyo bagay nga ito sa kanya..pero gaya ng nasabi ko na ay habang sinusulat ko ito ay maraming naging pinuno ang nasa isip ko..tatablan pa rin naman siguro siya..hindi naman bullet proof ang mukha niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Mama Ko...........kung picture po ni GMA ang ilagay ko ay ibig lang sabihin ay para talaga ito sa kanya..hindi ko iyon ginawa kasi ang pinuno dito ay marami ang kahulugan..naging pinuno ng kung ano ano na grupo o kaya kahit sa classroom,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@goyo............hindi po siya ang puntirya ko dito.....napakarami ko ng naisulat na tula na kung talagang may pinatatamaan ako ay tiyak marami na rin ang galit sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong..............halos lahat ay nakakakilala sa GMA.....puwede rin na iyong istasyon sa tv..kasi sikat din iyon,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............salamat at muli nagustuhan mo ang sinulat kong tula..at kung mabasa man niya ito sana ay hindi siya magalit kasi gaya ng sabi ko ang pinuno dito ay marami ang pakahulugan..

Arvin U. de la Peña said...

@kcatwoman............salamat naman at ayos sa iyo na mag exchange link tayo..add kita sa blog list ko..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..............maraming salamat sa sinabi mo..iyon po ang dapat..kapag hindi maganda ang pamamalakad ay palitan..kasi kung magpapatuloy pa ay lalo lang mapapasama o lalong hindi magiging maganda ang isang organisasyon na mayroong pinuno..pandidirihan kasama na ang mga miyembro..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear............oh talaga..hanggang diyan sa Japan ay hindi maganda ang image niya..ibig mo bang sabihin ang pera na para sa train ay galing lahat ng japan..di ko alam kung ano ang nangyari para sa project na iyon na pera mula sa japan..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang_kalye.............siguro kahapon lang ay may nabasa ako sa diaryo na marami na talaga ang nais na mapalitan ang pinuno ng GSIS pero hindi pa rin nangyayari..siguro dahil maimpluwensya siyang tao o kaya may mga padrino para manatili pa rin.,

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin.................hehe.. natawa naman ako sa sinabi mo....ano iyon pagkain na pinuno..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............huwag ngang magalit ang sinuman na tatamaan sa sinulat kong ito kasi hindi ko naman iyon sadya..okey lang po iyon..nauunawan kita..

charmie said...

Naku lahat yta ng comment at patama kay GMA..kaya bato bato sa langit ang matamaan wag magagalit!

SAlamat sa mga post na ito , sana mabasa ng dating administrasyon.. At least kahit sa ganitong paraan maging aware ang gobyerno natin at matauhan ..hahay naku!

God Bless Arvz:)

Manang Kim said...

Ay naku kung sino man ang natamaan nito sana naka helmet hehehe!

tim said...

sana nga naman yung pumalit ay okay.. baka naman hangang salita lamang..

Rcyan M. said...

Grabe. Haha! Sana tamaan si Gloria. Though I doubt it kasi for sure, sa height niya, siguradong mas mataas pa 'yung ibabato mo sa kanya. Hahaha! XD

Muling bumibisita. Tagal nating 'di nagkita.

--Rcyan

Yen said...

Dapat ba tlaga? hayaan na lang kya. Move on nalang ba.bago naman na e, MAg start nalang ulit. Hindi pa naman huli ang lahat di ba? hehe

eden said...

Hi Arvs,

Just dropping by. Have a great weekend ahead.

desza said...

HAy naku, marami talagang nasa kapangyarihan na ang kakapal ng mukha. pati ung mga galamay nya akala mo kung sino eh wala namang naitutulong. Tsk!

Ayos tong tula mo ah, keep it up!

fiel-kun said...

Naku hindi lang ito para kay GMA, bagay-bagay din toh sa mga pulitiko na patuloy na nagki-"cling" pa rin sa pwesto nila kahit isinusuka na sila ng taumbayan.

Arvin U. de la Peña said...

@charmie...........oo nga eh..halos lahat ng nagcomment ay akala para talaga kay GMA..ang masabi ko lang po ay ang sinulat kong ito ay para sa lahat na naging pinuno sa kung anuman man na organisasyon o ano pa na inaayawan na ng mga miyembro o karamihan ng mga tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim...........hehe..para namang sinasabi mo na masakit talaga ang tulang ito lalo na sa mga tatamaan..kahit hindi na mag helmet basta makapal lang ang ulo,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@tim..............iyon ang mahirap kung ang papalit para sa pinuno ay katulad pa rin ang gawain sa pinalitan na pinuno..sana lahat na papalit para sa pinuno na pinalitan ay maging maganda ang pamamalakad..gawin ang hindi nagawa ng dating pinuno na hangad ng karamihan..

Arvin U. de la Peña said...

@Rcyan M..............ang sinulat kong ito ay para po sa lahat na pinuno..kahit ng kung anuman iyon..kung matamaan man siya sa sinulat kong ito ay hindi ko po iyon sadya..thanks sa muli mong pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...............kung ang pinuno ay hindi maganda ang pamamalakad ay nararapat lang na naisin na palitan..kasi kung magpapatuloy pa ay lalo lang hindi magiging maganda ang tingin sa samahan o organisasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............hi din sa iyo..ah ganun ba..thanks for dropping by..

Arvin U. de la Peña said...

@desza............kasi po ang kapangyarihan ay nakakalasing..kapag nalasing na ay umaabuso na..salamat at ayos para sa iyo ang tula na ito..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun...................salamat sa iyong sinabi..tama ka na ito ay para sa lahat na may pinuno..hindi lang sa politika kundi sa iba pa..