Tuesday, November 10, 2009

Kumusta

"True friends see heart to heart, even if they don't see eye to eye."


KUMUSTA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kumusta ka na? Siguro ngayon ay maganda na ang katawan mo. Hindi katulad noong huli tayong magkita na wala sa porma ang iyong katawan. Pero kahit ganun ay maganda ka pa rin. Kagandahan na nasisiyahan ako kapag kausap ka. Kaya nga noon ay madalas kitang puntahan sa inyo para makipag-usap at makipaglaro sa iba nating mga kababata.

Kumusta ka na? Naaalala mo pa ba ang noong namamasyal tayo sa plaza. Gabi iyon siguro mga ala siete ng gabi. Habang naglalakad tayo ay may nadaanan tayo na naghahalikan. Nasabi mo bigla ng makita mo ay "ang bastos nila", sabi ko naman sa iyo "normal lang iyon sa nagmamahalan at balang araw ay mararanasan mo iyan". Doon ay kinurot mo ako sa tagiliran. Muntik mo pa akong suntukin. Nasaktan nga ako noon pero tiniis ko kasi di mo nagustuhan ang biro ko.

Kumusta ka na? Kung di ako nagkakamali ay naaalala mo pa ang noon ay dumalo tayo sa birthday ng isa nating kaibigan na may kaya sa buhay. Ang dami ng handa niya. Nang matapos na tayong kumain ay di mo napigilan ang hindi isilid sa bulsa mo ang limang puto at kutsinta. Paborito mo kasi ang puto at kutsinta. Dahil nga doon kapag binibiro kita na nagsilid ka sa bulsa mo ng puto at kutsinta ay inaaway mo ako. Kasi baka malaman ng iba nating mga kababata na ginawa mo talaga iyon.

Kumusta ka na? Ano na kaya ang hitsura mo sa ngayon. Siguro ibang-iba na. Lagi pa rin kitang naaalala na ikaw ay naging kalaro at kaibigan ko noong bata pa tayo. Minsan nga nasasabi ko sa sarili ko na walang ibang sasaya sa panahon na bata ang isang tao.

Kumusta ka na? Sana muli tayong magkita. Miss ko na kasi ikaw na kaibigan ko. Lagi pa rin kitang naaalala kahit matagal ng panahon na tayo ay nagkalayo. Sana ganun ka rin sa akin.

Kumusta ka na? Gusto ko pong malaman mo na ikaw ang tibok ng puso ko. Kung may nais man akong makasama sa buhay ay walang iba iyon kundi ikaw. Sana sa ngayon ay hindi pa nakatali ang puso mo sa iba. At umaasa ako na sa muli nating pagkikita ay may pag-ibig na sa ating dalawa.

Kumusta ka na? Kung sakali man ngayon na ikaw ay may asawa na ay hangad ko lagi ang iyong kaligayahan. Sana hindi ka niya sasaktan kasi masasaktan din ako kapag nalaman ko iyon. Ngayon kasi na malaki na tayo ay naramdaman ko na ikaw ang hanap ng puso ko. Sayang nga ng umalis ka sa ating lugar ay bata pa tayo at wala pang masyadong alam sa pag-ibig. Nabanggit ko sana sa iyo noon na mahal kita.

Kumusta ka na? Sana ay ayos ka lang. Nandito lang ako at naghihintay na muli kitang makita at makausap.

22 comments:

I am Xprosaic said...

Basta kapag kinakamusta ako sasabihin kong para alng akong wine... habang tumatagal lalong sumasarap... ahahahahahhaha tanduay ata yun ah... ahahahahahhaha

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic........ganun ba..iba ka pala na kaibigan..iyon ang dapat..sa madaling salita habang tumatagal at anuman ang mangyari sa buhay mo ay ganun pa rin..hindi nag iiba ang pakikitungo sa mga kaibigan lalo na kapag naging matagumpay ka..

I am Xprosaic said...

Yup! dahil wala naman akong nakikitang kelangan baguhin lalo na sa pakikitungo... maaaring nagbabago ang tao sa bawat oras na lumipas pero ang pakikipagkaibigan at ang samahan ay di naman kelangan kalimutan...

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.......tama ka..sana lahat na naging kaibigan ko at nakilala ay katulad mo..saludo ako sa iyo..sana ganun din lahat ang nagiging magkaibigan..

NYOG said...

ang ganda naman ng pagkakasulat.. weee... apir!

Jaypee of enjayneer.com said...

nice one pare..

iya_khin said...

wow ha! puro senti talaga!

sige na nga pakamusta na din!heheh

pumpkienpie said...

emote! emote! haha

eden said...
This comment has been removed by the author.
eden said...

kumusta ka na Arvs?

i enjoyed reading this post. it reminds me of a friend na hilig din magsilid ng pagkain pag may party kaming dinadaluhan..hehehe

thanks nga pala sa dalaw at comment. I really appreciate it.. take care

vonfire said...

Kumusta?...etoh gaylalu pa rin hahaa!...salamat sa pagbisita lagi at pakumusta na rin kung sino man sya! :D

Arvin U. de la Peña said...

@Nyog........salamat at nagustuhan mo rin itong sinulat kong ito..ok..apir tayo..

@Jaypee of engineer.com.........ok..thanks din sa iyo..kumusta ka naman

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin.....ganun senti..hehe..medyo may pagka senti lang..ikukumusta kita sa kanya..ikaw kumusta ka naman diyan..

@pumpkienpie.......yup..emote nga ng konti..haha..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.........ganun ba may friend ka rin na mahilig magsilid kapag may dinadaluhan na party..ganun kasi pag bata pa..talagang ganun ang mga bata minsan nagdadala ng pagkain kapag may dinaluhan..sinisilid sa bulsa ang mga pagkaing pambata..like puto at kutsinta..

@vonfire..........ok lang ako..walang problema iyon sa akin..ganun kasi ang ginawaga ko lalo kapag may new post ako ay binibisita ko ang mga nasa exchange link ko..kasi iyon ang pangako ko na pag ma add ang blog ko sa blog list ay ipapaalam ko kapag may new post ako sa pamamagitan ng pag iwan ng mensahe sa cbox, shoutmix..

tri-has said...

Hello, thanks for visiting my blog. If you need me to add your URL in my Friend Link, please do it first in your side, let me know & I will link you back. Thanks

Arvin U. de la Peña said...

@tri-has..........you are now on my blog list..i add you already..hope you add me also..thanks..

Gbex said...

done adding ur link...Hope you can do the same thing for me...

maghihintay sa iyong dalaw

Arvin U. de la Peña said...

@Gbex..........salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add din kita..

Gbex said...

Thanks arvin sa pag add mo sa Reaching out...i aadd din kita sa iba ko pang blog...i will let you know pag nagawa ko na.....

bea trisha said...

yeah..
friends see not into each other, but through each other...

kumustahan..
yeah,,
namiss ko frieds ko...

Arvin U. de la Peña said...

@Gbex...........ayos lang..salamat din at add mo ang blog ko sa blog list mo..

@bea trisha.........talagang nakakamiss ang mga friends na sa kanila kapag kasama mo ay masaya ka at enjoy talaga..

Jag said...

Kumusta ka na? hehehehehe...dahil sa post na ito malalaman na hindi lng ng mga kababata nyo kundi pati buong mundo na nagsisilid ng puto`t kutchinta ang kaibigan mo sa kanyang bulsa ahahahaha...

May nagbago man sa kanya ngunit ang inyong samahan at pagkakaibigan ay gnun pa rin...