Friday, September 11, 2009

Plano

"Minsan sa buhay pag-ibig ang babae na ang gumagawa ng paraan para siya ay magustuhan ng lalaki."


PLANO
Ni: Arvin U. de la Peña

Magkatabi ng kuwarto na paupahan sina Lester at Kristine. Ngunit magkaiba ang paaralan na kanilang pinapasukan. Si Kristine ay kasama niya ang kanyang kapatid at pinsan. Samantala si Lester ay nag-iisa lang sa kanyang kuwarto. Dahil si Lester ay medyo mayaman at kumukuha ng kursong abogasya. Sa loob ng halos tatlong buwan na nila na magkatabi ng kuwarto ay hindi man lang sila nagkakausap ng masinsinan. Dahil si Lester ay mahiyain sa babae kahit na guwapo! At si Kristine naman nahihiya na siya ang lumapit kay Lester para makipag-usap dahil baka sabihin na siya pa ang nagpapakita ng motibo. Pero si Kristine ay crush niya si Lester. Gayundin si Lester may lihim siyang pagtingin kay Kristine.

Minsan isang gabi pag-uwi ni Lester galing sa paaralan ay nakita niya na may bisitang lalaki si Kristine. Nag-uusap silang dalawa sa sala at parang masayang-masaya si Kristine. Agad ay nakadama ng selos si Lester. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto agad ay nagsisisi siya kung bakit hinayaan na lamang niya ang pagtingin na nadarama kay Kristine. Ayan tuloy, mauunahan pa yata siya.Kinabukasan paggising niya at pagpunta sa canteen para kumain nakasabay niya sina Kristine.

Habang pumipili si Kristine ng pagkain nila na bibilhin ay naglakas-loob na nagtanong si Lester kay Kristine."Kristine, sino ba ang lalaki na bisita mo kagabi?"."Ah, si Junjun kaklase ko", sagot ni Kristine."Nanliligaw ba siya sa iyo?" tanong uli ni Lester."Medyo," mahinang sagot ni Kristine kay Lester"Ganun ba?", malungkot na sinabi ni Lester kay Kristine sabay puwesto na sa upuan para kumain,.

Habang siya ay kumakain hindi siya mapalagay. Nagtatalo ang puso niya at isipan. Sa isipan niya ayaw niya munang magmahal dahil magiging abala iyon sa kanyang pangarap na maging isang abogado. Ngunit sa puso niya ay nag-uudyok na ligawan na si Kristine. Dahil noon pa man na makita niya ito ay nagkaroon na siya ng pagtingin sa dalaga pero inililihim lang niya.
Kinagabihan muli ay bumisita na naman si Junjun. Ang masakit siya pa ang napagtanungan kung nandiyan ba si Kristine dahil nakatayo siya sa may pinto. At ilang sandali pa nagselos na naman siya.

Pagkabukas dahil sa hindi na niya talaga makaya na pigilan na lang ang nararamdaman kay Kristine ay niyaya niya ito na mamasyal. Laking pasasalamat niya ng si Kristine ay pumayag. Nasundan pa iyon ng nasundan. Bawat imbita niya kay Kristine ay pumapayag ito at sa bawat pamamasyal nila masayang-masaya siya, gayundin si Kristine. Ang ipinagtataka niya bakit mula ng mamasyal sila ni Kristine ay di na muli pang bumisita si Junjun.

Hanggang isang araw na hinihintay niya si Kristine na dumating galing sa paaralan ay nakipagkuwentuhan muna siya kay Rhea na pinsan ni Kristine. Sa pag-uusap nila doon ay nalaman niya na si Junjun ay kaibigan lang pala ni Kristine sa paaralan. Kinasabwat na kunwari ay manliligaw sa kanya para siya ay magselos ng sa ganun maglakas-loob na ipadama ang nararamdaman niya kay Kristine dahil mula pa raw noong una alam na ni Kristine na siya ay may pagtingin.

Pagdating ni Kristine ay napatawa lang si Lester. Nasa isip niya na naisahan siya ni Kristine. Nalaman ni Kristine na siya ay mayroon talagang pagtingin. Kaya si Kristine na ang gumawa ng plano para mangyari ang nais dahil si Kristrine crush din siya. Magpaganun pa man walang pagsisisi na minahal niya si Kristine dahil hindi iyon naging sagabal sa kanyang pag-aaral kundi naging inspirado pa siya.

Hanggang sa maging sila.

5 comments:

RLC Videorom said...

wahaha..ganda,galing mo sumulat, hope ung matagal ko ng hinihintay na babae eh gawin din yan..hayy.. yoko na muna tlga xe manligaw..aral muna,hanggat di pa naayos buhay ko eh,ska na yan..nyahaha,

have a nice weekend tol!

manik_reigun said...

parang may friend akong ganyan ang storya sa buhay ah..hmm..

interesting!hehe

Kablogie said...

Ayos sa plano ah..keep up the good work!

Hi! I'm Grace said...

Hi Arvin, I know I owe you one. Hindi ko pa na-publish sa blog ko ang tula na ginawa mo sa akin dahil my hubby and I are not home. Mahihirapan kasi akong mag-post kapag hindi yung PC ko ang gamit ko. Don't worry, hindi ko makakalimutan yan... Promise.
By the way, ang ganda ng kwento na ito. :)

kox said...

Astig ah! yung piktyur! :D