Tuesday, September 22, 2009

Ikaw Na

"Kapag nagmahalan ang dalawang tao na bigo sa una nilang pag-ibig ay gagawin talaga ang lahat ng paraan para di maghiwalay. Masakit kaya ang mabigo sa pangalawang pagkakataon."

IKAW NA
Ni: Arvin U. de la Peña

Marahil ay ikaw na ang buhay ko
Sa iyo ay masaya ako
Nagmahalan tayong dalawa
Mula pagkabigo sa unang pag-ibig.

Itong sa ating dalawa ngayon
Sana ay wala ng wakas
Makakaasa ka sa akin
Na hindi kita paluluhain.

Mahal na mahal kitang tunay
Iyong-iyo na ang puso ko
Pinapangako ko hanggang sa huli
Ikaw ay aking mamahalin.

Hindi ako mag-iiba sa iyo
At lalong hindi ako magbabago
Ikaw na ang lahat sa akin
Ang nasa puso at isipan lagi.

8 comments:

Kablogie said...

Uy! ang ganda nya..sino sya?

ms. prince said...

inlalalab (;

[ k r y k ] said...

sweet! xD
stay in love Ü

Meryl (proud pinay) said...

cute sya.^_^ ganda naman ng tula..

Hi! I'm Grace said...

Isa na namang magandang tula.
By the way, nai-post ko na ang tula na gawa mo para sa akin.
Thanks uli. :)

fiel-kun said...

Ganda naman ng poem... kakainspire ^_^

tim said...

hehehehe. ganda nman

Glenda said...

i'm back. yey! i've missed reading your fabulous blogs! =D you're very talented.