Friday, October 10, 2008

Contessa ( published in newspaper )

*Ang lahat ng nakasulat dito sa kuwento ay hindi po talaga totoo. Sinasabi ko ito dahil sa may kababata at kaibigan ako na ang pangalan ay Contessa. Lahat na narito sa kuwento ay gawa-gawa at pawang imahinasyon lamang. Ginawa ko lang na pamagat ang pangalan niya.*

(click niyo po ang naka scan para lumaki at mabasa niyo)

Kay Magnolia

*Minsan ng nag-iinuman kami ng ka batch ko na ito sa high school ay nagsabi siya na sana siya naman daw ang ilagay ko sa diaryo na siyang hinahandugan ko ng sinulat ko. Nang marinig ko iyon ay tumawa lang ako pero ang nasa isip ko ay "titingnan ko kung magagawa ko". Mabuti at nagawa ko iyon pagtagal. Dalawang tula na para sa kanya ang napublish. Ang Dahil Sa Iyo at ang Ikaw Lamang. At para po sa inyong kaalaman lahat po ng nakasulat dito na para sa kanya ay gawa-gawa lang talaga at walang halong malisya. Gawa-gawa lang po talaga. Ok.......*

(click niyo po ang naka scan para lumaki at ng mabasa niyo)
















KAIBIGAN
Ni : Arvin U. de la Peña
Kay: Magnolia Seron
Ako ay labis na nagagalak
aging kaibigan kitang tunay
Kapag ako ay may kailangan
Naaasahan ka anumang oras.
Tandang-tanda ko pa ang noon
Ako ay walang pera
Para sa pambili ko ng gamot
Isang sabi ko lang ay nagbigay ka agad.
Lumipas pa man maraming taon
ana ikaw ay di magbago
Sa akin ay manatili
Maganda mong pakikitungo.
Dahil ako na kaibigan mo rin
Makakaasa ka sa akin
Handa kitang tulungan kapag kailangan mo
Puwede kong isakripisyo buhay ko.
KABABATA
Kay: Magnolia Seron
Ni: Arvin U. de la Peña
Maligaya ako natupad mo
Ang iyong mga pangarap
Kahit paano hindi nasayang
Ang apat na taon mong pag-aaral.
Napakasaya ko kapag naaalala
Pinagdaanan nating buhay
Naglalaro, naghahabulan, at kung ano pa
At ang mga pangarap nabuo.
Kahit ako'y naging ganito
Hindi ako nagsisisi
Kung di natupad ang nais ko
Kasalanan ko rin naman.
Masayang-masaya ako
Kapag tayo ay nagkikita
Lalo kapag ako ay iyong niyayaya
Na kumain at mag-inom kahit sandali.
Kung hanggang kailan
Kasiyahan kong ito para sa iyo
Hindi ko masasabi
Sana panghabam-buhay.

High School Batch 95 Members (not all)

























Masarap minsan ang pakiramdam kung nagkakatipon-tipon kayo ng mga ka batch sa high school . Habang umiinom ng beer o anong klase na nakakalasing ay napag-uusapan ang mga nakaraan noong kabataan pa. Dahilan para mabuhay ang mga alaala noong high school na minsan na lang naiisip dahil sa abala sa kasalukuyang buhay. Higit na nagbibigay saya kapag napag-uusapan ang mga high school crush, hehe. Minsan nagkukunwari pa kahit totoo naman. Ang mga pangyayari noon kapag binubulgar ng isang ka batch nagiging dahilan din para ang iba ay magtaka o kaya mabigla. Muli sa katatawanan lang napupunta ang lahat. Ang mga pagbibiro ng mga kaibigan ay gustuhin mang iwasan ay mahirap na gawin. Lahat ay makakatikim talaga ng kantiyaw o biro kung kinakailangan. Ganoon talaga kapag magka batch ang nag-iinuman. Napag-uusapan din kung paano nabigo o nagtagumpay ang isang ka batch sa buhay o propesyon na pinili.

Sakristan ( published in newspaper )

*Napakadami ko pong sinulat na kuwento. Sa lahat po ay ang SAKRISTAN ang napakadali kong nagawa kasi hindi umabot ng isang oras. Di katulad ng iba na matagal bago ko matapos dahil sa kaiisip kong ano ang isusulat sa ginagawang kuwento. Minsan nga mga ilang araw pa bago matapos. At ng ipasa ko ito para sa diaryo ay napublish agad after 4 days. Thursday ko ito ipinasa at pagka Lunes na araw na may column na Bagong Sibol sa diaryo na Pilipino Star Ngayon ay napublish na. Nagulat nga ako kasi madaling napublish. Di katulad ng iba kong kuwento na matagal muna bago mapublish. Siguro ay maganda din ang kuwento kaya inuna sa mga nakasabayan ko sa pagpasa ng kuwento sa week na iyon. Sa kuwento po na ito ay di maganda ang imahe ng pari. Kung gusto niyo po itong mabasa ay click lang ang gitna ng naka scan na kuwento para po lumaki ang mga sulat o kaya ay scroll down lang at click ang older post hanggang na makita kasi ay tapos ko na po itong ipost pero di naka scan. Buwan ng June ng ipost ko ang kuwento na ito. Hindi po ako naging isang SAKRISTAN. Gawa-gawa ko lang ang kuwento na ito.*

( click niyo po ang naka scan para lumaki at ng mabasa niyo naman )


Tula Ng Magtatapos



Tula Ng Magtatapos
Ni: Arvin U. de la Peña
Paalam na sa inyo kaibigan
Kailangan ko ng umalis
Kung saan man ako makakapunta
Tadhana ang nakakaalam.
Huwag kayong mag-alala sa akin
Alam ko ang gagawin kong hakbang
Hindi ako sa inyo
Magiging problema sa buhay.
Balang araw mauunawaan niyo rin
Kung bakit ako lalayo
Mag-isa na harapin
Pagsubok ng isang nagtapos.
Kahit wala na ako
Makakaasa kayo sa akin
Na hindi ko kayo makakalimutan
Bawat araw maiisip ko kayo.
Ako’y magtatapos na sa pag-aaral
Mga kaibigan kong nag-aaral pa
Sana kayo din ay tumulad
Sa akin at sa iba pa kahit na di magtagumpay.

Gulong

GULONG
Ni: Arvin U. de la Peña

Manipis na rin ang gulong ni
Mang Estong drayber
Limang taon ding ginamit-gamit
sa kung saan-saan
Sa pagliliwaliw minsan
sa mga bahay aliwan
Tanging gulong ang saksi
kung sino ang tangay.

Wala na talagang kulay
Ang dating makintab na gulong
Ngayon ay parang alikabok na
Sa pagdaan sa kalsada
Usap-usapan kung kailan papalitan.

Ang dating pinagkakaguluhan na gulong
Ngayon ay balewala na lang
Sa unti-unting pagkupas ng gulong
Dahan-dahan ding kumupas
karisma ni Mang Estong drayber.

Kita na ngang may butas ang gulong
Kung kailan lumipas ang panahon
Saka lang niya napansin
na kailangan na palang palitan
Kawawang Mang Estong na drayber
Saan pa siya kukuha ng pambili ngapat na gulong
Wala ng nagtitiwala sa kanya
Wala na ring nagpapautang pa sa kanya.

Hamon ( published in newspaper )

*Ang tula po na ito na napublish sa diaryo ay inihahandog ko po hindi lang kay Jun Lozada kundi sa iba pang mga tao na handang magsiwalat ng katiwalian laban sa gobyerno. Kaya ko rin nasulat ang tula na ito ay dahil minsan may mga iniimbestigahan na hindi talaga nagsasabi ng totoo. Sa madaling salita ay nagsisinungaling sila o kaya may pinagtatakpan para na rin siguro sa kaligtasan nila. Bihira na lang po talaga sa ngayon ang nagsasabi ng totoo. Minsan kasi ang pagsisinungaling ay nakakatulong din sa buhay ng tao. Kaya ang HAMON ko ay magsabi ng totoo.*

(clik niyo po ang naka scan para lumaki at ng mabasa niyo.)