ULAN
Ni: Arvin U. de la Pena
Sa pagbuhos mo marami rin ang natutuwa
Lalo na kung mga nagdaang araw mainit ang panahon
Ikaw ay pinapasalamatan
Dahil kahit paano naiibsan ang init ng katawan.
Sa mga magsasaka ay malaki ang tulong mo
Dahil minsan mahaba ang tag-araw
Pagkauhaw sa tubig ng mga palay
Nabibigyan mo ng lunas.
Ulan minsan matagal ka, tag-ulan
Minsan naman ikaw ay panandalian lang
Ang tulad mo ay para ring pangarap
Minsan natutupad agad, minsan naman matagal.
Masarap kang isipin minsan
Inaalala ang noong bata pa naliligo
Sa lungkot at saya minsan ng mga tao
Ang tulad mo ulan ay saksi.