Monday, August 1, 2022

Labanan Ang Fakenews


Ang fakenews ay nakakasira sa kaisipan ng tao. Kahit matalino ay napapaniwala sa fakenews. Hindi mabuti ang ganun kasi kung magpapatuloy ay walang magandang kahihinatnan ang bansa, maging kawawa ang mga pilipino. Hindi lang sa ngayon kundi pati sa hinaharap na panahon.

Kapag may nababasa na fakenews o napapanood ay dapat na ito ay salungatin ng katotohanan. Huwag mahiya at matakot magsabi sa katotohanan. Dahil ang ipinaglalaban ay para naman sa ikabubuti ng lahat. 

Kung malinis ang pagkatao ng isang tao ay sisiraan ng sisiraan sa mga fakenews at maraming tanga ang mapapaniwala kahit hindi totoo.Ganyan ang nangyari kay VP Leni Robredo. Masyadong siniraan ng mga fakenews na pinaniwalaan ng mga tanga at uto-uto. Sila na mga nagpapakalat ng mga fakenews ay wala silang konsensya. Masaya sila na marami silang nauuto, higit sa lahat kumikita pa sila pagpalaganap ng mga fakenews.

Kaya hanggat maaari huwag maniwala sa mga fakenews higit sa lahat ito ay labanan.