Sunday, September 11, 2022
Song title pangarap Compose by Arvin dela Pena.song by meliton talaba.. ...
Monday, August 1, 2022
Labanan Ang Fakenews
Ang fakenews ay nakakasira sa kaisipan ng tao. Kahit matalino ay napapaniwala sa fakenews. Hindi mabuti ang ganun kasi kung magpapatuloy ay walang magandang kahihinatnan ang bansa, maging kawawa ang mga pilipino. Hindi lang sa ngayon kundi pati sa hinaharap na panahon.
Kapag may nababasa na fakenews o napapanood ay dapat na ito ay salungatin ng katotohanan. Huwag mahiya at matakot magsabi sa katotohanan. Dahil ang ipinaglalaban ay para naman sa ikabubuti ng lahat.
Kung malinis ang pagkatao ng isang tao ay sisiraan ng sisiraan sa mga fakenews at maraming tanga ang mapapaniwala kahit hindi totoo.Ganyan ang nangyari kay VP Leni Robredo. Masyadong siniraan ng mga fakenews na pinaniwalaan ng mga tanga at uto-uto. Sila na mga nagpapakalat ng mga fakenews ay wala silang konsensya. Masaya sila na marami silang nauuto, higit sa lahat kumikita pa sila pagpalaganap ng mga fakenews.
Kaya hanggat maaari huwag maniwala sa mga fakenews higit sa lahat ito ay labanan.
Tuesday, May 31, 2022
Bobotante
Ang pagkatalo ni VP Robredo sa halalan ay pagkatalo ng sambayanang pilipino. Sinayang ng napakaraming pilipino ang mapagsilbihan sila ng isang Leni Robredo. Sadyang napakarami na rin ang tinatawag na mga bobotante. Ang mga bobotante ay sila ang mga tao na hindi marunong pumili ng tamang kandidato na magsisilbi bilang politiko. Sa desisyon ng mga bobotante ay damay ang mga tao na bumoto kay VP Robredo. Kung magpapatuloy pa na sa bawat halalan ay napakaraming bobotante ay walang magandang kahihinatnan ang bansang Pilipinas.
Friday, March 25, 2022
Tula Para Kay Leni Robredo
Tula Para Kay Leni Robredo
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa iyo nakikita ang pag-asa
Bansang naghihirap at nagdurusa
Sa bawat binibitawan mong salita
Nagbibigay inspirasyon sa madla.
Mga tao ay nagkakawang gawa
Upang ikaw ay suportahan nila
Mula sa iba't ibang lugar ng bansa
Nagkaroon grupong kakampink upang ipaglaban ka.
Walang katulad ang sa iyo paghanga
Mayaman man o mahirap labis pinapakitang suporta
Gumagasto ng sarili nilang pera
Upang magamit ikaw ay ikampanya.
VP Leni Robredo marami sa iyo nagtitiwala
Mangyari sinusulong na plataporma
Pilipinas ay magkaroon uli ng sigla
Kapag ikaw ay naging pangulo na.