Monday, November 29, 2021
Dagat Pilipinas OFFICIAL LYRICS VIDEO
Sunday, September 12, 2021
Sa Susunod Na Eleksyon
Nagkaroon ng pandemya dahil sa covid. Siguro naman naramdaman niyo kung sino sa inyong naglilingkod para sa bayan ang nagpakitang gilas o may ipinakita na pagtulong na maging hudyat para sa sunod na eleksyon ay puwede pang iboto. Siguro naramdaman niyo na kung malapit lang sa eleksyon sila ay nagpapapansin o kung ilang oras na ang halalan ay diyan na magbigay tulong sa pamamagitan ng pagbili ng boto o pagbigay ng kung ano.
Mahalaga ang halalan dahil dito nasusukat ang tao na magsisilbi para sa bayan o para sa bansa. Kung hindi boboto ng tama ay malaki ang epekto sa mga pilipino, sa mga susunod na henerasyon, sa mga nasasakupan ng bayan o ng mga lalawigan. Uso ngayon ang social media. Halos lahat ay mayroon cellphone o smartphone na puwede makabasa para sa isang politiko kung anong klase siya na pagkatao. Ang mga nababasa na ilan ay tiyak fake news. Kaya huwag na huwag agad maniwala sa kung anuman ang balita o nabasa para sa isang politiko dahil ang mga politiko ay mayroon silang mga tao na ang trabaho ay pabanguhin ang kandidato sa mga tao kahit na hindi mabango.
Oo sa halalan nakakatanggap nga ng pera. Pero ang pera na iyon ay ilang araw lang ay ubos na. Anim na taon o tatlong taon ang kapalit ay pera na naubos agad. At kung hindi pa mabuti ang pagserbisyo ay sakit sa ulo lang ang resulta para sa iyo. At sasabihin na lang na babawi sa susunod na eleksyon.
Nasa huli minsan ang pagsisisi para sa naging pagboto sa isang kandidato. Pero kung boboto ng tama ay hindi iyon mangyayari para iyo.
Vote Wisely ika nga.