Thursday, June 4, 2020
CORONA VIRUS
Corona Virus
Ni: Arvin U. de la Peña
Malaki ang naging epekto ng corona virus sa buhay ng mga tao. Ang di inaasahan na mangyayari na nakakatakot na maaaring sa mga pelikula lang makita ay naramdaman ng mga tao. Sa pagpatupad ng mga lockdown ay dapat sa bawat bahay ay isa lang ang puwede lumabas para makabili ng kung ano. Sarado pa minsan ang mga tindahan. Kung aasa naman sa mg bigay na relief goods ay di naman makakasya sa ilang linggo o buwan na ganun ang sitwasyon dahil ang mga bigay na relief goods ay pang isa o dalawang araw lang na kailangan ng mga tao sa bawat pamilya na mabigyan.
Social distancing o physical distancing ganun na ang nangyayari kapag nasa labas ng bahay may bibilhin o kahit walang bibilhin at nag uusap lang. Maging sa pagpunta ng simbahan ay ganun na rin. Ang ganun na patakaran kung patakaran man na masasabi ay hindi alam kung hanggan kailan gagawin. Napakaraming event na nakansela dahil sa corona virus. Napakaraming kompanya ang bumagsak dahil walang trabahong nangyayari.
Sa pangyayari na nagkaroon ng corona virus doon ay napag isip isip na mahalaga talaga ang may ipon na pera. Dahil kapag may ipon na pera ay may maibibili ka na pangangailangan. Hindi naman magagawa ng gobyerno na magbigay ng magbigay ng mga ayuda sa mga apektado ng corona virus. Kahit may mga inaasahan na kamag anak o kapatid sa ibang bansa na puwede magbigay kung humingi ay hindi rin naman makabigay dahil halos lahat ng bansa may mga pag lockdown ding pinatupad. Pagpadala naman ng pera at pagkuha ay mahirap kasi maraming tao o sarado.
Ang corona virus ay virus na kung saan mapaminsala at nagbigay din ng leksyon sa mga tao. Sana lang kapag mayroon ng gamot ay pagtagal ay di magkaroon uli ng panibagong virus na makakapagbigay pangamba sa mga tao.
Subscribe to:
Posts (Atom)