Sunday, February 10, 2019

Mga Payo Ni Kuya Arvin ( Episode 2 )

"Minsan ang problema ay nabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga salita. Kung mayroon problema ay mangyari na magtanong lang sa akin baka makatulong ang aking mga salita."


1.) Kuya Arvin, nagkaroon ako ng boyfriend sa college. Pero pinaghiwalay kami ng mga magulang ko dahil gusto na makatapos muna ako ng pag aaral. Ngayon na nakatapos na ako ng pag aaral at mayroon ng trabaho ay gusto ko na magbalikan kami ng ex boyfriend ko pero ayaw na niya dahil may gf na siya. Ano ang mabuti kong gawin, advice naman po. Salamat. Bernadeth S.

-----Sa iyo Bernadeth ay huwag magpilit sa ayaw. Masaya na ang ex bf mo sa kasalukuyan niyang gf. Huwag mo ng guluhin ang relasyon nila. Masasaktan ang gf ng ex bf mo kung iiwanan. Huwag mong hayaan na maging malungkot ka dahil sa ex bf mo. Mag move on ka. Sigurado ako na may lalaki din na manliligaw sa iyo. Maghintay ka lamang ng tamang panahon. Patuloy ka lang masasaktan kung aasa ka pa sa ex bf mo na balikan ka. Pumasyal ka sa ibang lugar o kaya pumunta sa mga mall, maglibang ka sa sarili mo. Malalaman mo may kasiyahan sa buhay mo na hindi kapiling ang ex bf mo.

2.) Kuya Arvin, nag aaral po ako ngayon ng college. Gusto ko po na maging isang guro. Dahil malayo po ang bahay namin sa paaralan ay nakikitira ako sa pinsan ko para na rin makatipid sa gasto. Ang kapalit naman ay nagtratrabaho ako sa gawaing bahay. Ngunit minsan nasasaktan ako at gusto ko ng umalis kapag pinagsasabihan ng hindi maganda ng mama ng pinsan ko dahil may gawain sa bahay na hindi ko agad nagawa. Ano ang mabuti kong gawin. Karen J.

-----Sa buhay ng tao kasama na ang masaktan ng salita. Iyon ay dahil may damdamin ang bawat tao. Kung aalis ka sa bahay ng pinsan mo ay ikaw lang din ang mahihirapan. Iyon ay dahil baka mag uwian ka na sa pagpasok sa paaralan sa bahay niyo. Nakakapagod din ang ganun lalo na kung umuulan. Kung mag boarding house ka naman ay magasto din. Sa iyo Karen ang maipapayo ko ay tiisin mo na lang muna ang mga salita ng binibitawan sa iyo ng mama ng pinsan mo. Hindi naman iyon pisikal na nasasaktan ka. Salita lang naman. Ibaba din ang pride minsan. Hindi ka naman sinasaktan na pinapalo, binubugbog o anu pa kundi salita lang. Pag makatapos ka na ng pag aaral ay saka ka na umalis. At huwag ka magtanim ng sama ng loob sa mama ng pinsan mo. Kundi pasalamatan mo na sa pag aaral mo ay sa kanila ka tumira. Gawin mong inspirasyon ang mga binibitawan na salita ng mama ng pinsan mo para sa iyong pangarap na gusto matupad.

3.) Kuya Arvin, mayroon po akong kaibigan mula pagkabata. Kapag may panahon ay nag iinuman kami kasama ng ibang mga kaibigan. Ang problema po ay ng sabihin niya sa amin habang nag iinuman na aalis na siya papunta ibang bansa para doon na rin magtrabaho. Kasi andun din sa ibang bansa ang kasintahan niya. Nakaramdam po ako ng lungkot ng sabihin niya iyon kasi hindi na namin siya lagi makikita ng barkada at makakainuman. Pagpayuhan mo po ako. Michael G. ng Batangas.

-----Normal lang po iyon kasi sa inuman at saya ay hindi niyo na siya makakasama. Ang mabuti mong gawin Michael kasama ng iba pang mga kaibigan ay ipanalangin siya na magtagumpay sa ibang bansa. Mayroon naman facebook o kaya cellphone kaya mayroon pa rin naman komunikasyon. Kung magtagumpay iyon sa ibang bansa siguro naman minsan ay magpapadala ng pera sa inyong kabarkada niya para mag inuman kayo na naiwan. Sa paglipas ng panahon ay masasanay na rin kayo na sa mga kasiyahan ay hindi siya kasama. Babalik rin naman siya, minsan magbakasyon at tiyak makakasama niyo uli siya sa kasiyahan ng barkada.