Saturday, November 24, 2018

Bye

Inihahandog ko ang sinulat kong ito para sa babaeng makita sa larawan.


BYE
Ni: Arvin U. de la Peña

Bye. Lahat tayo ay nakakapagsabi at nasasabihan ng bye. Minsan kung ikaw ay pagsabihan ng bye ay nakakaramdam ka ng lungkot lalo kung ang nagsabi ay minsan mong minahal. Pagsasabihan ka ng bye para sa nangyaring relasyon na hindi na muling mauulit dahil tapos na. Iyon ay dahil nagkaroon ng alitan, hidwaan, o hindi pagkakaintindihan. Magiging alaala na lang ang lahat.

Subalit sa buhay ay napagsasabihan ka rin ng bye na ang dulot sa nagsabi ay bilang inspirasyon sa iyo at sa buhay niya. Magsasabi sa iyo ng bye dahil aalis na siya papunta ibang lugar o bansa para magtrabaho ng sa ganun ay matupad niya ang pangarap sa buhay at pangarap para sa iyo na sinabihan ng bye. Maganda ang ganun na pag bye. Dahil sa bawat pawis na lumalabas sa katawan, sa bawat pagsusumikap sa pagtrabaho ay mabuti ang dulot. May magandang kahihinatnan.

Bye, bye. May bye din na masakit iyon ay dahil sa pag bye ay wala ng balikan. Hindi na muling makikita, makakausap, at makakasalamuha sa lungkot at saya, sa inuman at kantahan ang isang tao. Iyon ay ang pag bye na pamamaalam sa mundo. Hindi maikakaila na lahat tayo ay may katapusan. May pagwawakas ang ating buhay. Sa una ay hindi natin matanggap ang ganun na bye. Pero kalaunan ay unti-unti nating matatanggap na ang buhay ay sadyang ganun. Darating ang araw na kukunin na tayo ng Diyos na siyang nagbigay buhay sa atin.

May mga lugar o pasyalan tayong napupuntahan. Pero hindi tayo nagtatagal doon. Ilang araw lang o kaya oras ay aalis na. Mag bye na sa lugar o pasyalan pero isang kasiyahan ang hatid dahil ating napuntahan. Samantala ang ibang tao ay hindi makapunta dahil walang panahon o walang panggasto.

Bye, bye, bye. Anumang uri ng bye ang maranasan natin dapat lang tayo maging handa ng sa ganun hindi tayo masaktan masyado. Oo mahirap ang pag move on dahil may nag bye sa atin pero dapat din natin isipin at mahalin ang ating sarili. Tanggapin ang katotohanan na sadyang may pag bye.

Life is all about moving on.