"Sa buhay, darating ang tao na para sa iyo talaga. Hindi napunta sa iba dahil nakalaan sa iyong puso para mahalin mo ng lubos."
PAG-IBIG NA HININTAY
Ni: Arvin U. de la Peña
1990. Pagkatapos mag graduate ng kolehiyo ni Emerson Mondera ay sumama siya sa kanyang tiyuhin sa Manila na may trabaho bilang electrician. Napa wow si Emerson sa kanyang unang salta sa Manila. Nasabi niya sa sarili ganito pala ang lugar na pangarap puntahan ng mga taga probinsya na gustong mag trabaho.
Sa ilang araw na pananatili ni Emerson sa Manila ay sinubukan niyang mag apply ng trabaho sa isang agency. Pagkatapos ng interbyu ay sinabihan siya na tatawagan na lang sa kontak number ng telepono na nakasulat sa biodata. Sa ganun ay umasa na si Emerson na matatanggap. Hindi na siya nag apply pa sa iba.
Habang hindi pa tinatawagan si Emerson ng agency ay nag trabaho lang muna siya bilang konduktor sa jeep. Sa ganun na uri ng trabaho ay nakakabisado niya ang lugar sa Manila.
Minsan habang bumibiyahe sila ay nakita niya na may babae na nagpapasaklolo dahil may hinahabol at ang hinahabol ay papalapit sa jeep na pinag konduktoran niya. Bigla ng mapalapit ang hinahabol ay sinunggaban niya at sinuntok at kinuha niya ang bag na inagaw sa babae. Laking pasasalamat sa kanya ng babae na nursing student dahil naroon sa bag ang mahalagang gamit at pera. Labis na nagandahan si Emerson sa babae. Nahulog agad ang kanyang damdamin at nasabi niya sana maging kasintahan niya. Sobra siyang nasiyahan ng makipag kamay ang babae dahil aalis na at nagpakilala na siya si Kyle Ortega.
Araw at gabi ay laman na ng isip ni Emerson si Kyle Ortega. Lagi niyang sinasabi na kung muli ay makita niya ay makipagkilala siya at imbitahin na mamasyal. Sa pag konduktor ni Emerson at pagtawag ng maging pasahero ay lagi siyang tumitingin sa paligid. Nagbabakasakali na muli makita si Kyle Ortega pero lagi siyang bigo.
Nang tawagan na si Emerson ng agency para mag trabaho ay napunta siya sa plantasyon ng
Coca-Cola. Naging masipag si Emerson sa kanyang trabaho. Inspirasyon niya si Kyle Ortega. Hanggang siya ay ma promote bilang supervisor. Maraming magagandang babae rin ang nakatrabaho niya pero hindi siya nanligaw dahil si Kyle Ortega pa rin ang laman ng puso at isip niya.
Samantala, si Kyle Ortega ay isang nurse sa Makati Medical Center. Bawat nagiging boyfriend ni Kyle Ortega ay nagkakahiwalay din sila. Nakailang boyfriend na rin siya. Hindi niya maintindihan kung bakit kasal na lang ang kulang ay nagbabago ang isip ng lalaki at minsan siya, dahilan para di magkaintindihan at maghiwalay.
Nang mauso na ang cellphone agad ay bumili si Emerson. Sa bawat paghawak niya ng cellphone ay nasasabi niya sa sarili sana may cellphone number siya ni Kyle Ortega para matawagan o ma teks.
Sa paglipas pa ng ilang taon ng magkaroon na ng facebook ay nabuhayan ng loob si Emerson na makita uli si Kyle Ortega. Nang magkaroon na siya ng facebook account agad ay search niya ang pangalang Kyle Ortega. Sa result ay marami ang Kyle Ortega pero ng makita niya ang isa ang damit ay sa nurse ay nasabi niya sa sarili na ito na ang matagal na niyang hinahanap mahigit 20 years.
Tiningnan ni Emerson ang mga pictures. Hindi nga siya nagkamali dahil naroon din ang mga pictures ni Kyle Ortega noong nag aaral pa ng kolehiyo. Agad ay nag message si Emerson. Nagpakilala na siya ang konduktor ng jeep noon na tumulong sa kanya ng inagaw ang bag niya ng snatcher. Sinabi rin ni Emerson na isa na siyang supervisor sa Coca-Cola Company. Hiningi niya ang cellphone number ni Kyle Ortega na ibinigay din naman. Tinawagan ni Emerson si Kyle Ortega. Sinabi niya ang lahat kay Kyle Ortega lalong lalo na ang kanyang nararamdaman mula pa noong 1990 ng makilala siya. Naantig ang puso ni Kyle Ortega sa mga sinabi sa kanya ni Emerson.
Naging madalas ang pagkikita nina Emerson Mondera at Kyle Ortega. Lagi silang namamasyal. Kalaunan ay naging magkasintahan sila.
Taong 2010 ng ikasal silang dalawa.