"Kung talagang mahal mo ang isang tao ay mamahalin mo talaga siya maging anuman ang buhay at pagkatao niya."
THE GREATEST LOVE
( The Leila de lima and Ronald dela Rosa, love story)
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa umpisa pa lang manligaw sa kanya batid na ni Leila de lima na kung sila ang magkakatuluyan ni Ronald dela Rosa ay hindi magiging maganda ang buhay niya. Iyon ay dahil si Ronald dela Rosa ay lasenggo at sugarol. Pero paano siya talaga ang tibok ng puso niya. Kahit maraming manliligaw sa kanya na mayayaman din kagaya nina Jaybee Sebastian, Peter Co, at Herbert Colangco ay hindi niya pinapansin. Mas gusto niya talaga si Ronald dela Rosa na anak mahirap lang.
Nang yayain siya ni Ronald dela Rosa na magtanan ay hindi siya nagdalawang isip. Agad ay tumugon siya sa gusto ng lalaking mahal niya. Iniwan ni Leila de lima ang marangyang buhay. Iniwan ni Leila de lima ang posibleng pamamahala sa mga negosyo ng mga magulang niya. Sa edad na 21 years old at katatapos lang mag graduate ng college ay nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang na mag aasawa na. Pinayagan naman siya.
Sa malayong probinsya ng Davao ay nagsama sina Leila de lima at Ronald dela Rosa sa isang maliit na bahay. Hindi man sanay si Leila de lima sa ganun na bahay dahil ang bahay nila ay mansion at may condominium pa ay kinaya niya. Tiniis niya ang matulog sa banig alang-alang sa lalaking mahal niya.
Dahil pagtatanim ng mga gulay at prutas ang kinabubuhay ng mga tao sa kanilang lugar at ibinebenta ay nagtanim na rin siya katulong ng asawa niya para mabuhay din sila.
Nang magkaroon na sila ng anak ni Ronald dela Rosa ay lalo pa siyang nagsikap. Hindi siya humihingi ng pera sa mga magulang niya dahil nahihiya siya. Minsan kapag wala pang puwede na maibenta sa kanilang mga pananim ay umaangkat siya ng mga gulay at prutas sa mga kakilala at ibinebenta niya sa palengke. Ang hirap at pagod, ang ulan at sikat ng araw ay hindi niya alintana basta para sa kanilang pamilya.
Minsan nasasaktan siya kapag umuuwi galing pagtinda sa palengke dala ang anak ay nakikita niya na ang kanyang asawa na si Ronald dela Rosa ay nakahiga dahil lasing. Gustuhin man niyang sumbatan na huwag lagi maglasing dahil maliit lang ang kita nila ay hindi niya magawa dahil mahal na mahal niya talaga si Ronald dela Rosa. Ayaw niyang magsalita ng nakakasakit ng kalooban.
At minsan din kapag umuulan ay nalulungkot siya kapag nakikita na may tumutulo sa kanilang bahay. Dahil noong nasa kanyang mga magulang pa siya walang ganun na pagtulo sa kanilang bahay kung umuulan. Hindi nga maramdaman ang pag ulan dahil malaki ang bahay nila at maayos ang pagkakagawa.
Taon ay lumipas, nagkaroon na sila ng tatlong anak. Habang lumalaki ang kanilang mga anak ay lumalaki rin ang gastusin sa bahay lalo at may nag aaral na ng elementarya. At sa pagkakataong iyon ay naisipan ni Leila de lima na magtrabaho sa ibang bansa. Humingi siya ng tulong sa kanyang mga magulang para makapagtrabaho sa ibang bansa. Kahit pinagsabihan si Leila de lima ng kanyang mga magulang na huwang mangibang bansa at asikasuhin na lang ang mga negosyo nila ay hindi siya pumayag.
Sa ibang bansa ay naramdaman ni Leila de lima ang lungkot dahil sa unang pagkakataon hindi niya kapiling ang kanyang mga anak at ang pinakamamahal niya na si Ronald dela Rosa. Ganun pa man ay tiniis ni Leila de lima ang ganun na sitwasyon. Ang pighati at kirot habang nasa ibang bansa nagtratrabaho ay kinaya ni Leila de lima.
Buwan-buwan ay laging nagpapadala ng pera si Leila de lima para sa kanyang pamilya. Lagi niyang sinasabihan ang kanyang asawa na si Ronald dela Rosa na alagaan mabuti ang kanilang mga anak. At higit sa lahat pinapaalalahanan na huwag ng maging sugarol at lasenggo dahil walang magandang maidudulot sa pamilya.