Tuesday, October 20, 2015

Syvester Stallone

Kapag may dumarating na diaryo sa aming lugar ay nagbabasa talaga ako.
At sa diaryo na PM (Pang- Masa) ay paborito kong basahin ang column na DIKLAP. Kasi madalas nakaka inspire ang mga kuwento o nasusulat. Kay Ms. Anne sa DIKLAP ay humihingi po ako ng paumanhin na ang sinulat mo tungkol kay Sylvester Stallone ay isulat ko rin sa blog ko kasi idol ko rin siya na artista. Sana maunawaan mo ako sa ginawa kong ito.



SYLVESTER STALLONE

Isinilang siyang paralisado ang kaliwang mukha. Ang forecep na ginamit ng doktor na nagpaanak, ang umipit sa nerves ng kanyang pisngi, lips at dila. Ang resulta, paglaki niya ay "ngamol" siyang magsalita. 'Yun bang nagdidikit-dikit ang mga sinasabi kaya hindi maintindihan. Magkaganoon pa man, may mataas siyang pangarap...ang maging artista.

Dumating sa punto na naging homeless siya ng New York City. Pinalayas siya sa apartment na inuupahan. Walang-wala na siya kaya naisipan niyang ibenta ang pinakamamahal niyang aso. Naibenta niya ito sa halagang $25. Noong 1975 ay napanood niya ang Muhammad Ali-Chuck Wepner Fight. Dito siya nagkaroon ng ideya na magsulat ng screenplay tungkol sa boksing. Sa terminal ng bus siya nakikitulog at sa panahong iyon niya sinusulat ang script.

Nakalabas na rin siya sa ilang porn movie dala ng pangangailangan kaya may ideya na siya kung kanino dapat ialok ang script. Sa pag-aalok ng kanyang script, may kondisyon itong kasama-siya dapat ang bida. Kaso ngamol siyang magsalita kaya ayaw pumayag ng producer na gustong bumili ng script sa halagang $350,000.
Si Burt Reynold o si Robert Redford ang gusto ng producer na gumanap na bida.

Sa kaaalok, may bumili rin ng script at pumayag na siya ang gawing bida. 'Yun nga lang, binarat ang kanyang script, binili lang ito ng $35,000. Pero ayos na ayos iyon sa kanya. Basta't siya ang bida. 'Yun naman ang ultimate goal niya, maging bida sa pelikula at hindi maging scriptwriter. Nang makuha ang bayad, binalikan niya ang bumili ng kanyang aso at muli niya itong binili. Nakuha niyang muli ang kanyang aso sa halagang $15,000.

Ang script na sinulat niya at isinapelikula ay ang 1976 movie na Rocky. Sinulat lang niya ito sa loob ng tatlong araw. Kumita ito nang mahigit na $200 million, worldwide. Ito ang simula ng pag asenso ng buhay ni Stallone. Isinama niya sa pelikula ang kanyang mahal na aso.

"Ang mga nagiging kampeon sa buhay ay dating mga talunan pero hindi tumigil sa pakikipaglaban"-Stallone

Friday, September 25, 2015

Duterte

The trouble with us in government is that we talk too much, act too slow, and do too little, don't we? What the country needs is not more laws but more good men in public service.....
Davao City Mayor Rodrigo Duterte


DUTERTE
Ni: Arvin U. de la Peña

Bansa sa iyo nakasalalay
Ikaw ang kailangan para bumangon
Pakinggan panawagan para sa iyo
Huwag mo silang biguin.

Serbisyo mo sa buong bansa ang kailangan
Sa ganung paraan maging maayos ang lahat
Katulad ng pag serbisyo mo sa iyong lungsod
Hinahangaan sa magandang pamamalakad.

Takbo Duterte, takbo sa halalan
Lamang ka masyado sa iyong mga katunggali
Pagkatao mo walang bahid ng korapsyon
Na siyang ugat ng kahirapan.

Mga binibintang sa iyo huwag pansinin
Dahil ang lahat ay paninira lang
Kailangan ngayon ng bansa ang lider na katulad mo
Matapang at walang kinatatakutan.

Mga humihikayat sa iyo labis ang pagtitiwala
Luzon, Visayas, at Mindanao marami kang tagahanga
Katulad ng pagharap mo sa mga pagsubok
Tawag sa iyo na tumakbo pagka pangulo tanggapin.

Monday, June 8, 2015

Pag-iiba

"I fell in love with her when we were together, then fell deeper in love with her in the years we were apart."


PAG-IIBA
Ni: Arvin U. de la Peña

Masayang alaala minsan ang naging hatid mo
Labis ang tuwa ko nariyan ka lagi
Kahit ano pa ikaw ay nasa likod ko
Sa akin laging handa magbigay suporta.

Nakakatuwang isipin kahit ikaw malayo
Tunay na kaibigan sa akin turing mo
Para bang tayo matagal ng magkakilala
Laging nagkikita noon at nag-uusap palagi.

Ngunit tadhana sadya yatang mapagbiro
Bigla na lamang nanamlay ka
Wala na ang pinapakita mo sa akin dati
Sa isang iglap ay nag-iba ka.

Hindi mo na pinapansin ang tulad ko
Naging balewala na lang ako sa iyo
Parang sa akin ay nagalit ka talaga
Kinamuhian mo na ako.

Anuman dahilan at sa akin nagkaganun ka
Malugod kong tinatanggap ng walang pagkainis sa iyo
Sa pakikipagrelasyon sa buhay ang ganun ay kasama na
Ang lahat ay nagkakaroon ng pagbabago.

Wednesday, February 4, 2015

Pag-unawa

"It's hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does."



PAG-UNAWA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung kaya lang ibalik ang lahat
Nakaraan na kapiling ko ikaw
Lungkot kong dinaramdam wala sana
Hindi naghihinagpis na ikaw wala sa akin.

Ilang araw at gabi na rin akong tulala
Labis ang panghihinayang sa iyo
Ang minsan kong pagkahumaling sa iba
Ito ngayon ang naging kapalit.

Akin na lamang pinapanalangin
Patawarin ako sa aking nagawa
Kung bibigyan pa ng isang pagkakataon
Puso ko at isipan sa iyo na lang nakatuon.

Batid mang nasaktan ko ikaw
Nasugatan ko ang iyong damdamin
Tao lang ako na nagkakamali din
Kaya pag-unawa ang kailangan ko ngayon.