Thursday, June 28, 2012

An Iroy Nga Banwa

Ako ay isang Waray. Ibig sabihin ang salita ko talaga ay waray. At ito ang una kong pagsulat para dito sa blog ko ng salitang waray. Translate ko sa tagalog para din maintindihan ng marami.

"Para sa akin ang isang hindi maganda sa politika ay ang requirement na one-year residency. Napakasakit kung ang nanalo sa inyong lugar sa halalan ay hindi masyado taga roon o kaya tumira lang doon para magbakasakali na manalo sa kung anuman ang takbuhan sa halalan. Lalong masakit kung hindi naging maganda ang panunungkulan at naging corrupt lang."


In Waray:

AN IROY NGA BANWA
sinurat ni: Arvin U. de la Peña

An iroy nga banwa natubo bisan diin
Bis ano pa kalimpyo an tuna pagtutubuan
Kon papabay-an nagtitikadamo
Kon mauran malaksi la tumubo.

Kon pagdadaluson amo la gihapon

An banwa matubo la liwat
Ha katikangan la maupay kitaon
Pira ka adlaw maraot na liwat siplatan.

An iroy nga banwa sugad hin mga tawo nga politiko

Bisan diri ira tuna nga gintubuan
Ira pag ookoparan nga masakop
Waray kaawod awod ha mga molupyo.

An iroy nga banwa nga mga politiko purisyo

Kay mga tawo ha bungto at uma puwede nira mauwat
Natuod ha mga istorya ngan kinakarawat hinahatag nga kuwarta
Kabalyo diri pagserbisyo hin maupay, pangurakot la.

Bisan anun reklamo han mga nangungukoy ha tuna waray nahihimo

Mahitungod nga hira bayad man
An iroy nga banwa diri makakatubo kon may semento
Pero an iroy nga banwa nga politiko maturok la gihapon.

Mintras nakakalakat pa iton iroy nga banwa nga mga politiko makandidato gud

Kay kada lugar may gamot nira nga mabulig para hira magdaog
An iroy nga banwa makuri gud mapuo
Banwa nga natubo ha tuna o banwa nga mga politiko.


In Tagalog:

PESTENG DAMO
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang pesteng damo sumisibol kahit saan
Kahit gaano pa kalinis ang lupa
Kung hahayaan lang ang damo
Kapag maulan mabilis tumaas.

Kung tanggalin ay ganun pa rin
Ang damo ay sisibol din
Sa umpisa lang magandang tingnan
Paglipas ng ilang araw ay pangit na.

Ang pesteng damo parang tao na mga politiko
Kahit hindi lupang sinilangan
Kanilang sasakupin ang lupain
Walang kahiya-hiya para sa mga mamamayan.

Ang pesteng damo na mga politiko ay pahamak
Dahil ang mga tao sa lugar ay kaya nilang mauto
Naniniwala sa mga pangako at tinatanggap ang  pera para sa pagboto
Kapalit ay pagserbisyo ng hindi maganda at pangungurakot lang.

Kahit anong reklamo ng mga naninirahan walang nagagawa
Iyon ay dahil sila ay binayaran sa halalan
Ang pesteng damo hindi makasibol sa semento
Subalit ang pesteng damo na politiko ay sisibol.

Hanggat nakakalakad pa ang pesteng damo na politiko ay tatakbo pa rin sa halalan
Dahil ang lugar na sasakupin ay may mga ugat na tutulong sa kanila para manalo
Ang pesteng damo mahirap talagang malipol
Damo na sumisibol sa lupa o damo na mga politiko.

Wednesday, June 20, 2012

Mangingisda

"Isang masarap na ulam ay ang isda."

MANGINGISDA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa isang maliit na isla ay isa si Mang Kanor na maituturing na mangingisda talaga. Kasi sa bawat araw ay nangingisda siya. Hindi katulad ng iba na bihira lang.

Si Mang Kanor ay nag-iisa lang sa buhay.Wala na ang kanyang asawa na noong malapit ng manganak at ililipat niya sa kabilang isla na doon ay may hospital ay hindi niya nasagip ng tumaob ang bangka isang gabi ng bigla ay lumakas ang alon.

Ang mga nahuhuling isda ni Mang Kanor ay binibenta niya sa mga kalapit na bahay. Kung walang perang pambili ay bigas na lang ang kapalit ng isda. Minsan naman ay utang lang muna para sa isda. At kung minsan na konti lang ang huli ay hindi lahat ng mga suki niya ay napagbebentahan niya ng isda. Sa ganun na paraan si Mang Kanor ay nakakaraos sa buhay. Nakakaipon pa siya ng kaunting pera. Araw-araw iyon ang gawain ni Mang Kanor basta wala lang bagyo dahil para sa kanya ay may obligasyon siya sa mga kababayan niya na kailangan niyang gampanan. Dahil kung hindi siya mangisda ay naiisip niya ang iuulam ng mga tao na pinagbebentahan niya ng mga isda. Lalo at may pagkamahal ang presyo ng karne at manok. Kaya sa kanilang isla si Mang Kanor ay kilalang-kilala.

Minsan isang gabi na medyo masama ang panahon dahil may paparating na bagyo si Mang Kanor ay nagpuwersa na mangisda. Hindi niya inalintana ang paparating na bagyo. Papunta pa lang siya sa laot para mangisda ay ayos pa ang panahon. Ngunit ng siya ay nasa gitna na ng dagat at nag uumpisang ihulog ang lambat ng bigla lumakas ang hangin. Kasabay din ng paglakas ng alon dahilan para tumaob ang bangka ni Mang Kanor. Sa sobrang lakas ng alon ay aksidenteng nahampas ang ulo ni Mang Kanor ng kanyang bangka.Dahilan para siya ay masawi sa dagat.

Kinabukasan ay nakita ang bangkay ni Mang Kanor sa dalampasigan. Napaiyak ang ilan lalo na ang mga malapit sa kanya. Nanghihinayang ang karamihan dahil wala na si Mang Kanor na laging nagbebenta ng mga huling isda sa kanila.

Dito sa mundo lahat tayo ay may obligasyon. Ngunit dapat din natin isipin ang ating sarili. Walang masama sa pagharap sa obligasyon basta hindi manganganib ang ating buhay. Iba pa rin kapag tayo ay nag-iingat.

Thursday, June 14, 2012

Angal Pinoy

"Winning is habit. Unfortunately, so is losing."

ANGAL PINOY
Ni: Arvin U. de la Peña

Likas na talaga sa mga Pilipino ang pagiging reklamador. Hindi matanggap ang pagkatalo. Sa nakaraang laban ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley ay marami ang hindi matanggap na siya ay natalo. Dahil kitang-kita sa laban na siya raw dapat ang panalo. Dinaya daw siya.

Sa mga umaangal sa pagkatalo ni Manny Pacquiao ay sana respetuhin niyo na lang ang kinalabasan ng laban. Pagkat noong laban ni Manny Pacquiao kontra kay Juan Manuel Marquez ay marami rin naman ang kumbinsido na talo dapat siya pero siya pa rin ang nanalo. Dahil doon na nanalo si Manny Pacquiao ay sumaya naman kayo. Pero ngayon na natalo siya dahil dinaya daw ay aangal kayo. Ang ganun na gawain na pag-uugali ay hindi maganda. Dahil gusto niyo ay kayo lang ang sasaya sa oras na may laban si Manny Pacquiao. Hindi niyo gusto na sumaya rin ang mga tao na nagnanais na malasap naman uli ni Manny Pacquiao ang pagkatalo.

Huwag kayo na maging makasarili. May damadamin din ang mga sumusuporta kay Timothy Bradleyna na kung siya ay natalo masasaktan din sila. Matuto kayo na magbigay ng kasiyahan para sa ibang mga tao.

Sa buhay hindi lahat ng tao ay laging malakas. Hindi lahat na magaling ay laging magaling. Naroon ang pagkupas para sa isang tao. Hindi naman sa kupas na ang galing ni Manny Pacquiao kundi may nag-iba na sa kanya ngayon pagdating sa pag boksing. Hindi katulad noon na mabilis siya. Minsan sunod-sunod kung sumuntok. At kung makatama talaga ng malakas ay bumabagsak ang kalaban. Pero ngayon ay hindi na. Nakailang beses din na tinamaan si Timothy Bradley pero hindi na knock out. Hindi dahil sa matanda na si Manny Pacquiao. Hindi rin dahil sa matibay si Timothy Bradley dahil ang mga nakaraan na kinalaban ni Manny Pacquiao ay matibay din naman. Kundi sadyang dumating na kay Manny Pacquiao na nag-iba na ang galing niya sa larangan ng pag boksing. At iyon ang dapat na intindihin. Hindi ang umangal.

Saturday, June 9, 2012

KM3: TINIG (HALALAN 2013)

KM3: TINIG (HALALAN 2013)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa susunod na taon ay eleksyon na naman. Ngayon pa lang ay kanya-kanya ng pa pogi ang mga kakandidato. Kung saan ang may fiesta kadalasan ay naroon sila. Matatamis na wika ang pinaparinig. Kung mahilig sa sabong ang kakandidato ay laging naroon sa sabong sa baranggay kung saan ay malapit ng mag piyesta. Kung hihingan ng pambili ng alak o sigarilyo ay tiyak magbibigay. Sa madaling salita nagpapakita ng pagka galante ang mga tao na tatakbo sa susunod na halalan.

Hindi maipagkakaila na tuwing halalan may nagsilbi na sa bayan ang matatalo at mayroon din naman naipagpapatuloy pa ang pag serbisyo dahil nanalo. Ang mga natatalo sa halalan ay malaking halaga rin ng pera ang nawala sa kanila. Kumpara sa mga nanalo na may suweldong makukuha at may komisyon pa sa mga proyekto.

Bago pa man maghalalan sana ay alam na kung sino talaga ang karapat-dapat na mailagay sa posisyon. Alam na kung sino ang karapat-dapat na manalo dahil pansin na talaga na magiging tapat ang pagsilbi sa bayan. Hindi magiging corrupt habang nakaupo sa puwesto.

Kung mapapansin niyo kung kailan malapit na ang halalan saka gagawa ng mga proyekto para sa lugar. Samantala sa mga nakalipas na taon o buwan ang mga dapat ayusin ay hindi inaayos. Masakit ang ganun pero kung ang opisyal ng inyong lugar ay mabuti ay hindi magkakaganun dahil aayusin ang dapat ayusin kahit malayo pa ang halalan. Ang ganun na istilo na kung kailan sa susunod na taon ay halalan na saka gagawa ng mga proyekto ay walang masayadong pagmamahal sa bayan ang namumuno.

Ang perang ipamimigay ng mga kandidato ay tanggapin pero kung hindi karapat-dapat na makaupo sa puwesto ay huwag iboto. Hindi masama ang tumanggap ng pera lalo at iyon ay galing sa politiko o gustong maging politiko.

At sa mga botante na tumatanggap ng pera para iboto talaga ang isang kandidato kahit hindi karapat-dapat ay makonsensya na kayo. Sandali lang ang pera na bigay sa inyo dahil mauubos din iyon. Pero tatlong taon kayong masusuklam para sa ibinoto niyo na binigyan kayo ng pera. Mag isip-isip na kayo dahil hindi pa huli ang lahat. Dapat ang nasa isip niyo sa pagboto ay maririnig ang tinig niyo ng mga politiko na mananalo. Hindi magbibingi-bingihan ng mga hinaing niyo. Dahil dapat ang boses ng mamamayan ay tinig ng mga politiko.

Saturday, June 2, 2012

Alamat Ng Panggagahasa

Sinulat ko ito dahil halos sa bawat araw na pagbabasa ko ng diaryo ay may nababalitaan ako ng ginagahasa. Kailangan ba ang ganun? Basta ako never akong maghahalik o mag ano sa isang babae na ayaw sa akin. Hindi sa pagmamayabang noong college ako sa Cebu ay babae na ang lumalapit sa akin. At sa bawat pinupuntahan namin ng barkada pag gabi na club o bikini bar ay ako ang pinaghahalikan ng babae dahil guwapo ako noon. May pagka look alike kaya kami ni Patrick Guzman,hehe....

ALAMAT NG PANGGAGAHASA
Ni: Arvin U. de la Peña

Noong unang panahon ay may lalaki na ang pangalan ay Solomon. Si Solomon ay nakatira sa kaharian ng kagandahan. Lahat na nakatirang babae ay pawang magaganda. Kaakit-akit pa ang mga katawan.

Bilang isang binata si Solomon ay umibig kay Salve. Bawat araw si Solomon ay pumupunta sa bahay nila Salve para magdala ng mga bulaklak at prutas. Malugod naman na tinatanggap ni Salve ang mga binibigay ni Solomon dahil nagugustuhan din naman niya ang pinapakita ni Solomon. Naging madalas pa ang kanilang pamamasyal.

Akala ni Solomon ay magiging sila na ni Salve. Pero hindi dahil sa isang iglap si Salve ay umibig kay Makisig. Hindi na pinansin ni Salve si Solomon lalo na ng sila ay ikasal agad. Pagtagal ay nabuntis at nagkaroon ng anak. Nasasaktan si Solomon kapag nakikita si Salve na karga ang anak nila ni Makisig  na magkasama. Dahil sa isip niya siya sana ang kasama ni Salve.

Ibinaling ni Solomon ang pagtingin niya kay Salve kay Maria na isa ring magandang babae. Kung ano ang ginagawa niyang panliligaw noon kay Salve ay ganun din ang ginagawa niya kay Maria. Umaabot na ng dalawang buwan ang panliligaw ni Solomon kay Maria ng bigla ay sinabihan siya na tigilan na dahil nahulog bigla ang loob niya kay Masculado na kapit bahay lang ni Maria. At paglipas ng ilang araw nabalitaan na lang bigla ni Solomon na nagsama na sina Maria at Masculado. Muli ay nasaktan na naman siya.

Lumipas ang taon na hindi muna nanligaw si Solomon dahil takot siya na mabigo na naman. Hanggang sa makilala niya si Dalisay. Unang tingin pa lang niya kay Dalisay ay tumibok kaagad ang puso niya. Dahilan para muli ay manligaw siya.

Araw-araw ay laging pinupuntahan ni Solomon si Dalisay sa kanilang bahay. May dalang bulaklak, pagkain, o kung ano na ikinasasaya naman ni Dalisay at ng kanyang mga magulang. Tumutulong pa si Solomon sa gawain sa bahay nina Dalisay kagaya ng pag igib ng tubig at ano pa. Palibhasa si Dalisay ay nag-iisang anak lang ay sinabihan talaga si Solomon ng mga magulang na ingatan ang kanilang anak.

Maglilimang buwan ng ganun ang sitwasyon nila ng magkataon na umulan pauwi na sila sa pamamasyal. Sa nakitang kubo doon ay sumilong sila na ang kubo ay walang nakatira. Masyadong malakas ang ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Tinabihan ni Solomon si Dalisay at niyakap pero pumalag si Dalisay. Inulit niya uli ang pagyakap pero ganun pa din pumalag uli si Dalisay.

Sa pag-aakala ni Solomon na siya ay mabibigo din lang uli lalo kapag may nakilalang iba si Dalisay ay pinuwersa niya na lang na makuha ang pagkababae ni Dalisay. Sa ganun na paraan sa isip niya kapag nakuha na niya ang pagka birhen ni Dalisay ay pakikisamahan na talaga siya. Hinawakan niy ang kamay ni Dalisay. Nang pumalag ay sinuntok niya ang tiyan. Sinuntok pa niya ang magkabilang hita para lalong manghina. Ang sigaw ni Dalisay ay hindi marinig dahil malayo ang kubo sa ibang mga bahay. Doon ay sinamantala na ni Solomon na maangkin si Dalisay.

Pagtigil ng ulan ay tapos na rin ang panggagahasa ni Solomon kay Dalisay. Nakaraos na si Solomon. Pinasuot ni Solomon si Dalisay ng mga hinubad niya sa katawan at sinabihan si Dalisay na huwag magsumbong sa mga magulang at kung mabuntis man ay papanagutan niya. Hindi nga nagsumbong si Dalisay sa mga magulang niya na siya ay ginahasa ni Solomon pero itinigil na niya ang pakikipag-usap pa kay Solomon. Hindi rin naman siya nabuntis.

Natanggap ni Solomon na ayaw na sa kanya ni Dalisay dahil kasalanan rin naman niya. Nanligaw pa si Solomon sa ibang mga babae at pagtagal na nahuhulog na ang loob sa kanya ay pinupuwersa niya na lang ang babae para makuha ang pagkababae. Hindi rin naman siya napaparusahan. Ganun palagi ang ginagawa ni Solomon at umaasa siya na may gagawin siyang ganun sa babae na tatanggapin siya. Pakikisamahan na lang siya kahit ginahasa niya muna.

At paglipas ng panahon ang gawain ni Solomon ay nalaman ng ibang mga lalaki. Hanggang sa siya ay ginaya rin ng iba.