Friday, October 8, 2010

Salamat Mundo (happy 2nd blog anniversary)

October 8, 2008 ng gawin ko ang blog kong ito na www.arvin95.blogspot.com at kung bakit may 95 na numero ay dahil ng makita ko ang cellphone na nokia n95 ay ginusto ko ang magkaroon ng ganun. Sayang nga lang hanggang ngayon hindi ko pa iyon nakamit. Namahalan kasi ako sa presyo at iba na lang ang binili ko. Ito din po ang pangalawa kong blog. Ang una ko po kasing blog ay mahaba talaga. Pangalan ko, buong middle name, at apelyedo ko. Tumakbo po ang blog kong iyon mula June 28, 2007 hanggang August 21, 2008. Tapos hindi na ako nag post doon. Pero hanggang ngayon ay makikita pa rin ang blog ko na iyon. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko pa rin. Sabi ng bestfriend ko ay mahaba daw ang blog ko kaya ayun naisipan kong paiksiin at ito na nga iyon. Nang magawa ko ito ay post agad ako ng post ng mga sinulat ko mula sa una kong blog, copy paste ko. At ngayon pong araw na ito ay second anniversary ng blog ko. Parang kailan lang at ito nakadalawang taon na. Bilang pangalawang taon na ng blog ko ay ito na rin po ang last post ko para ngayong taon. Muli po akong magpopost siguro sa susunod na taon pa o kaya sa 2012, hehe. Basta matatagalan bago ako uli mag post. Sa mga nakilala ko dito sa blog na mga tao ay maraming salamat sa pagtangkilik niyo sa blog kong ito. Sana sa pagbalik ko sa pag blog ay aktibo pa rin kayo. Isa lang ang masasabi ko, "mamimiss ko ang pagpunta-punta sa ibang mga blog at pag-iiwan ng mensahe sa cbox/shoutbox na pare-pareho lang."

SALAMAT MUNDO
Ni: Arvin U. de la Peña

Salamat sa iyo mundo
Kami ay naririto nabubuhay
Magulo ka man minsan
Patuloy pa rin nakikipagsapalaran.

Hindi kami bumibitiw sa iyo
Hanggat kami ay mayroon pang hininga
Pinipilit namin na mabuhay
Kahit na ba maghirap muna.

Wala kaming reklamo sa iyo
Kahit na ng mamulat ang isipan
Ang buhay sa iyo ay hindi pantay.
May mayaman at mayroong mahirap.

Mundo ko, mundo namin
Ikaw ay aming mahal na mahal
Kalikasan mo ay malaking tulong sa amin
Marami ang nakakaraos sa buhay dahil dun.

Hindi talaga kami magsasawa sa iyo
Patuloy ka naming tatangkilikin
Hindi ka namin kamumuhian
Dahil ang mabuhay sa iyo ay minsan lang.


Note: Sa 1 and 2 na comment ay mabasa po ang 112 bloggers na labis kong pinapasalamatan ngayong taon.