Tuesday, July 18, 2017

Ang Probinsyano

"Ang palabas na Ang Probinsyano ni Coco Martin ay tinatangkilik, mataas ang rating."


ANG PROBINSYANO
Ni: Arvin U. de la Peña

Gabi-gabi ay sinusubaybayan ka
Kakaibang palabas sa telebisyon
Pinaghalong drama at aksyon
Sa iyo ay natutunghayan.

Bata o matanda man
Inaabangan ka na mapanood
Lunes hanggang sa biyernes
Pinag-uusapan ang iyong istorya.

Ang kaligtaan ka ay iniiwasan
Dahil mula umpisa pinapanood ka
Ang dapat gawin pinababayaan
Matunghayan ka lamang.

Sa iyo marami ka ring natulungan
Mga artista na matagal ng di nasisilayan
Binigyan mo uli ng pagkakataon
Makita ang kanilang pag arte.

Ang Probinsyano maraming salamat
Nagdudulot ka ng magandang aral
Dumating man ang iyong pagwawakas
Kuwento mo nakatatak na sa isipan.

3 comments:

stevevhan said...

Nice one, ang tagal tgal na ni kardo sa TV, after enca ruling (kas nanunuod talaga kami ng encatadia) i guess kardo has ruled again over primetime. :)

Unknown said...

Omg arvin.. kumusta ka na.. nagsusulat ka pa rin.. sana matatandaan mo ako.
Di ko na alam password ko ewan ko ba di na ako makapag log in.. tc

Www.sedre21.blogspot.com

awad ngah said...

شركة تسليك مجاري بسيهات