Wednesday, August 17, 2016

Kabataan

"Sa ating pagiging bata nagsisimula ang tinatawag na pag-ibig."


KABATAAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa bawat mga kabataan na naglalaro
Lagi kong naiisip ang alaala mo
Alaala ng tayo ay bata pa
Katulad ng mga kabataan ngayon, palagi ring naglalaro.

Araw at gabi man na ating paglalaro
Kasiyahan mong nadarama, kasiyahan ko na rin
Dahil kapag nakikita kitang nakangiti
Kakaibang kasiyahan ang nadarama ko.

Mahaba mong buhok, makinis mong balat, at
mukhang kayganda
Hindi nakakasawa na tingnan
Panahon na tayo ay bata pa
Ikaw na ang inspirasyon ko.

Kung hindi dahil sa magulang mo
Siguro magkasama tayo ngayon
Tunay na nagmamahalan
Pag-ibig na sa kabataan pa nagmula.

Malayo ka man ngayon sa akin
Kapiling ng iba mong mahal
Kailanman sa puso at isipan ko
Mananatili kang nag-iisa, wala ng iba.

4 comments:

kimmyschemy06 said...

cute.. but painful :-D

jonathan said...

Bawat isa siguro sa atin ay may mga kuwentong ganito, umibig, hindi inibig, iniwanan pero patuloy pa ring nagmamahal.

Simon said...

Ouch.. I think we all get through this.

Ishmael Fischer Ahab said...

Oh pag-ibig nga naman. :-)