Friday, September 25, 2015

Duterte

The trouble with us in government is that we talk too much, act too slow, and do too little, don't we? What the country needs is not more laws but more good men in public service.....
Davao City Mayor Rodrigo Duterte


DUTERTE
Ni: Arvin U. de la Peña

Bansa sa iyo nakasalalay
Ikaw ang kailangan para bumangon
Pakinggan panawagan para sa iyo
Huwag mo silang biguin.

Serbisyo mo sa buong bansa ang kailangan
Sa ganung paraan maging maayos ang lahat
Katulad ng pag serbisyo mo sa iyong lungsod
Hinahangaan sa magandang pamamalakad.

Takbo Duterte, takbo sa halalan
Lamang ka masyado sa iyong mga katunggali
Pagkatao mo walang bahid ng korapsyon
Na siyang ugat ng kahirapan.

Mga binibintang sa iyo huwag pansinin
Dahil ang lahat ay paninira lang
Kailangan ngayon ng bansa ang lider na katulad mo
Matapang at walang kinatatakutan.

Mga humihikayat sa iyo labis ang pagtitiwala
Luzon, Visayas, at Mindanao marami kang tagahanga
Katulad ng pagharap mo sa mga pagsubok
Tawag sa iyo na tumakbo pagka pangulo tanggapin.

1 comment:

fiel-kun said...

Too bad lang dahil nagdesisyon na syang hindi tumakbo for National Elections next year :)
Sila sana ni Miriam Defesor Santiago ang perfect tandem haha!