Tuesday, June 4, 2013

Magkadugo

"Umaasa pa rin ako na balang araw magkakaroon ng kapayapaan sa bansa. Kapayapaan para sa lahat. Walang gulo na kasasangkutan ang bawat isa."


MAGKADUGO
Ni: Arvin U. de la Peña

Dugong Pilipino ang nasa inyo
Nananalaytay sa inyong mga ugat
Pag-ibig sa bawat isa
Bakit mahirap para sa inyo.

Walang katapusang away
Hindi matigil na gulo
Sa simula't sapul pagkagising
Iyon lagi ang aking naririnig.

O kailan, kailan matutupad
Pangarap ko para sa inyo
Kapayapaan sa inyong pamilya
Ay maghari sa inyong mga puso.

Nais ko man kayo ay patigilin
Isipan ay pumipigil sa akin
Hindi raw ako dapat na makialam
Sa laban ng magkadugo.

10 comments:

hana banana said...

I wish for peace too...for all of us.

WORLD PEACE!!! \m/

fiel-kun said...

Pangarap ko din ba balang araw ay hindi na nag-iiringan ang mga kapwa pinoy. Kapayapaan para sa lahat. Wala na dapat racial or religious descrimination. Unity and peace for all.

xoxo_grah said...

I also wish peace on earth. Keep the faith and be a channel of peace your self...;)


xx!

Vintot said...

isa ito sa mga pinakanagustuhan ko sa mga gawa mo katukayo, keep writting.

Joy said...

Hirap talaga minsan na magkadugo pa nagaaway. Anyway, need lang dapat magunawaan at mag pakumbaba.

Christeen Cereno said...

peezawt! :)

Balut said...

kung hindi maawat wag na lang tayo sumama sa gulo...

Phioxee said...

:-) agree ako ky balut. Wala na tayung magagawa. Lets just pray for each of us

eden said...

Nice poem at ganda ng quote mo.. sorry for the late visit.

Dhemz Apdian - Dias said...

I'm with you Arvin...we all wishing for peace...thanks sa dalaw! sensya at ngayon lang naka visit.