Thursday, January 3, 2013

Eroplano

"Inihahandog ko ang sinulat kong ito para sa babae na makita sa lawaran. Noong 2011 ay winner po siya ng Ford Fiesta courtesy of Jollibee’s Win a Fiesta Promo na mula Cagayan De Oro. Tawagin na lamang natin siyang Tina Ford."








EROPLANO
Arvin U. de la Peña

Sa himpapawid napagmamasdan
Tila napakalabong abutin
Mga bata labis ang kasiyahan
Kumakaway habang tinitingnan.

Inaambisyon ng ilang tao
Ang ganung lumilipad masakyan
Mula sa itaas ay mapagmasdan
Ganda ng karagatan at lupain.

Hindi lahat nakakahawak sa iyo
Hindi lahat ay nakakasakay
Sadyang sa pag-usad ng buhay
Mayroon napag-iiwan dahil bigo.

Eroplano para ka ring pangarap
Tuktok ng tagumpay ay marating
Sa pagsisikap maabot minimithi
Pakiramdam mistulang nasa ulap.

Sa bawat araw ay kasama ka
May mga sumasakay na masaya
Mayroon naman na malungkot
Dahil malalayo sa mga minamahal.

22 comments:

Anonymous said...

Ang eroplano talaga, may sumasakay na masasaya, may nangungulila pero puno ng pag-asa. hndi pa ako nakakasakay ng eroplano, lol. ehem palibre ng lipad.

KULAPITOT said...

yung thought ng poem na to sobrang lalim ... i mean ung subject is eroplano na parang isang pangarap din na mahirap abutin ..

Lalah said...

ayan ka na naman arvin lol lumalalim ang buhay natin parang eroplano din, kapag lilipad tayo may pupuntahan tayo, may gusto tayong abotin, at kapag naglanding na ang eroplano yon ay dumating na tayo sa ating destination at pwedi ding mag emergency landing - mga pagsubok sa buhay lang. hehehehe nakakahawa naman! lol

sherene said...

Sarap sumakay ng eroplano:)

fiel-kun said...

Waah, hindi ko pa ne-experience ang sumakay ng eroplano.

Archieviner VersionX said...

Para sakin nirerepresent ng eroplano ang parangap. lalim pero ganda ng tula mo sir :)

xoxo_grah said...

Too high and I feel like ang hirap abutin ng subject...parang hindi mo ma reach ung tinutukoy mo...:) nice comparison...:)


xx!

eden said...

Nice poem, Arvs! thank you for sharing

anney said...

Sa totoo lang takot ako sumakay ng eroplano kaya lang may mga travel kami na kailangan mag airplane kaya no choice. Happy 2013!

Lady Fishbone said...

magandang tula :)

ang lalim

hana said...

nice!
parang buhay lang din natin ang eroplano.
may kasiyahan at kabiguan.
lahat gagawin para sa pangarap :)

happy new year sa'yo arvin :)
patuloy sa paglikha ng inspirational na tula ^_^

joy said...

Made me think really. Ang lalim. Parang pangarap, sometimes nabibigo, nararating, sumasaya at lumulungkot.
You had given me an idea what to write :)

Mel Avila Alarilla said...

Magandang ikumpara ang eroplano sa pangarap nang tao. Lahat ay may mataas na pangarap katulad nang isang eroplano na lumilipad. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Anonymous said...

walang kupas arvin!happy 2013!

Genskie said...

sa tanda kung ito hindi pa ako nakakasakay nag eroplano... sama makasakay na ako hehehe

Sam D. said...

Ikaw na Arvs! Galing lagi ng tula na sinusulat mo. Yups true dahil sa eroplano magkasama na kami ng soulmate ko (my hubby):) at tama ka Arvs ang eroplano ay isang way din para makamit mo ang dreams mo na sa ibang lugar mo mahahanap. Ewan parang walang sense yata ang sinasabi ko basta un na hahaha. Happy New Year din saiyo at lalo na sa family mo

Noblesse Key said...

di pa ako nakakasakay ng eroplano... sana kahit minsan...

Senyor Iskwater said...

maganda ang tula... gusto ko ring makakita ng gaya ni Tina Ford at maging makata...

SunnyToast said...

agree...once you get inside the plane you can feel alot of emotion mas lalo naman pag delay ang flight lol

Balut The Lucky Blogger said...

Ang ganda naman ni Tina Ford :)

Bakit tungkol sa eroplano ang post mo para sa kanya? (nagtanong talaga he he

joanne said...

Ngayon lang ata ako nakabasa ng napakalalim na representasyon ng eroplano.. Galing!

Dhemz said...

ayay, ang ganda nang modelo mo Arvin...hehhee...I'm from CDO too!

btw, pede paki pm mo sakin yung paypal email mo sa FB ko...salamat!