Thursday, November 10, 2011

Bilanggo

Matatagalan pa siguro bago uli ako mag blog. Dahil halos tatlong linggo na rin na ang lagnat ko ay pabalik-balik. Hanggang ngayon ay hindi pa ako magaling talaga. Hindi lang naman ako ang may ganitong klaseng sakit kundi pati rin ibang mga tao sa amin lugar at kalapit na lugar. Nabalita pa nga sa tv na may typhoid fever outbreak sa aming lugar at sa iba pa. Marami na nga ang na confine sa iba't ibang hospital dahil sa uri ng sakit na ito na pabalik-balik na lagnat. Napakarami ko ng na take na gamot pero wala pa rin talaga. Nagpilit lang po ako na mag internet at mag post sa blog para malaman niyo kasi baka magtaka kayo na hindi na ako nag blablog hop o punta-punta sa ibang mga blog katulad ng dati. Kung bumuti na talaga ako ay balik sa dati ang gawi ko sa pag blog. Mula dito humihingi ako ng pasensya para sa dalawa kong advertizer na sina Umma at Sam.


"Hindi lahat ng nakukulong ay may kasalanan talaga. May mga nakukulong dahil napagbintangan lang o kaya inakusahan lang. Kung ang nag akusa ay mayaman o kaya maimpluwensya ay tiyak makukulong talaga ang inakusahan. Lalong masakit kung may sariling pamilya."

BILANGGO
Ni: Arvin U. de la Peña

Buong araw nais makawala
Kagandahan sa labas makita
Kung ang hustisya pantay lang sana
Loob ng kulungan wala siya.

Pamilya kanya sanang kasama
Sa pagkain ay laging kasalo
Nasusubaybayan pa paglaki
Ang pagmamahalan naging bunga.

Walang sumasagot tanong niya
Gobyerno parang bingi sa kanya
Hindi niya gusto na magdusa
Labag sa batas di niya gawa.

Lagi na lamang sa isip niya
Ang batas angkop lang sa may pera
Kung tulad niya na isang dukha
Katarungan mahirap makuha.

Kagustuhan niyang makalaya
Hindi alam kung kailan mangyari
Himas sa rehas tuwing umaga
Umaasang pag gabi hindi na.

15 comments:

Albert Einstein☺ said...

sige good luck sa iyo arvin. wish you all the best in the world. haha. stay safe!

2peeeps said...

happy reading take care keep posting bilanggo na din ako :)

Diamond R said...

Pagaling ka Arvin.

Rovie said...

sana gumaling ka na. salamat sa dalaw. pakisabihan na lang ako kung na add mo na ang blog ko sa list mo.

I add na din ang blog mo mamaya ng konti. Salamat!

Talinggaw said...

hi Arvin! uso ata ang sakit ngayon, ako man ay 2 araw na ring nilalagnat. pero parang nde tama na 3 linggo ng pabalik-balik ang lagnat, dapat ay magpa-check-up ka na. pagaling ka... :)

Kim, USA said...

Hi Arvin I hope you get soon fast! Kahit saan marami ang nagkasakit I guess because of the weather condition. Drink a lot of water and no more blogging at night take a good night rest/sleep. Take care !

reese said...

may sakit ka pala...thanks for taking time visiting my blog
if its a typhoid fever, ingat ka sa water and food mo baka contaminated
also drink a lot of buko juice, it will help
pagaling ka agad para may bibisita sa blog ko hahaha

mayen said...

Naku pare ko'y sana gumaling ka na agad. Nakakamiss ang mga tula mo. Sana sa susunod na mag blog ka, magandang balita na ang mabasa namin tungkol sayo.

Yen said...

oy pagaling ka, wag ka pabilanggo dyan sa sakit mo. Do something, see a doctor and do what is adviced by you ng doctor mo. See you around when your fully well:)

Sam D. said...

Nalungkot naman ako na malaman na may sakit ka Arvs. Sana magpatingin ka na sa doctor kung pabalik-balik ang lagnat mo hindi magandang signs yan. I wish you well! Take care always

simply kim said...

get well soon, Arvs!

a visit from kim!

eden said...

Hi Arvs!

Hope you get well soon and thank you so much for the visit that even you are not well enough you still took time to visit my blog. I really appreciate it. See a doctor Arvs.

Keatondrunk said...

get well soon pre!

Toyin O. said...

nice blog.

Dhemz said...

oh my....pagaling ka kaibigan...hope all is well!

sensya at ngayon lang ulit nakadalaw...wala kasi akong internet for almost 4 days....glad to be here again...:)

another masterpiece ulit...galing!