Friday, July 22, 2011

Tunay Na Ligaya

Ang kasama ko po na babae ay blogger din po. Mula po siya sa Manila. Sa mundo ng blog ko po siya nakilala. First time ko po na makipag meet ng isang tao na may blog din. Nagkita po kami sa mall na Robinson sa Tacloban City noong June 30, 2011. Ang pangalan niya po sa mundo ng blog ay Yen. At ang mga blog niya po ay
http://business-ito.com/
http://www.2timersally.com/
http://www.curious-b-b.com/
and http://recyledthoughts.blogspot.com/

"Sa buhay ko, alam ko marami akong mali. Di ako perpekto, pero nagsusumikap na magbago. Kung mayroon mang tama sa mga nagawa ko. Iyon ay nung pinili kitang maging parte ng buhay ko."


TUNAY NA LIGAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa piling mo natagpuan ko tunay na ligaya
Kapag kasama ka langit ang pakiramdam
Labis ang aking tuwa
Pumasok ka sa buhay ko.

Mga kabiguang natamo sa iba
Sakit na naidulot nila sa akin
Sugat sa puso ko ay naghilom
Dahil sa pagmamahal mo sa tulad ko.

Tinuwid ko ang aking buhay dahil sa iyo
Sa magandang direksyon na patungo
Nais ko na kung anong pagkatao mayroon ka
Ganun din ako dahil mahal kita.

Sa iyo wala akong idudulot na sakit
Pagkat karamdaman mo, karamdaman ko din
Lahat ay gagawin ko alang-alang sa iyo
Huwag ka lang mawawala.

Wala na ako mahihiling pa
Pagka't ikaw ay para ko na ring kayamanan
Makakaasa ka sa akin
Puso ko sa iyo lamang.

38 comments:

Umma said...

Love is in the air :P Good luck sa bago mong pagibig Arvs.

jedpogi said...

masaya ako para sau pareng arvin...

iya_khin said...

ano yan lumalablayp? ano ginagawa mo sa tacloban? taga tacloban din ako!pero nasa ibang ibayo ako ngayon.

Dhemz said...

ayay! she used to visit my blogs before....kau na ba for sure?! hehehe....happy for you both!

MC said...

tee-hee <3 looks like love is in the air!

=supergulaman= said...

wow..sweet...pag-ibig nga nmn oo... :D

kikilabotz said...

naks inlove

Mel Avila Alarilla said...

Maganda siya at siya pala ang dahilan nang biglaan mong pagbabago. Sana nga ay mayroong magandang mangyari sa inyong dalawa. Ang buhay ay hindi natin kayang arukin. Tanging ang Diyos lamang ang Siyang magtatakda nang ating mga kapalaran. Maraming salamat sa makabuluhang lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Ishmael Fischer Ahab said...

Wow. Eyeball.

eden said...

Wow ! si yen diay na..I know her, Arvs.. nag eyeball pala kayo..nice naman..parang love is in the air na..hehehe

Arvin U. de la Peña said...

@Umma.............yes, love is in the air talaga para sa amin..na inlove ako sa kanya sa simula pa lang..kaya nga nakipagkita talaga ako sa kanya ng pumunta siya ng tacloban..

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi...............salamat kung ganun..may maganda sanang kahinatnan ang nasimulan namin..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin...........madalas ako sa tacloban.....talaga taga tacloban city ka..saan ka sa tacloban..kailan ka uuwi..kita tayo pag uwi mo,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.............ganun ba..madalas din siya mag ikot ikot sa ibang mga blog..nag aadvertize po siya sa blog niya.....panahon lang po ang makapagsasabi kung kami na nga talaga..at malalaman mo iyon,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@MC...............opo....pag ibig na nagsimula dahil sa blog......nais mo bang maranasan ang ganito..tell me,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@supergulaman.............kahit malayo basta pag eyeball ay gagawa talaga ng paraan para magkita..masaya ako sa aming pagtatagpo..

Arvin U. de la Peña said...

@kikilabotz............always inlove..i love her so much..haha..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.........maganda nga po siya..simple lang ang kagandahan niya pero nakakaakit..sa pagkikita namin pakiramdam ko talaga parang matagal ko na siyang kakilala talaga..walang kaba akong naramdaman hindi katulad ng iba kong pakikipag eyeball sa mga nakakatext noon,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..........nag eyeball nga po kami..sa wakas nakapag post na rin ako ng pagkikita sa kapwa may blog..madaming blog na rin kasi akong nakita na nag post picture kasama ang may blog din..pagkikita kita ng kapwa bloggers..at tiyak masusundan pa ang pagkikita namin..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........opo siya po si yen..siguro kilala mo din siya dito sa mundo ng blog..hindi ko talaga palalampasin ang hindi siya makita ng pumunta siya ng tacloban..gumawa talaga ako ng paraan para siya makita..salamat naman at ganun din siya..

eden said...

Hi, Arvs! Thank you for the visit. Have a great week.

cLai ♥ said...

congratzzzzzz
masaya ako para sa iyo...!!!
woohooo

scribbler said...

weee! kaka-in love naman.. hehe
pareho ko pa kayong ka-link exchange, eh. at ka blog-walking...

i'm happy for you both.. :)

simply kim said...

REALLY?? wow! that's really great!! i follow you both in the blog sphere guys. i really wish you luck!!

a visit from kimmy!

Bambie dear ★ said...

Sana ma-meet din kita in person someday at makapagpa-picture at autograph sayo :)

Kim, USA said...

Wow buti pa kayo at nag eye ball na ^_^ Her name is familiar..hmmm good looking couple, sana kayo na at nang magpiyestahan tayo dito sa blogland ^_^

Yen said...

Frend, Maganda ang gawa mong Tula,salamat. Kaya Lang po di ako kumportable sa mensahe, knowing that I'm already taken. Sana maintindihan mo. Sa puso ko hangad ko na matagpuan mo na ngang talaga ang makapagbibigay sayo ng tunay na ligaya.D nman malabong mangyari yun kasi mabuti kang Tao, talentado at matalino. ciao.:)

Arvin U. de la Peña said...

@eden............okey..always naman talaga kitang pinupuntahan basta ako mag blog hop..kumusta..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai...........salamat naman kung ganun..salamat at may malasakit ka sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@scribbler...........ganun ba..thanks po...pasensya na kung minsan na lang ako makapunta sa blog mo.....

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim........salamat sa pag follow mo sa amin dito sa mundo ng blog..ako din sinusubaybayan ko ang blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear.......umaasa din ako na balang araw ay ma meet kita..hindi naman ako artista para ka mag pa autograph,hehe..pero kung iyan ang gusto mo puwede......madami pa,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA...............siya ang una kong naka eyeball na may blog..sana masundan pa..may ma meet pa akong blogger.........ewan ko lang..malabo yata..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...........nauunawaan po kita..

eden said...

Thanks sa visit, Arvs!

Sam D. said...

hummm huli talaga ako lagi sa balita but anyway I'm happy you both. May God bless your relationship always.

Dhemz said...

wahehehe...nakaka intriga talaga kau...aminin na kasi...infairness ha...bagay kau.....:)

w0rkingAth0mE said...

Wow... i smell something here .. Good luck.