Thursday, February 10, 2011

Minsan

"There was one time I feel in love with someone very special and I told myself that I will never give up on that person. But one day I did, why? Kasi ang hirap palang magmahal ng taong masaya naman sa iba."

MINSAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Minsan na tayong nagkahiwalay
Minsan na rin na nagkabalikan
Sa relasyon nating dalawa
Para talaga tayong mga bata.

Nag-aaway tayo tapos nagbabati naman
Sa konting lambing humuhupa ang galit
Muli ating pinapadama sa isa't isa
Ang pag-ibig na hanggat sa abot ng makakaya.

Pero ngayong wala na talaga tayo
Wala ng pagmamahalan pang magaganap
Ang lahat s atin nakaraan na lang
Ngunit alam ko siguro masaya tayo pareho.

Sa bago mong karelasyon ngayon
Matagpuan mo na sana
Ang langit na sa akin di mo nahanap
Sa gayon magningning ang buhay pag-ibig mo.

Hindi naman tayo magkita pa
Tuluyan namang hindi na magkausap kailanman
Isa kang alaala sa akin
Masarap na balik-balikan.

71 comments:

uno said...

emo ka nagyun bro ah

Umma said...

Wow... medyo emote nang konti ang tula mo Arvs..

Bing said...

Ganda Arvin :)

imriz said...

sayang valentine's na next week, ahehe

iya_khin said...

haay naku! let go na kasi!

Ang Babaeng Lakwatsera said...

kung may mawala man.. may darating na mas maganda..

jhengpot said...

nice one :) gano kadalas ang minsan? hehehe... papasaan pa at mamaging madalas na yan ... hehehe

Mel Avila Alarilla said...

Hindi ko alam kung anong nararamdaman mo kapag inaalala mo pa ang nakaraan mong pagibig pero mas makabubuti sigurong mag move on ka na lang. Pareho na kayong me mga bagong minamahal at unfair naman sa mga ka relasyon nyo ngayon na balikan pa rin ninyo ang alaala nang nakaraan ninyong relasyon. Ano naman ang madarama mo kung aalalahanin din nang misis mo ang nakaraan niyang pagibig? Hindi ba masasaktan ka rin. Kasabihan nga sa ingles, "no use crying over spilt milk." Me sariling buhay na siya at ikaw man ay gayon din kaya makabubuti sigurong kalimutan mo na lamang ang nakaraan at mag focus ka sa kasalukuyan at hinaharap. Salamat sa makabuluhang lathalain. God bless you always.

emmanuelmateo said...

ramdam ko po yang emotions niyo.parang para sa akin yan.

THRIFTY FASHIONISTA said...

ouch tama dun mahirap nga mainlove sa tao kung masaya sya sa iba >.<

pusang kalye said...

feb-ibig na ang tema dito---pero yun. never love somebody who is in love with somebody else. that's not love. love is not owning.....

joeyvelunta said...

ang dali lang sabihin na "move on" kapag hindi ikaw ang apektado. Pero kung ikaw ang nasa sapatos ng taong nakakaranas sa kabiguang pinagdaanan hindi ba napahirap? Kahit gustuhin mo babalik at babalik ka pa rin sa nararamdaman mo. Pero may panahon rin naman para sa sinasabi nilang move on pagnagsawa ka na at masyado ka ng nasasaktan at mapapansin mong walang nangyayari sa kakamukmok mo.

Isang magandang piyesa ito.

Sam said...

Kakalungkot naman sobra itong tula mo ngayon kaibigan Arvin. Basta ang lagi mong isipin na "While being in love there are two requirements: heart breaking and healing. Healing takes time." Have a great weekend!

tim said...

HAHAHAHAHA. Ganun ba yun? love nga naman anu..

musingan said...

Aray... mukhang tinamaan ako... pak at swak na swak...

Arvin U. de la Peña said...

@uno.............yup, emo po ako ngayon..di ko pa kasi malimutan ang nakaraan sa buhay ko na babae..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...........oo nga eh..ibang iba ito sa mga sinulat ko dati na tula na medyo malungkot..at siguro madami na ang nakaranas nito..hindi lang ako..

Arvin U. de la Peña said...

@Bing............salamat po at nagandahan ka sa sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@imriz.............oo nga eh..pero hanap na lang ng iba,hehe..napakadami naman..hahahahaha

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin..............kung mahal mo talaga ang isang tao kahit iniwan ka na niya ay hindi madaling kalimutan..naaalala pa rin ang nakaraan at ang pagmamahalan na minsan nangyari..

Arvin U. de la Peña said...

@Ang Babaeng Lakwatsera.........tama ka doon..pero kailan darating iyon..isa pa hindi ganun kadali maghanap ng tao na nababagay talaga para sa buhay mo..may mahanap ka nga pero what if muli ay iwan ka..hindi maging masaya sa iyo..iyon ang masakit sa pagmamahal...

Arvin U. de la Peña said...

@jhengpot............thanks po....parang kanta iyon ah na gaano kadalas ang minsan,hehe....talagang nagiging madalas ang minsan kung sobrang sarap ang nararamdaman kapag kasama mo siya..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..........lungkot at saya ang nararamdaman ko kapag naaalala pa ang minsan naging bahagi sa buhay ko..lungkot kasi alaala na lang siya at hindi na magiging kami..saya kasi nasasariwa pa sa isip ko ang siya ay kasama..salamat sa mga sinabi mo..

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo............ganun ba..ibig mo bang sabihin ay nabigo ka rin sa babae na akala mo ay iyo na ang puso at pagkatao niya..

Arvin U. de la Peña said...

@THRIFTY FASHIONISTA...........talagang mahirap..masakit kung habang kasama mo ang pinakamamahal mo ay iba ang nasa isip niya..magka date kayo pero ang nasa utak niya ay ibang tao..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye..........ang susunod kong post ay may temang pag-ibig din..tama ka..maganda ang sinabi mo..pero may mga tao din na ang pag ibig nila ay nabibili ng pera..like sa club,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@joeyvelunta.........sila ay concern lang kaya nagsasabi ng ganun na mag move on kung mabigo man sa pag ibig..yah, korek ka..kapag nagsawa na tayo sa isang bagay ay doon hahayaan na natin siya..ganun din iyon sa pag ibig kung ikaw ay nabigo..may pag move on din..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam...........ganun ba.....sorry kung nalungkot ka..hindi ko sinasadya..hindi kadali maghilom ang sugat..tama ka sa sinabi mo..it will take time..

Arvin U. de la Peña said...

@tim...........opo ganun po.....ganun kahiwaga ang pag ibig..

Arvin U. de la Peña said...

@musingan............ibig palang sabihin ay ang sinulat kong ito ay akma rin sa nangyari sa iyo,hehe..

Kamila said...

awwww.... okay lang yan...makakahaanap ka din ng iba arvin...

Vernz said...

naku... di ko pala alam emotero ka din pala kaibigan.. hahaha.. dropping by.. musta?

Ishmael Fischer Ahab said...

Wow, few days na lang before Valentine's Day pero sawing pag-ibig ang nabasa ko.

Kung sino man ang mga nasa tula, sana ay ok lang ang kanilang buhay buhay.

clavsupclose said...

go girl! it's not the end of the world...

clavsupclose said...

I am so soreeeeeee, I though your a girl? following your blog...

CHEEN said...

awww. i love it kaso ang sad naman. tss. wag sana yan manyari sakin :)) haha. oke lang yan kuya, andami pang iba pede idate this valentines XD

Yen said...

Aww!!! love love love.Wag kna malungkot, Darating din yung talagang laan sayong babae:-)

Arvin U. de la Peña said...

@kamila................thanks po..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..................ayos lang naman po ako..kahit naman sino ay nag eemote din minsan..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..........oo nga eh..sa makalawa ay valentines day na.......tiyak tiba tiba na naman ang mga may ari ng mga motel o lodge,hehe.......tiyak din madami ang kukuha ng video sa loob ng kuwarto.....madami ang mag trip..

Arvin U. de la Peña said...

@clavsupclose..............salamat sa pagfollow mo sa blog ko....follow din kita.....wait lang..

Arvin U. de la Peña said...

@CHEEN.................sana nga hindi mangyari sa iyo....pero huwag ka pakasiguro kasi baka lokohin ka ng boyfriend mo,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............salamat...dumating na...haha

nice : ) said...

advance happy valentine's day! :D

haha .. hindi ako masyado nakakarelate ng mga posts tungkol sa love, all i can say is that, keep up the good work in writing poems, kuya arvin! :) ganda nito.

Jag said...

Tama ka isa n lng siya sa matatamis na alaala at kailanma'y d n maaring balikan dahil mgiging kumplikado na ang lahat...

emmanuelmateo said...

opo..ganunn na nga ang nangyari,.peo hndi po sa girl..kundi sa lalake.hehe

eden said...

Oo isang alaala nalang yon. but huwag mong balik balikan baka may masaktan..hehehee

Happy Valentine's Day

ISTAMBAY said...

oush..mahirap nga yan parekoy.. happy valantines parekoy

anney said...

Sana matagpuan mo din balang araw ang hinahanap mo na talagang para sa iyo. Happy Valentine's Day!

Lloyd said...

I really enjoyed reading the posts on your blog. I would like to invite you to come on over to my blog and check it out. God bless, Lloyd

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

aww...infairness tama naman yun..in spite ng nangyari we should always let the other feel happiness..and be happy for them ^^

happy Valentine's day! XD

Dhemz said...

ayay! pano ang Valentine's day...ehehehe!

pusang kalye said...

akala ko si Yanah yung nasa picture. hahaha. Happy valentines Arvin!!!!

Nene said...

hello kuya gandang umaga po.. msasabi ko lng prang hawig tau ng nakaraan hahaha!

Fe said...

ganda naman nito arvin....

supermommyjem said...

aww.. sana sinubukan mo pa baka kulang pa sa panahon ngunit kung baitd mo nga na masaya sa iba.. magpaubaya na lang dahil tiyak na may darating din sa iyong lubos na kaligayahan sa pagpaparaya :).. Happy Valentines!

Phoebe said...

wow. nice one. :)


would you like top join my ongoing contest? http://pinaymama.com/birthday-blog-contest/mechanics/
see you!

Arvin U. de la Peña said...

@nice..........kumusta ang valentine's day mo kahapon......ok lang po..maraming salamat sa sinabi mo..ikaw din po keep up good writing sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.........yup, mahirap magpumilit sa isang tao na ayaw naman sa iyo.......sa pelikula lang siguro nangyayari ang ganun,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo........ganun ba..akala ko sa babae..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............talagang hindi na babalikan kasi ayaw na sa iyo..kung magpupumilit pa ay magkakaroon lang ng pag aaway..maganda pa rin iyong friends na lang sakali..belated happy valentine's day sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY.............mahirap nga pero dahil walang magagawa ay tanggapin na lang ang naging kapalaran o kinahinatnan sa minsan na inibig..

Arvin U. de la Peña said...

@anney..............salamat sa malasakit mo sa akin....isa kang kaibigan na tunay..

Arvin U. de la Peña said...

@Lloyd............thank you..ok i will visit your blog...

Arvin U. de la Peña said...

@ayu.............wow, ang ganda ng sinabi mo..kumbaga sa ibon ay set her free na..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............hmmmmmm.....
siyempre masaya naman..hindi lang naman siya ang babae,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang_kalye........hindi po si yanah ang nasa picture..belated happy valentine's day sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Nene...............ganun ba..minsan na rin pala nasaktan ang puso mo ng dahil sa pag-ibig.....siguro naman ngayon ay masaya ka sa bago mong minamahal at siyang inaalayan ng pag-ibig..

Arvin U. de la Peña said...

@Fe.........thanks..naaapreciate ko ang sinabi mo..it makes me inspire na magsulat pa lalo..

Arvin U. de la Peña said...

@supermommyjem..........sinubukan ko po at talagang wala ng pag asa..masaya siya doon kaya hayaan na lang.....kahit ang pagtalikod niya sa akin ay masakit ay titiisin ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Phoebe............thanks for visiting my blog......im not sure if i will join..but i will go to your blog..