Thursday, September 9, 2010

Andi

"Siya po si Andi Eigenmann, ang gumanap sa teleserye na Agua Bendita. Ang kanya pong magulang ay sina Jaclyn Jose at Mark Gil na kapwa artista."

ANDI
Ni: Arvin U. de la Peña

Salamat sa makabuluhan mong pagganap
Sa isang karakter na dalawa ang pagkatao
Lumutang lalo ang galing mo sa pag-arte
Isa ka talagang lahi ng artista.

Nagwakas naman ang iyong pinagbibidahan
Bawat gabi ay para ka pa ring bida
Dahil pagkatapos ng gabi ay umaga
Na awit na napapakinggan sa naging palabas mo.

Lalo ka pa mang sumikat
Tangkilikin bawat maging pelikula mo
Hindi sana lumaki ang iyong ulo
Pagkat hudyat iyon para unti-unti kang kamuhian.

Panatilihin mo pagiging simple lamang
Marunong makisalamuha sa mga tagahanga
Dahil ang isang tunay na artista
Nakikipag kapwa kahit walang camera.

Umibig ka man ng isa ring artista
Siguraduhin mo sanang hindi ka paglalaruan lang
Iiwanan pagkatapos makuha ang gusto sa iyo
Dahil kahit paano ako ay masasaktan.

60 comments:

Led said...

Pareng arvin, inlove ka na naman ata ah! XD

Malou said...

inlove ata ang isang 'to hehe

I am Xprosaic said...

Oooppss sori naman di ako nanonood ng ganun... pero she's beautiful... hehehehehhe

chimimay.com said...

nakakapanood den aku nyan mensan at maganda sya. hihi

REN™ said...

waw naman! solid fan ka ni Andi ah! :D:D:D =]]

Manang Kim said...

Wahhh are you in love?? Super galing naman ang taste mo Arvin. I like her she is pretty, good actress, and smart!

Chyng said...

naman, inlove sa taong tubig.
ano ending nito? di ko napanood..

Mel Avila Alarilla said...

Uuuy, mukhang tinamaan na naman ni Kupido ang ating makata, lol. Anyway, wala namang masamang humanga at magka crush sa isang artista lalo pa't magaling itong umarte. Sayang at hindi ko napanuod ang teleserye niya na sabi mo nga'y nagtapos na. Bukod kasi sa die hard kapuso kami ay nanunuod din kami nang ibang palabas sa cable TV. Pero maganda ang tulang ginawa mo para sa kanya. Sana mabasa niya ito para mapasalamatan ka naman niya sa magandang tulang inialay mo sa kanya. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

imriz said...

tinamaan ni agua:)

MarcoPaolo said...

Wow. makatang umiibig. :D

tim said...

wow naman... tama ka talaga, at mepaghanga ka talaga kay Andi ha.. hehehehehehe..

anney said...

May potential ang batang ito na sumikat talaga. She's really pretty at magaling umarte.

Umma said...

Wow..you are an ardent fan of this lady pala. :)

eden said...

Sana napanood ko siya...she is so pretty. nice poem. thank you for sharing.

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

yung agua benditas talaga ang nagbigay sa kanya ng big break saka lalu syang gumada dati kaya nung naging housemate sya ni kuya medyo shy type and chubby pa sya..

Arvin U. de la Peña said...

@Led................haha.......lagi naman inlove..kaya ko lang ito sinulat kasi halos gabi gabi po ay nanonood ako ng agua bendita..at humanga po ako sa kanya..biruin mo naman dalawa ang pagkatao niya sa palabas..isa ang mabait at isa ang hindi..

Arvin U. de la Peña said...

@Malou.................kahit sinong lalaki ay siguro maiinlove sa ganda in andi eigenmann..kasama na ako,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic...........ganun ba..siguro panay sa HBO ka nanonood,hehe..yes she is beautiful........lahi yata ng artista..

Arvin U. de la Peña said...

@chimimay.com...........mabuti naman at nakapanood ka nito.....ang iba dito na kaibigan ko sa blog ay hindi..ibang channel kasi ang paborito nila..

Arvin U. de la Peña said...

@REN.................hindi naman gaano..humanga po ako sa kanya sa palabas na agua bendita..katunayan ay may sinulat na rin ako dito na tula na agua bendita ang pamagat..naging fan niya ako kasi lagi po akong nanonood ng palabas niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim.........medyo nainlove po ako sa kanya..maganda kasi siya..ganun ba..di ko maimagine ano ang pakiramdam kung maging kasama ko siya kahit sandali..wow..dami sigurong titingin sa amin,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Chyng............ang ending po nito ay si donya amalia nabaliw..naging pangit ang mukha dahil sa pagtalon sa dagat ng sumabog ang boat..at sina agua at bendita ay naging maayos na ang buhay kasi wala ng gumubulo..ang papa nila ay patuloy pa rin sa panggagamot..minsan kung ang pasyente ay malala at hindi kaya ng gamot ay ginagamot ni agua na palihim..ang panggagagamot ni agua ay palihim na lang..hindi na puwede na bulgar kasi dudumugin siya ng mga tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla............tama ka na walang masama kung magka crush nga tayo sa isang artista.....kahit naman siguro sinong tao kapag laging nakikita ang hinahangaan sa tv ay maiinlove siya..dahil sa pag ibig nag uumpisa ang lahat sa paghanga..die hard ka talaga sa kapuso..

Arvin U. de la Peña said...

@imriz...............opo..kaya nga dalawa na ang naisulat kong tula dahil sa kanya..una ang agua bendita tapos ito ang sumunod..

Arvin U. de la Peña said...

@Marco Paolo..........hehe..siyempre naman kasi maganda siya at magaling pang umarte..

Arvin U. de la Peña said...

@tim..............talagang may paghanga ako sa kanya kasi halos gabi gabi ay pinapanood ko talaga ang agua bendita..doon nag umpisa ang paghanga ko sa kanya bilang isang artista..

Arvin U. de la Peña said...

@anney..............tama ka..isa pa anak siya ng mga artista at karamihan na mga pinsan niya ay artista rin.....hindi lang siya magpakabaliw sa pag ibig at malayo ang mararating niya..minsan kasi ang isang babae na artista ay napapabayaan ang career dahil sa pag ibig..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma............yes..fan po niya ako.......ikaw ganun din ba..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............sana nga napanood mo ang naging palabas niya..sa youtube puwede mo hanapin ang ilang eksena..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu............opo..sa dami ng artista na talent ng abs cbn ay naging mapalad talaga siya kasi siya ang pinili na gumanap..hindi ibinigay sa ibang artista na sikat na talaga..now puwede na siyang ma elevel sa ibang sikat at kilalang artista sa abs cbn na gumanap na ng isang teleserye..

stevevhan said...

wow, pgkatapos kong mabasa yung "Ako'y masasaktan".....sabi ko "WOW", haha. Inlove?

Nung dati siyang pumasok sa PBB hindi siya mukhang magaing umarte, pngalawa sa prinsesa ng banyera, but after ABS gave her the break....she's definitely good!:) and nice as well.!

itsyaboykorki said...

inlababo!!! :P

fiel-kun said...

Wuy nice poem! lovingly dedicated kay Andi ^_^

Ang galing nyang gumanap dun sa dual role nya sa Aqua Bendita. :)

May nabasa din ako sa Twitter nya na mas pinapanood daw nya ang Survivor: Celebrity Edition hehe... kaya napagalitan yata siya ng ABS lols.

YAM said...

i loved that teleserye!

Yen said...

HAnep sa tula ah. Sana mabasa ni Andy itong gawa mo. INlababo ka na naman. hehehe

delightfullness said...

hindi ako nanunuod..pero ang ganda nya

Jag said...

Sayang at hindi ko napanood ang ending ng Agua Bendita. Late na kasi kung makauwi ng bahay hays!

Nga pala bosing heto yung link ng sinasabi ko sayo. Nakita ko na hehehe...

http://en.tackfilm2.se/

analou said...

She is pretty Vin. I haven't watched any filipino soap opera lately kasi I don't have TFC. I miss it..Thanks for dropping nga pala.

pusang kalye said...

BIG time kana ha. si andy na ang nagrerequest sayo.joke. Me pangaral pa talaga ha. crush mo no?hehehe

Dhemz said...

hehehe...halatang inlove si kumpare...lol!

she looks different on the picture....sa wakas natapos na din ang Agua Bendita....:) I am not satisfied with the ending though....ehhehehe!

Arvin U. de la Peña said...

@stevevhan.............kahit naman siguro sinong tao kapag ang isang nagustuhan niya sa pag ibig ay niloko lang ay masasaktan talaga..ang agua bendita talaga ang nagbigay sa kanya ng break sa showbiz.......sumikat siya dahil doon..

Arvin U. de la Peña said...

@itsyaboykorki...............medyo gusto ko lang siya,hehe..huwag mong sabihin na ikaw wala ring crush sa kanya o paghanga..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun...........para talaga ito kay andi......nabasa ko rin iyan sa diaryo..kasi ang isang kasali doon sa survivor ay gusto niya..sabi pa nga niya kung lalaki lang daw siya ay pakakasalan niya ang babae na iyon..babae ang gusto niya doon sa survivor kaya pinapanood niya..

Arvin U. de la Peña said...

@YAM............salamat naman at kapamilya ka rin.....at higit sa lahat salamat at sinubaybayan mo rin pala ang palabas na iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............sana nga mabasa niya,hehe....kumusta ka na..ikaw din inlove palagi..pasyal pasyal ka lang sa ibang mga lugar..pagkatapos ng palawan ay ano kaya ang susunod..

Arvin U. de la Peña said...

@delightfullness...........ganun ba..siguro sa GMA ka nakatutok na istasyon..talagang maganda siya..sexy pa..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..........ganun ba..sayang nga iyon kung lagi kang sumusubaybay tapos sa ending hindi ka nakapanood..salamat sa pagbigay mo ng link..tingnan ko ang site na iyon..thanks uli..

Arvin U. de la Peña said...

@analou............opo..maganda po talaga siya..anak din kasi ng mga artista kaya maganda talaga ang breeding,hehe..pag uwi mo na lang sa pilipinas manood ka ng mga teleserye..bakit wala kang TFC..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye.............hehe..medyo crush ko siya..galing niya kasi gumanap sa agua bendita at ang mukha niya hanep sa ganda..simpleng mukha lang pero rock..joke..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz................yup..tinapos na rin ng director ang agua bendita..nahalata ko na medyo minadali talaga ang mga eksena para matapos na..isa pa nahalata ko na ilang minuto talaga muna ang palabas bago magpatalastas,hehe..nagustuhan ko na sa ending ay ipinakita ng konti ang mga take sa palabas..ang mga mali sa eksena..parang sa movie ni jackie chan na laging may ganun..

CHEEN said...

WOW :) inlove si kuya :))
lumalabasa talga pagkapinoy mo sa mga post mo :))

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

RE:
@kuya arvs: nakanaks! lakas ng tiwala mo saken ah!! anyway, than you so much kuya arvs!

CaptainRunner said...

Hindi ako nanonood ng Agua Bendita. Pero ilan sa mga episode nito napanood ko, pero nung bata pa sila :)

Arvin U. de la Peña said...

@CHEEN...............salamat..ganun ba..im not good in english kasi kaya madalas o halos ganito ang post ko..puro mga tagalog,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..................opo..naniniwala ako sa kakayahan mo........tiyak magtatagumpay ka pa lalo..take it easy lang..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner................ganun ba..ang episode noong bata pa sila ay maganda rin iyon.....tumagal iyon ng ilang linggo......akala nga ay hindi na lalaki ang pagkatao niya..kasi mataas ang rating ng palabas na iyon na bata pa sila..ganun din naman ng lumaki na si agua at bendita..

Dhemz said...

nakikidalaw din dito Arvin....:)

Dhemz said...

nakikidalaw din dito Arvin....:)

Sendo said...

crush ko siya!!! ^^

Vixzana said...

Nice photo,,,Good content in your site..interesting it