Tuesday, June 29, 2010

Pag-alis

"May giveaway contest po ang kaibigan na blogger na si Dhemz. Kung puwede po ay sumali kayo. Malay niyo isa kayo sa mga mananalo. Walo po ang puwede na manalo. Madali lang po ang pagsali kaya sali na kayo. Ang blog niya ay ito po bisitahin niyo http://demcyapdiandias.blogspot.com/ at ang tungkol sa giveaway contest po niya na mula pa sa Las Vegas ay malaman dito. Click niyo lang itong nasa ibaba na picture,hehe."


Photobucket

"Sometimes you have to let go to see if there was anything worth holding on to"

PAG-ALIS
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa aking pag-alis dala-dala ko ang alaala niyo
Kayo na aking mga naging kaibigan
Kahit pa saan man ako mapunta
Dahil kayo ay nagbigay din ng saya sa akin.

Mga magagandang nangyari na kayo ay kasama ko
Magbibigay lalo iyon ng inspirasyon sa akin
Na kahit hindi ko na kayo makita pa
Nasa puso ko pa rin kayo.

Hinihiling ko lamang sa inyo
Sa kasiyahan niyo kahit sandali isipin ako
Pagkat malungkot man ako o masaya
Hindi ko kayo makakalimutan.

Kahit pa maging sa kamatayan ko
Habang lalagutan na ng hininga
Iisipin ko muna kayo
Kasabay pagpikit ng aking mata.

Sa inyo maraming salamat talaga
Naging bahagi kayo ng makulay kong buhay
Alaala man lang ang matira sa pag-alis ko
Malaking tulong pa rin iyon sa akin.

34 comments:

Manang Kim said...

After goodbye is hello!! ^)^

charmie said...

Nothing last forever, but memories remains..

Thanks for the post..Thanks for the visit also.. Have a nice day! and God Bless!:)

Mel Avila Alarilla said...

Bakit pagalis ang tema nang tula mo? Ito ba'y kathang isip lang o talagang aalis ka? Kung aalis ka nga ay saan ka naman pupunta? Medyo nakaka touch nang puso yung sinabi mong maski na malalagutan ka na nang hininga ay maaalala mo pa rin ang iyong mga kaibigan. Ganun ka ba ka loyal sa mga kaibigan mo? Ma damdamin ka kung maghayag nang iyong tula. Nagagaling sa kaibuturan nang iyong puso at kaluluwa. Kaya siguro marami kang kaibigan at tagahanga. Tungkol kay Dhemz ay suportado ko siya 100%. Kaibigan ko si Dhemz sa blogging world dahil kasali siya sa Kumares, Inc., lol. Maraming salamat sa pag feature mo sa contest niya. Umaasa akong magiging matagumpay ito. Salamat sa tula at sa paghipo mo sa puso nang iyong mambabasa. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Prettymom said...

nice poem...upod ba kamo hit patron? kay makada ako ha iyo.. hehehehe

Jag said...

Bosing aalis k n? Bakit naman? Sana kathang isip mo lng ito...nweiz, mas mhirap pra sa part ng mga naiwan...

D p ako nakapagpost ng pacontest ni madam Dhemz hehehe...

nice : ) said...

another great post of yours! hmm..like what others had asked you, papa-alis ka na ba tlga? o kathang isip lng ito?

take care and God bless! :D

Sasarai said...

Huwaaaah! Medyo nakarelate ako. pero ayun nga, ika'y lalayas na nga ba?? :PP

珍昕珍昕 said...

知識可以傳授,智慧卻不行。每個人必須成為他自己。......................................................................

anney said...

Naalala ko tuloy bigla yung friend ko na kaaalis lang. Kahapon lang lumipad patungong California.

pusang kalye said...

I agree---because sometimes, holding on to everytjing leaves you with nothing.....

Yen said...

San naman ang punta mo? Naku ingat kung san man ang padpad mo. friends are just there when you come back. Ingat

khantotantra said...

sure, pede xlinks.

*♥Shydub♥* said...

Theres always hello and welcome back after good byes. para kanino mo ba ito inaalay arvin? sino ba ang umalis?

SAM said...

Arvin my friend. feeling ko rin aalis ka. Kung saan man ang punta mo. I wish you all the best and luck. keep in touch okay?

SAM said...

sobrang nalungkot naman ako talaga dito sa tula mo Vin. Thank you, I will try to be happy always like what you've said to me. Be safe always okay?

Ailee Verzosa said...

blog hopping here... have a great week!!!

"When I look at you, I see forgiveness, I see the truth.
You love me for who I am, Like the stars hold the moon
Right there where they belong and I know, I’m not alone."

eden said...

Nice poem, Arvs! Ikaw ba ang aalis?

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim............tama ka..lalo na kapag sakali na tatawagan ka niya sa cp o telepono ay mag hello ka muna,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@charmie..............yah, walang permamente dito sa mundo..pero kahit wala na ang isang bagay ay atin pa rin iyon naaalala..have a nice day rin sa iyo..walang anuman iyon..salamat rin sa pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.......ito po ay kathang isip lamang..pero hindi po maiwasan na mag isip ako na ano kaya kung iwan ko muna ang pag blog..kahit sino siguro na blogger ay naiisip din niya minsan ang pagtalikod sa blog..suportado ko rin po siya ng tungkol sa giveaway contest niya..kaya lang po ay hindi po ako sasali..ipaubaya ko na lang sa iba ang pagsali..

Arvin U. de la Peña said...

@Prettymom.............salamat sa sinabi mo..oo kasali sa patron..ganun ba..eh hindi ako masyado nakapaghanda, kaya next time na lang na patron..sa inyo tapos na ba ang fiesta..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..........hindi po ako aalis..kathang isip ko lamang ito..ito ay isang tula lang na ang pamagat ay pag-alis.....ganun ba..ibig pa lang sabihin ay sasali ka sa giveaway contest..good luck sa iyo..sana ay maging matagumpay ang giveaway contest niya..kahit hindi manalo ang mahalaga ay sumali at siya ay sinuportahan..

Arvin U. de la Peña said...

@nice..............thanks..ito po ay kathang isip ko lamang..mahirap po para sa akin na bigla ko na lang talikuran ang pag blog..pero minsan ay naiisip ko rin ang tumigil muna sa pag blog..

Arvin U. de la Peña said...

@Sasarai..............hindi po ako lalayas dito sa pag blog..nais ko pa na kayo ay makasama pa muna dito..marami pa po akong nais isulat para maipabasa..at higit sa lahat ay marami pa ang naka save sa e-mail ko ng mga sinulat ko na hindi pa naipopost..

Arvin U. de la Peña said...

@anney.............ganun ba..siguro bestfriend mo talaga siya..siguro naman bago siya umalis ay nag usap muna kayo o kaya ay nag hapi hapi,hehe..huwag kang mag alala kasi mayroon pa naman kayo komunikasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang_kalye............ic..minsan talaga kahit gaano pa tayo kahigpit sa paghawak para ang pagiging magkaibigan ay hindi mabuwag ay nabubuwag pa rin..lalo na iyong mga konting pagkakaunawaan na lumalaki..minsan din ang kaibigan ay mabuti lang kapag ikaw ang nagbibigay..pero kapag kailangan mo na siya ay hindi tutulong..iyon ang masakit..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen............hindi po ako aalis..gawa gawa ko lang ang sinulat kong ito na tula..sana nga kung sakali man na talikuran ko muna ang pag blog ay nariyan pa rin ang mga naging kaibigan ko dito para suportahan pa rin itong aking blog..

Arvin U. de la Peña said...

@khantotantra..........ok..salamat sa pag payag mo na mag exchange link tayo..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub...........wala po akong inaalayan ng sinulat kong ito..ito po ay kathang isip ko lamang..gawa gawa ko lang itong tula na ito..kung may maka relate man sa sinulat kong ito ay hindi ko iyon sinadya,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@SAM..........hindi po ako aalis..maraming salamat sa sinabi mo..ganun ba..huwag ka masyado malungkot sa tula na ito kasi wala naman itong katotohanan para sa akin..hindi pa ako aalis sa pag blog..masaya pa ako dito..

Arvin U. de la Peña said...

@Ailee Verzosa...........the same to you..have a great week rin..nice poem of you..maganda ang pagkakasulat mo..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............thank you..hindi po ako aalis..kathang isip lamang ang tula na ito..

Dhemz said...

it is hard to say goodbye..ang sabi nga ni Charmie...nothing last forever, pero yung memories will always remains san man tau pupunta....:)

maraming maraming salamat Arvin for featuring my giveaway contest...:)

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz................walang anuman iyon.....pasensya na kung hindi ako sasali sa giveaway contest mo..hayaan ko na lang ang iba na sumali..good luck sa giveaway contest mo..