Friday, January 15, 2010

Hanggang Ngayon

"Sa pag-ibig ay masakit kung ang tao na inaakala mo ay magiging kayo ay hindi mo makakatuluyan."
HANGGANG NGAYON
Ni: Arvin U. de la Peña

Hanggang ngayon pinipilit ko pa rin na iwasan ka
Pinipilit na hindi makausap
Dahil sa hanggang ngayon
Masakit pa rin na hindi naging tayo.

Minahal kita ng sobra
Halos buong buhay ko ay inilaan sa iyo
Kapag magkasama naman tayo
Pansin ko na masaya ka sa akin.

Ang lahat palang kaligayahan
Na ipinapakita mo sa akin
Ay puro pagkukunwari lang
Pakitang tao lang sa akin.

Habang magkapiling pala tayo
Iba ang nasa isip mo
Ang una mong minahal
Bago pa man kita niligawan.

Napakasakit sa akin ang ganun
Kaya hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko
Lalo ng bigla mo na lang akong iwan
At siya ay bigla mong balikan.

59 comments:

Mangyan Adventurer said...

Ang sakit naman at ang saklap...

Pero ganun talaga...

Hindi naman masama ang magmahal at umasa sa mamahalin ka...

Basta wala kang ginagawang masama...

[ k r y k ] said...

ang sakit naman neto!
awtssss Ü

for sure madaming tatamaan winkkk!

Juliet said...

"napakasakit kuya" pala :-)

Juliet said...

para yung "napakasakit kuya eddie" pala :-)

Chad the Coffeeholic said...

Boom! Ayun, tinamaan na rin ako. Huhuhu. Awwwtssss!

lolo said...

Hi! Pwede bang makipag link exchange sayo? Hinahanap ko sa blog na ito yung email address mo para dun kita kausapin. Pagpasensyahan mo na kung dito ko inihatid ang aking mensahe. Eto ang aking blog:

Name: Sikat ang Pinoy - Wala ka sa LOLO ko
URL: http://www.walakasaloloko.info

maraming salamat po! paki-email nalang po ako sa walakasaloloko@gmail.com para sa iba pang impormasyon.

Arvin U. de la Peña said...

@Manyan Adventurer...............oo nga masakit talaga..kasi parang nabalewala lang ang lahat para siya ang iyong makatuluyan..di talaga natin hawak ang isang tao kaya malaya siyang makapagpasya kung anuman ang naisin niya kahit pa makasakit sa tao na nagmamahal sa kanya..korek ka..di naman puwede na idaan sa santong paspasan kapag hindi nakuha sa santong dasalan,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@kryk..............masakit nga lalo kung umasa ka na kayo na ng minamahal mo..ikaw baka naman nangyari na ito sa iyo..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Juliet...............gusto ko rin ang kanta na kuya eddie..katunayan ay minsan ko na iyon inawit sa live band..nag introduction muna ako ng ganito..."ang aawitin ko po ay handog ko para sa mga tao na habang ang kanilang asawa ay nagtratrabaho ay sila naman ay nagloloko......."

Arvin U. de la Peña said...

@Chad the Coffeeholic...........ganun ba..ano masakit ba ang tama sa iyo..pasensya na ha kung tinamaan ka..hindi ko sinasadya..di ko alam na ang ganito ay nangyari na sa iyo..joke lang..

Arvin U. de la Peña said...

@lolo................oo naman..sige add kita sa blog list ko..add mo din ako ha..walang anuman iyon..

kathy said...

Ayayay! Ansakit! hehhehe... Better to love and lost than not to love at all Arvin...

Women
Mom
Abbeymae

Douglas said...

tapik sa likod.

ngumiti ka lang pre. magiging ayos din ang lahat

chyng said...

Let go.
Charge mo lang yan sa experience.

medic / scribbler said...

"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

Renz said...

hindi na ako makikigaya sa mga nagsasabing LET GO. ang sasabihin ko lang ay ACCEPT the FACT.

gracia said...

you're a good composer..

Mokong™ said...

ang saklap naman tol... hehe

I am Xprosaic said...

Ahahahahahha naku naku may picture! jejejejejeje lagot na! kakalat na yan... jowk! jejejejeje

Bambie dear ★ said...

true story ba itO? kung ganun lilipas din ang sakit.. pero infairness, maganda ang taste mo sa girls hehe..

anyway, ganyan talaga ang love, may kasamang sakit. Pero life goes on oki!

Bambie dear ★ said...

happy weekends kuya

Hi! I'm Grace said...

I'm sorry to hear about this, Arvin... Move on ka na. 2010 na. Marami naman diyan eh. You are a nice person, I am sure that you can find the one that will love you.

kaspangarigan said...

Ang ibig lang sabihin niyan eh humanap ka ng ka level mo.

Yun bang the feeling is mutual. Love ka niya at love mo rin siya.

Sa susunod sabihin mo. Nobody is perfect & I am nobody so I am perfect.

Yun lang tignan mo may syota ka na agad.

Misalyn said...

Awwwwsssssssssss and sakit naman nyan...accept the fact and let go.

Mahirap magmahal ng one way lang.

gege said...

dugz!
ayoko ng ganyan.
hehe.
haaaaaaaaaaaaayst.
tama sila...
let go.
kaw lang mahihirapan.
:P

eden said...

nice poem. ang dami mo minamahal Arvin..hehehe.. btw, let it go nalang. ganyan talaga ang buhay, may magkatuluyan at hindi. masakit but time will heal..

Happy Weekend!

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

awww...>_< ansakit naman nun..bagay sa yo ang kantang "ikaw pa rin" ng Juana..

broken hearts day ba ngayon..? nagpost din ako ngaun2 lang ng poem ng isang broken-hearted guy na nagpakamatay eh..(uy wag mung gagawin yun ah~!)check it out!

and advice ko lang..marami pang ibang babae dyan..if iniwan ka nya..

that means she doesn't DESERVE YU..you're a great guy that every girl would love to be with you..just keep that in mind..

your destiny is just around the corner..be patient :P

Arvin U. de la Peña said...

@kathy...........masakit nga talaga..kasi inakala ko na kami ng dalawa talaga..pero hindi pa pala..mahirap talaga pumili ng tunay na mamahalin hanggat hindi pa kasal..maraming pagbabago pa na mangyayari sa relasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Douglas.............salamat sa iyo..hinay lang sa pagtapik baka lalo akong masaktan..hehe.......sana nga maging maayos ang lahat..

Arvin U. de la Peña said...

@chyng................alam mo ang isang tulad niya ay mahirap na kalimutan..kahit masakit sa akin ay lagi ko pa rin siyang naaalala kahit medyo iniiwasan ko na siya..

Arvin U. de la Peña said...

@medic/scribbler............thanks sa advice mo..grabe ang salita mong binitawan..magaling kang adviser para sa akin..bilib ako sa sinabi mo..now ko lang narinig o kaya nabasa ang mga salita na iyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Renz..................ganun ba..ang iba nagsasabi ng let go para makapag move on..ang sa iyo ay iba..accept the fact.........ibig sabihin tanggapin ang kapalaran sa sinapit ng pagmamahalan na nauwi sa hiwalayan..ganun ba..

Arvin U. de la Peña said...

@gracia................salamat sa iyo........lalo tuloy akong naiinspire na magsulat kapag nakakabasa ako ng ganyan na message para sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong.................masaklap nga..pero wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang talaga na hindi kami ang para sa isat isa..ang dati pala niyang kasintahan ang kanyang nasa isip habang kami ay magkapiling..masakit talaga iyon kasi di mo akalain na ganun nga..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.............yup may picture..kaklase ko po siya sa high school..at alam mo na kung ano pa kahit kaklase ko siya sa high school......love,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear...........oo true story ito..kaklase ko po siya sa high school..matagal na kaming hindi nagkikita..nasa ibang lugar na siya..kapag umuwi siya ay mag pa picture ako na kasama siya at post ko sa blog ko..same to you, happy weekend din..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace..............nakapag move na ako kasi matagal na rin naman ang nangyari na ganun sa akin..kaklase ko po siya sa high school........napag isip isip ko kasi na ilagay siya sa blog ko kaya ito nilagay ko ang picture niya..matagal na nga kaming hindi nagkikita ng personal..nasa ibang lugar na siya..

Arvin U. de la Peña said...

@Misalyn..............masakit nga..ibig mo bang sabihin ay dapat kung magmamahal ay may reserve..hindi isa lang para kung iwan man ng isa ay may kapalit agad..

Arvin U. de la Peña said...

@gege................huwag ka munang magsalita ng tapos..malay mo ang nangyari sa akin ay mangyari din sa iyo..pero sana hindi ka matulad ng nangyari sa akin..ayos ka naman siguro..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............salamat at nagustuhan mo uli ang sinulat kong ito......lahat naman tayo madaming minamahal.........pero sa ating mga minamahal ay may isang nabubukod tangi..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu.............salamat sa advice mo...tiningnan ko sa youtube ang sinasabi mong kanta..ayos nga po ang kanta na iyon..medyo di ko na alam ang mga bagong kanta na lumalabas kasi kinakalimutan ko na ang kanta..gaya ng sinabi ko sa post kong kanta ko..

Glenn Kun said...

~emo arvin. haha~ that's life..
napanuod mo n pla ang the spy next door. ganda tlaga.

Mel Avila Alarilla said...

Masakit talaga kaibigan ang mawala sa iyo ang tunay mong minamahal pero me iba na siya at may iba ka na rin. Time to move on my friend. Walang mangyayari sa buhay na laging nakalingon sa nakaraan. Ang nakaraan ay nakaraan na at kung naniniwala kang ang lahat ay iginuguhit nang tadhana ay hindi talaga kayo para sa isa't isa. Mas makabubuting ibaling mo na lang ang iyong oras at atensyon sa mas makabuluhang aspeto nang iyong buhay. Tangggapin mo na ang lahat nang nangyari sa iyo at matuto kang maging kuntento sa ano mang natamo mo sa iyong buhay. Kung magagawa mo yan ay magiging tunay na maligaya ang iyong buhay. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka ng Diyos sa tuwina.

MitsuMikotoChstr said...

sakit naman nun, parang balewala lahat ng ginawa mo sa kanya.

pero kahit ganon pa ang mangyari tuloy pa din ang buhay lilipas din yan at makakahanap ka ng iba na magmamahal sayo.

alam kong masakit pero dapat na kalimutan at tanggapin diba? ^^

yesterday is history, tomorrow is mystery and today is a gift, thats why it's called present ^^.

donster said...

Condolence sa puso mo hehehe...wag mag alala, someone even better will come .... in God's perfect time jejeje

fiel-kun said...

Aww parekoy... yan ka na naman sa malulungkot mong tula... di ka pa rin ba nakaka move on? lols.

Sadyang ganyan ang buhay pagibig... kung hindi talaga kayo para sa isa't-isa, mas mabuting i-let go mo na lng siya sa puso at isipan mo. I know it's hard sa simula, pero makakaya mo yan.

Godbless!

Arvin U. de la Peña said...

@Glenn Kun...............di naman masyado nag eemo,hehe..yup..gusto ko rin kasi ang mga pelikula ni jackie chan..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............salamat sa iyo..oo masakit nga....nakapag move on na ako pero minsan naaalala ko pa rin siya at ang sakit na minsan naidulot..mahirap pa rin limutin ang nakaraan lalo kung ang nakaraan ay nagbigay ng sakit..lalo na kung sakit sa puso..ikaw din sana pagpalain rin lagi..

Arvin U. de la Peña said...

@MitsuMikutoChstr...............siyempre masakit iyon..lalo na kung halos inakala mo na kayo na talaga..tinatanggap ko naman na wala na kami pero minsan naiisip ko pa rin ang sakit na naidulot niya..di maiiwasan na hindi ko iyon maalala..

Arvin U. de la Peña said...

@donster...............oo nga..kapag may umaalis sa puso natin ay may dumarating nga para muli ay sumaya..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun...................kaya nga kahit wala na kami pero di ko maiwasan na hindi siya maalala at dahil doon ay nakakaramdam ako ng lungkot..ganun talaga iyon lalo na kapag naging malalim na ang pagmamahalan na nangyari..

ghee said...

kakalungkot naman...pero may mas maganda na raw ung pasensyoso at naghihintay kasi may biyayang nakalaan,mas bongga pa kesa sa mga nauna...

good luck!
cge,add din kita sa links ko ha?salamat

ghee
http://akoni.info

Arvin U. de la Peña said...

@ghee.................nakakalungkot nga..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..

Vernz said...

Arvin, masakit mang isipin hindi ito ang katapusan ng buhay mu! Cguro nga maging mas tao ka na pagkatapos ng pangyayaring ito sa buhay mu ... naks!

Ika nga kung di malagutan ng hininga ngayon, bukas makalawa, sa dako pa roon may katapat ang bawat damdaming ipaglalaan mu (tama ba yung tagalog ko, sori bisaya ko)

Minsay pay umibig kang muli baka sa kaling mahanap mu yung sukli ng pagibig mung inalay sa kung sino mang mapalad na nilalang. (toink!)

Sa inglis ..... let go!

Elektra said...

hay nako, Arvin move on... mas madami ratio ng babae kesa sa lalaki sa panahon ngayon. isipin mo na lang di lang nmn lalaki ang broken hearted pati mga babae din so ang pag ibig ay parang sugal lang hehehe. Cheers! Think positive.

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz....................oo nga pero minsan ko siyang minahal kaya may halaga pa rin siya sa akin..oo nakapag move on na ako pero minsan ay di ko maiwasan ang hindi siya isipin..

@Elektra.........sana nga may dumating iyong pareho broken hearted,hehe..mahirap po ang mag move on ng ganun kadali lang..iba pa rin kung kayo talaga ng mahal mong tunay at una ang makakatuluyan mo..

Sam said...

i hear you. galing na rin ako sa ganyang situation. time heals the pain. cheer up! :)

abroadlife said...

Lungkot naman. :(

By the way, cool blog. I feed the fish. Hahaha

Arvin U. de la Peña said...

@Sam..............oo nga..panahon ang magpapagaling sa sakit na naidulot dahil sa pag ibig..pero ang tanong ay kung kailan..iyon ang mahirap alamin lalo na kapag hindi nakakalimutan ang taong nagdulot ng sakit sa puso mo..

@abroadlife.............thanks for feeding the fish..and also for visiting again my blog..