Tuesday, December 1, 2009

Paghintay

"Kapag mahal mo talaga ang isang tao kahit siya ay lumayo na sa piling mo ay hihintayin mo talaga na siya ay bumalik. Dahil umaasa ka pa na muli ay magmamahalan kayong dalawa."




PAGHINTAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Hinihintay ko ang iyong pagbabalik
Ang sandali na ikaw ay makapiling ko muli
Nais kong maranasan uli
Ang kasiyahan na ikaw ay kasama ko.

Maraming masamang panahon na ang dumating
Ilang bagyo na rin ang dumapo
Ngunit wala ka pa rin
Kailan ka kaya magpapakita sa akin.

Sabik na sabik na ako sa iyong pagmamahal
Sa katunayan ay nahihirapan na ako
Ikaw pa rin lagi ang nasa isip ko
Di maipagkakaila na ikaw ang tunay kong mahal.

Itong paghihintay ko sa iyo
Sana ay hindi na magtagal
Kahit lindol ang magdala sa iyo sa akin
Maluwag kong tatanggapin dahil iniibig kita.

Walang iba sa akin kundi ikaw lang
Kung may nagawa man akong mali
Sana ako ay patawarin na
Dahil ikaw lang ang kaligayahan ko.

47 comments:

Jag said...

Base! jijiji

Bakit kayo nagkawalay? Sad naman...

Sana matagpuan nyo na ang tunay na kaligayahan sa isat isa...

Arvin U. de la Peña said...

aasa pa ako na babalik siya sa akin kahit may naririnig ako mula sa ibang tao na may mahal na siyang iba..gusto lang niya na magkaroon muna ng space ang relasyon namin..nasa ibang lugar siya ngayon.di ko alam kung kailan siya uuwi sa aming lugar kasi di ko makontak..nag iba yata ng cellphone number..

Analuz said...

Oh, so sad naman. Anyways, your still young...there are lots of good girls out there. Wait ka lang darating din ang para sayo.

Glampinoy said...

Arvin, May kasabihan tayo na "If you love a person, set her free; if she comes back, she is yours"

Sana liligaya ka with or without the person you love...

Arvin U. de la Peña said...

@Analuz...........marami pa ngang babae pero siya ang gusto ko..siya ang hanap ng puso ko..kapag may kausap akong ibang babae ay parang siya ang nakikita ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Glampinoy.............narinig ko na rin ang kasabihan na iyan..mahirap dayain ang puso..di ko alam kung liligaya ako sa piling ng ibang babae..

Mel Avila Alarilla said...

Napaka sidhi ng pagnanasa mong magkabalikan kayo ng iyong minamahal. Nabagbag ang aking damdamin sa lalim ng emosyon ng iyong tula. Para bagang tumataghoy pati na puso mo't kaluluwa sa kasabikang makasama uli ang iyong minamahal. Hindi ko alam ang mga pangyayari kung bakit kayo nagkahiwalay ngunit dapat gumawa ka ng mga pamamaraan upang kayo ay magkabalikan. Ipaalam mo sa kanya ang niloloob ng iyong puso at kaluluwa. Alam kong maaantig ang puso niya pag nabasa niya ang sinsero mong pagkasabik sa kanya. Kung nagkahiwalay naman kayo dahil sa mga pangyayaring wala kang kontrol ay isamo ito sa Diyos at hayaang Siya nag umayos ng lahat. Walang bagay ang hindi ipagkakaloob Niya sa mga taong lumalapit sa Kanya at nagpapakumbaba. Salamat sa madamdaming tula. God bless you always.

=supergulaman= said...

mahirap yan..dalawa ang problema...una, ang bumalik sya piling mo...ang pangalawa, ang mgamhalan muli kayo...

too bad isa jan ang problema ko, ang bumalik syang muli sa piling o di kaya'y pumunta ako kung san man sya naroroon...

PUSANG-kalye said...

yan pamandina ng pinakamahirap na feeling sa lahat. para kang hanging. lam mo yung feeling na natatae ka na hindi.lol

_ice_ said...

part of loving someone is letting go.. if she comes back means u both meant for each other if she's not coming back, then let her go..

wag masyado mag antay.. try to open ur world sa ibang tao hu knows anjan lang pala sya di mo lang sya napapansin.

MitsuMikotoChstr said...

sa life natin mararanasan natin ang mga ganyan, kung ganon man mangyari sayo if means na di kayo para sa isat-isa.

I'm sure may darating din na para sayo na magmamahal sayo ng higit pa ^^.

eden said...

Sana babalik din siya sa iyo. Ganoon ang relationship may mga trials. just move on at huwag ibuhos lahat ng time mo sa paghihintay sa kanya.

Jules said...

Naku maraming katulad mong still waiting. Ibig sabihin lang nun dimo pa sya kayang kalimutan at tlgang mahal mo pa sya until now. =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

Dhemz said...

this is depressing...ehehhe! just kidding....live and love your life...patience is virtue....am sure God has plenty of plan for you in the future....and that includes LOVE...:)

tim said...

hey, sad naman yan..

Nanaybelen said...

Ang lungkot mo naman... grabe ang swerte naman nya at mahal na mahal mo parin sya na kahit walang katiyakan na babalik pa sya.
Kaysa sa naman naghihintay ka nang wala... Sayang kasi ang panahon eh. ibaling mo na lang sa iba .. I am sure marami pa dyan basta lang handa ka nang buksan ang iyong puso.

Sige. ganda ang tula mo.

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..........salamat sa iyong paalala..oo mahal na mahal ko pa siya..nais ko talaga na siya ay bumalik pa sa akin kasi siya lang ang hanap ng puso ko..bawat sandali ay lagi ko siyang naaalala..nakakalungkot talaga..minsan nga dahil doon ay nakikipag inuman na lang ako sa mga kaibigan ko para kahit paano ay maibsan ang lungkot kong nadarama dahil sa kanya..sana ay bumalik na talaga siya dahil mahal na mahal ko siya..

Arvin U. de la Peña said...

@supergulaman.........tama ka..mahirap nga talaga iyon pero umaasa pa rin ako..ganun ba..parang pareho pala tayo ng kapalaran..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye.........oo nga eh..di ko alam kung kailan siya babalik..basta ang alam ko ay mahal na mahal ko siya..siya lang at wala ng iba..

Arvin U. de la Peña said...

@ice..........oo nga kasama nga ang ganun sa pagmamahal..pero siya ang tibok at hanap ng puso ko..kahit may iba pa ay mahirap sa akin na iyon ang mahalin kasi siya ang nasa puso ko..ayoko na maging panakip butas ang ibang babae para sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@MitsuMikotoChstr..........oo tama ka nararanasan nga ng bawat tao ang ganun..aasa pa rin ako na kaming dalawa ay para sa isat isa..sana nga may dumating na ibang babae sa akin na katulad ang nararamdaman ng puso ko sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............i hope so na bumalik talaga siya..mahirap po ang mag move on kung ganun na siya ang gusto ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Jules............oo nga..di lang ako ang may ganito rin ang naging karanasan..yes, mahal na mahal ko siya at di ko siya magawang kalimutan kaya naghihintay pa rin ako sa kanyang pagbabalik..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..........hmmmmmm..siguro nga nakaka depressed talaga iyon kasi wala sa piling ko ang aking mahal..paskong pasko na ang suot mo ah..merry christmas sa iyo..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@tim............sad nga..ikaw naranasan mo na ba ang ganito na naranasan ko..

@Nanaybelen.........nahihirapan po akong ibaling ang tingin ko sa ibang babae kasi hanggang ngayon ay siya pa rin ang gusto ko..kung hanggang kailan ang paghihintay ko para siya ay bumalik ay hindi ko pa alam..

I am Xprosaic said...

Naks! ang lalim ah... jijijiji... yaan mo... in tym... jejejejeje

Bambie dear ★ said...

ang galing mo naman.. ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa taong ito. Ok lang umasa at maghintay pero dapat buksan mo rin ang pintuan at bintana mo sa ibang tao. Huwag mo na sya kontakin dahil sabi mo nga, gusto nya ng space.. hayaan mo ma-realized na kung ano ang gusto nya sa buhay.

For the meantime, pilitin mo wag sya isipin. Ang isipin mo kung paano mo mapapatunayan kung ano ang pinakawalan nya..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic..........medyo malalim nga ang tulang ito..in time siguro ay babalik din siya para muli kaming magkasama..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear...........salamat sa papuri sa akin......sinubukan ko ang huwag siyang isipin pero di ko magawa..lagi ko siyang naiisip..i really love her..

Aika said...

pa-follow huh...ang lungkot lungkot nmn neto :(

God didnt make a soulmate for everyone and not make a way para mameet natin. dont worry ok kuya.

Pretsel Maker said...

nice poem

Rcyan M. said...

hmmm... if it's meant to be, it's meant to be. =)

salamat sa palagiang pagdaan sa munti kong espasyo. dumadaan din ako sa'yo palagi panaka-naka. kaso, hindi ako laging nagko-comment.

salamat ng marami, arvin!

fiel-kun said...

Waah Arvin! puro na lang ba kasawian ang nangyayari sayo parekoy? T_T

anyways, sa palagay mo ilang porsyento pa na babalik talaga siya sayo?

Vladimir Buendia said...

ramdam ko ang bugso ng iyong damdamin.

magaling!

Arvin U. de la Peña said...

@Aika...........salamat sa pag follow mo sa akin......nakakalungkot nga.... Siguro ay tama ka na mula pa umpisa ng buhay natin ay walang isang tao na nakalaan para iyon ang maging kasama natin sa buhay..ok..

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker........salamat at muli ay nagustuhan mo ang sinulat kong ito..kumusta ka naman diyan..

@Rcyan M.......oo kapag kayo ang para sa isat'isa ay talagang magiging kayo kahit pa marami ang maging hadlang.....walang anuman iyon kasi kapag may new post ako ay halos lahat na nasa blog list ko ay binibisita ko..at ang iba din na blog ay dinadaanan ko..salamat rin sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun...........haha..hindi naman yata lahat puro kasawian,hehe....di ko alam kung ilang porsyento pa siyang babalik sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@Vladimir Buendia..........salamat at ramdam mo rin itong aking nararamdaman..siguro ay naranasan mo na rin itong nangyari sa akin..salamat din sa pagpuri mo sa akin..

Vladimir Buendia said...

minsan talaga sa buhay ng tao nangyayari yan. hindi natin maiiwasan. kumbaga, pana-panahon lang.

Hi! I'm Grace said...

Ang lungkot naman ng tula na ito. :( This reminds me of my special friend back in Cebu. I hate anything that will make me sad. :(
Ayoko!

kathy said...

Alam mo Arvin, someday, you will find the person that deserves your deep love. Kung kayo talaga, babalik sya sa'yo ngunit kung hindi, hwag na lng ipilit dahil baka masaktan ka lng ng todo in the end..

salamat sa bisita...

Women
Abbeymae
Mom

Aika said...

may nakalaan yan kuya kung inde siya malay mo iba pala...wag ka na malungkot kuya..

winkspot said...

ang ganda ng sinulat mo!! :) nadarama mo tlga ung pagkasabik.. T^T

Arvin U. de la Peña said...

@Vladimir Buendia..........oo nga eh..ganyan talaga ang buhay..ang mahirap lang talaga ay kung napamahal ka na masyado sa kanya tapos ay hihiwalayan ka..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace..........parang malungkot nga ang tula na ito na sinulat ko..ganun ba..sino naman ang kaibigan mo na iyon sa cebu..bakit siya espesyal sa iyo..siguro naman may communication pa kayo until now..

Arvin U. de la Peña said...

@kathy........sana nga ay makatagpo na ako..iyong hindi ako iiwan..pero naghihintay pa rin ako sa kanya kasi mahal ko talaga siya..

Arvin U. de la Peña said...

@Aika......salamat sa sinabi mo..i hope so..sana nga..

@winkspot.........salamat at nagandahan ka sa sinulat ko..oo ramdam ko talaga ang pagkasabik sa kanya habang sinusulat ko ito..