Thursday, October 8, 2009

Pintasiro

"May mga tao talaga na mahilig pumuna sa ibang tao. Para sa akin ay sila iyong mga tao na hindi muna tinitingnan ang kanilang sarili na mayroon ding dapat punahin. Tandang-tanda ko pa na ang isa kong kaibigan ay binugbog ng isa ko ring kaibigan dahil madalas siyang pagsabihan ng medyo nakakainsulto. Lima kaming nag-iinuman noon ng malasing na ay sinabihan ng isa kong kaibigan ang pintasiro naming kaibigan dahil sa lagi niyang pamimintas sa kanya. Nang pagsabihan ang pintasiro ay nagmalinis pa. Pinagtanggol pa ang sarili niya na tama raw ang ginagawa niya. Nag sabi pa na "ano ang pakialam mo". Dahil nag-init agad ang ulo ng kaibigan ko na madalas punahin ay ayun sinuntok agad ang pintasiro. Nabugbog siya at ng ihahampas na sa ulo ang bote ng beer ay doon umawat na kami. Hindi nakapalag at nakaporma ang pintasiro naming kaibigan. Hindi nga gumanti ng suntok dahil talagang wala siyang laban doon sa pinipintasan niya na kaibigan din namin. Mula noon hindi na siya sumasali kapag nag-iinuman kami. Umiiwas na siya na makainuman ang kaibigan namin na bumugbog sa kanya."


PINTASIRO
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang galing mong pumuna sa buhay ng ibang tao
Para bang ang tingin mo sa iyong sarili
Isa kang napakalinis na nilalang
Kahit konti walang dumi sa katawan.

May makita ka lang o mapansin na di kaaya-aya
Kahit kaibigan mo pa at barkada
Pinipintasan mo siya
Di mo iniisip nakakasakit ka.

Kahit pananamit ay pinupuna mo
Hindi mo muna tinitingnan ang damit mo
Na mayroon ding mantsa
Wala ka talagang hiya.

Ewan ko kung nakakatulog ka ng maayos
Sa pamimintas mo sa iyong kapwa
May pinag-aralan ka man o wala
Dapat di ka makialam sa buhay ng ibang tao.

Bakit di ka tumingin sa salamin
Masdan mong mabuti ang iyong sarili
Nakangiti ka nga ng maganda
Ngunit masaya ka nga ba sa ginagawa mo?

14 comments:

princejuno said...

tama ka, do not do unto others, what you do not want them do to you...tama ba un?...parang tounge twister...hehe

sagot ka na man sa tanong ko dito....
saan nga ba?

http://princejuno.blogspot.com/2009/10/anong-lugar-sa-pilipinas-ang-pinaka.html

baka alam mo ang sagot...
salamat...

tsariba said...

agree. dedma nalang. lol

myunrevealedthoughts said...

Korek Korek! Mostly, 'yang mga ganyang klase ng tao, mga insecure.

Anyway, na-add na kita sa blogroll ko, hope ma-add mo na rin ako.

Thanks.

Meryl (proud pinay) said...

tama si princejuna ^_^ dapat nating tandaan ang "Golden Rule".

Goryo said...

kumpare ng Lolo ko yang si Confucious eh.. Nakadalwang bote ata sila ng Gin nang nasambit niya yang Golden rule na yan.. alam mo naman pag nakakainom gugaling mag-ingles.. ahihi

Arvin U. de la Peña said...

@Princejuno..........para sa akin ang lugar na pinakaayaw ng mga dentista ay ang lugar bundok..kasi malayo puntahan..hehe

@Tsariba..........oo tama ka..deadma na lang para walang komprontasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Myunrevealedthoughts........insecure nga sila..ewan ko ba kung bakit may ganun talaga na tao..nagmamalinis sila..

@Meryl......oo nga..huwag mong gawin sa iyong kapwa ang ayaw mong gawin ng iyong kapwa sa iyo..but alam ko ang mga tao na pintasiro ay mahirap ng baguhin ang pagkatao nila..wala silang pagtanda..

Arvin U. de la Peña said...

@Goryo..........gin ang ininom..eh malakas ang tama nun..siguro sinapak ang sinabihan ng umangal..hehe..

wanderingcommuter said...

minsan kasi una-unahan lang yan. alam ng mga pintasero na pipintasan sila so inuunahan na nila... theory ko lang naman po. hehehe

Arvin U. de la Peña said...

@Wanderingcommuter......posible ngang totoo ang sinasabi mo..unahan nga lang..pero bakit pa namimintas kung alam rin lang nila na sila ay dapat ring pintasan..

Meryl (proud pinay) said...

bisita ako dito .have a great week ahead ^_^

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl........sa iyo din have a great week..

dan~gee~rous said...

oi!!! ang sama ng ugali mo.. kala mo naman kung sino kang may magandang blog.. ang korni kaya ng mga tula mo.. saka yung PINTASIRO.. diba dapat PINTASERO yun?

haayyy...

grabe.. t.h.

at pwede ba, wag mo nga masabihan si Pabs ng stupid.. ikaw nga jan yung stupid eh..

iya_khin said...

taray mo friend ehehe! puso mo!

sino ba ang mga iyan at ng mabigyan ko ng kaliwa! ehehe