Friday, July 31, 2009

Baliw Na Pag-ibig (by request)

"Ang babae na ito ay nakachat ko matagal na sa yahoo messenger. Last year pa siguro kami nag chat. Ewan basta matagal na. Tapos add ko siya sa contact at hiningi ko ang friendster account niya. At two weeks na ang nakaraan sa di inaasahan ay muli naka chat ko siya. Tapos inimbita ko siya na tingnan ang blog ko. Nang makita niya ang blog ko ay nag sabi siya sa akin na siya rin daw ay handugan ko ng isusulat ko. Sabi ko naman ay okey payag ako at pag ipost ko ay kasama ang picture niya. At ayos sa kanya na kasama ang picture niya kapag ipost ko. Hiningi ko rin ang cellphone number niya para pag ma post ko na ang handug ko para sa kanya ay etetext ko siya para matingnan niya. At ito po ang handug kong tula para sa kanya. Ang friendster profile niya po ay http://profiles.friendster.com/11629386"

BALIW NA PAG-IBIG
Kay: Norilyn Villamora
Ni: Arvin U. de la Peña

Mas pinili ko ang magpakalayo na lang
Kaysa pilitin ko ang sarili ko sa iyo
Na ayaw mo naman sa akin
Lalo lang akong masasaktan.

Ibinaling ko ang pagtingin sa iyo sa iba
Hindi naman ako nabigo
Nagmahalan kami ng babaing ipinalit ko sa iyo
Ngunit ikaw pa rin ang nasa isip ko.

Walang araw na hindi ko siya kasama
Na ikaw ay hindi ko naaalala
Sabihin man na ako ay tanga
Tatanggapin ko dahil iyon ang totoo.

Talagang ikaw ang tunay kung pag-ibig
Ang masakit nga lamang ayaw mo sa akin
Kaibigan lang ang turing mo
Hindi mo ako kayang mahalin.

Kung hanggang kailan itong kabaliwan ko sa iyo
Ay hindi ko alam
Sana ay hindi magtagal
Dahil may tapat naman na nagmamahal sa akin.

8 comments:

kox said...

muslim kn talaga! lol.. :) baka soulmate kau :)

Lord CM said...

Ayos na ayos parekoy, natuloy ba pagka muslim mo? para makarami kaagad :)

ikogsakanding said...

ayos..... astig......

cheezy said...

andaming chikabeybs ah. haha.

egat said...

pare, I viewed her fs... ganda!

patola said...

weeeee.... dami mo naman chikas.. hihihi... pagbutihan mo... sabi nga sa motto ng kaibigan ko eh, collect and collect then select... wahahahahaha! =)

w.a.i.t. said...

naks nman, balitaan mo kame bossing ah hehe

Rcyan M. said...

naku. tama ba ang narinig ko? nagpa-convert ka na po?

hehe... madalas ko pong marinig ang padayon sa activist group na kabilang ako dati.

hmmm. kung iibig ka, ibigay mo nang todo para wala kang pagsisihan sa huli. dahil kapag pinigilan mo ang sarili mo, mas masakit ang ibubunga niyon.

payong kaibigan lang po. =)