Monday, May 4, 2009

Paghihintay

"Ang hirap sa paghihintay ay kung wala kang naaasahan."




PAGHIHINTAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Sabi mo babalikan mo ako
Lalayo ka lang muna pansamantala
Pero bakit hanggang ngayon wala ka pa
Kaytagal na kitang hinihintay.

May mahal ka na bang iba
Sana ay wala pa
Di ko kaya ang mawala ka
Alam mo ba iyon?

Bawat araw lagi kong iniisip ay ikaw
Misan nalilipasan na ako ng gutom
Sa pag-aalala ko sa iyo
Halos di na ako makatulog.

Magparamdam ka na sana
Na ikaw ay ayos lang
Dahil labis na akong naghihintay
Sa iyong pagbabalik.

Kung nasaan ka man
Gusto kong malaman mo
Di ako maghahanap ng iba
Ikaw lang sa aking puso.

6 comments:

miel reyes said...

bora po ba yan?

Bhing said...

ang paghihintay ay walang kasing pait,
kung sa dulo ng iyong pag aabang luha lang ang kapalit,
ngunit sumugal ka lang,
hanggat ang puso mo nagmamahal
darating ang araw, pagmamahal na dalisay iyong makakamtan!

ingat mahal n kaibigan!

eden said...

ang galing mo mag gawa ng poem arvin..nice one!

mik mik mik said...

kudos! ayos! hanep! kip it up!

Rose said...

nice poem po...
ganda ng message....
bagay sa mga broken hearted awts...

Vic said...

oo nga, ayoko ng maghintay.
(senti moment).. hehe.. :)