Sunday, December 21, 2008

Huwag Kang Matatakot

*Inihahandog ko ang tula na ito para sa lahat ng tao na sana kung may problema man o pagsubok na dumating ay harapin at pilitin na hanapan ng solusyon para naman maging masaya.*


HUWAG KANG MATATAKOT
Ni: Arvin U. de la Peña

Huwag kang matatakot sa kinakaharap mong pagsubok
Harapin mo at pilitin na labanan
Sapagkat sa dulo ng lahat ng pagsisikap
Liwanag ang naghihintay sa iyo.

Isipin mo hindi ka nag-iisa
May handang dumamay sa iyo kung kailangan
Tandaan mo na ang umaayaw sa problema
Ay siyang taong mahina ang loob.

Magpakatatag ka lang sa suliranin
Mas marami ang hahanga sa iyo
Kung hindi ka natatakot
Sa hamon ng buhay.

Kahit ikaw ay mabigo pa
Huwag ka pa ring susuko
Hindi sa lahat ng pagkakataon
Ikaw ay pagkakaitan ng tagumpay.

Sayang ang pagkakataon
Kung panghihinaan ka ng loob
Huwag ka matakot sa unos ng buhay
Bangon kung ikaw ay madapa.

No comments: