Monday, May 24, 2021
Buhay Ng Isang Ina
Friday, March 12, 2021
IISANG DUGO
Thursday, December 17, 2020
Kay Sarap Ng Pasko song by mark orozco & lyrics by arvin u. dela peña
Tuesday, September 8, 2020
Pemberton
Ginawaran ni President Duterte si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng absolute pardon. Marami ang tumuligsa o hindi nagustuhan ang ginawa ng pangulo. Si Pemberton ang pumatay kay transwoman Jennifer Laude. Bakit daw palalayain gayong hindi pa niya napagsisilbihan ng sakto ang parusa sa kanya. Ang mga iba naman ay nagsasabi na may mga karapat dapat ng makalaya pero hindi pa rin nabibigyan ng pardon. Dahil ba daw si Pemberton ay isang amerikano.
Ang pangulo ng Pilipinas ay may karapatan na magbigay ng pardon. Bawat nagiging pangulo ng bansa ay nagbibigay ng pardon sa mga nakakulong na karapat dapat ng lumaya. Nagbigay ng paliwanag ang pangulo kung bakit niya binigyan ng pardon. Ang paliwanag sana ay intindihin at respituhin.
Banyaga man o pilipino ang magkasala sa Pilipinas ang parusa ay ganun pa rin. Walang pagkakaiba na sakali kapag banyaga ay ilang taon lang makulong at kapag pilipino ay matagal pagkakulong. Parehas lang ang hatol. Kaya ang pag pardon ay ganun rin. Walang pinipili ang pag pardon, maging banyaga man o pilipino.
Ang pagkakulong kay Pemberton sana ay magsilbi ng aral na huwag basta pumatay ng tao. Lalo kung nalaman na niloko. Dahil dito sa mundo sadyang may mga pagkakataon na ang tao ay nagkukunwari o balatkayo matupad lang ang gusto.
Thursday, June 4, 2020
CORONA VIRUS
Corona Virus
Ni: Arvin U. de la Peña
Malaki ang naging epekto ng corona virus sa buhay ng mga tao. Ang di inaasahan na mangyayari na nakakatakot na maaaring sa mga pelikula lang makita ay naramdaman ng mga tao. Sa pagpatupad ng mga lockdown ay dapat sa bawat bahay ay isa lang ang puwede lumabas para makabili ng kung ano. Sarado pa minsan ang mga tindahan. Kung aasa naman sa mg bigay na relief goods ay di naman makakasya sa ilang linggo o buwan na ganun ang sitwasyon dahil ang mga bigay na relief goods ay pang isa o dalawang araw lang na kailangan ng mga tao sa bawat pamilya na mabigyan.
Social distancing o physical distancing ganun na ang nangyayari kapag nasa labas ng bahay may bibilhin o kahit walang bibilhin at nag uusap lang. Maging sa pagpunta ng simbahan ay ganun na rin. Ang ganun na patakaran kung patakaran man na masasabi ay hindi alam kung hanggan kailan gagawin. Napakaraming event na nakansela dahil sa corona virus. Napakaraming kompanya ang bumagsak dahil walang trabahong nangyayari.
Sa pangyayari na nagkaroon ng corona virus doon ay napag isip isip na mahalaga talaga ang may ipon na pera. Dahil kapag may ipon na pera ay may maibibili ka na pangangailangan. Hindi naman magagawa ng gobyerno na magbigay ng magbigay ng mga ayuda sa mga apektado ng corona virus. Kahit may mga inaasahan na kamag anak o kapatid sa ibang bansa na puwede magbigay kung humingi ay hindi rin naman makabigay dahil halos lahat ng bansa may mga pag lockdown ding pinatupad. Pagpadala naman ng pera at pagkuha ay mahirap kasi maraming tao o sarado.
Ang corona virus ay virus na kung saan mapaminsala at nagbigay din ng leksyon sa mga tao. Sana lang kapag mayroon ng gamot ay pagtagal ay di magkaroon uli ng panibagong virus na makakapagbigay pangamba sa mga tao.
Tuesday, January 28, 2020
Ate Jhajha Vlogs
Tuesday, October 8, 2019
Happy 11 years blog Written Feelings
Labing isang taon na ang blog kong ito ngayong araw. October 8, 2008 ng gawin ko ang blog na ito. Napakarami ko na rin sinulat ang nailagay dito sa blog kong ito. Parang kailan lang ang madalas ay palagi ako mag internet at open ng blog ko at mag post ng sinulat. Paglipas ng ilang taon lalo after ng bagyong Yolanda ay bihira na lang ako mag post sa blog kong ito. Hindi dahil ayaw ko na sa pag blog kundi medyo tinatamad na rin pag sulat.
Napakaraming isyu sa mga nagdaaang buwan at sa kasalukuyan na medyo pinag usapan talaga ng mga tao. Nariyan ang isyu tungkol sa Good Conduct Time Allowance o GCTA. Napakaraming preso ang nakalaya. Sa paglaya nila ay tiyak nasiyahan na sila kasi ilang taon rin ang ginugol nila sa kulungan at sa wakas laya na. Pero dahil nagkaroon ng malaking isyu na binabayaran daw ang GCTA ay pinabalik ang mga nakalaya. May mga bumalik pero may mga hindi pa rin bumabalik sa kulungan. Kung hanggang saan sila hindi babalik ay sila lang ang nakakaalam. Ang mga bumalik naman sa kulungan ay para na rin masiguro ang seguridad nila kung karapat dapat ba na laya na sila o kaya sa buhay nila kasi kung di babalik ay maituring na pugante.
Nariyan din ang isyu patungkol sa mga ninja cops. Ang alegasyon na ang mga nakukumpiskang droga sa mga pag raid ay hindi lahat submit o ereport. Kundi ilang porsyento lang kasi ang ibang drugs ay ibenta din. Nakakabahala na may mga alegasyon galing PDEA para sa ilang miyembro ng PNP na nag recycel ng droga. Tiyak pagtagal baka may alegasyon din ang PNP sa ilang miyembro ng PDEA na ganun din ang gawain di lahat ng nakukuha sa pag raid ay isubmit. Huwag naman sana.
At ang isyu na di talaga maganda ay ang nababalita na pag raid sa mga hotel o anong establishment na naroon ang mga Chinese prostitute. Marami na ring Chinese women ang nahuli na ganun ang trabaho nila dito sa Pilipinas. Sa ganun na may mga Chinese prostitute na rin sa Pilipinas ay tiyak apektado din ang mga pinay na prostitute kasi tiyak mabawasan sila ng customer. Kasi nagkaroon na sila ng tinatawag na karibal. Tiyak may mga pinay prostitute na pag uwi nila sa kanila ay baka walang dalang pera o pagkain para sa umaasa sa kanila. Inagawan na nga ang bansang Pilipinas ng isla sa West Philippine Sea ng China ay aagawan pa ng pagkakitaan ang ilang pinay prostitute ng Chinese prostitute.
Sa huli ang lahat ng isyu na nasulat ko para sa 11 years ng blog ko ay may kaugnayan sa pera. May mga tao na empleyado sa gobyerno na dahil hindi kuntento sa sahod ay gumagawa ng paraan para magkapera aside sa sahod. Diyan na pumapasok ang tinatawag na korapsyon. Kahit hindi sa gobyerno nagtrabaho ay mga tao na talagang kulang pa para sa kanila ang sahod kaya gumagawa ng di kanais nais para magkapera. May mga tao na ang suot ay talagang magandang tingnan pero di mo alam ay may masama palang motibo o may gawain na di maganda.









