Monday, February 6, 2012

Tanging Ikaw Lamang (a song for jhengpot)

Ang una ko talagang hilig ay mag compose ng kanta. Mula 1995 hanggang 2006 ay umabot ng sobra 200 ang na compose kong kanta na ang mga iyon ay nasa akin pa. At mula 2006 hanggang sa ngayon ay hindi na uli ako nag compose ng kanta dahil kinalimutan ko na ang hilig ko sa kanta. Hindi na nga rin ako umaawit sa videoke kung may inuman ang barkada kahit pinipilit nila ako na umawit. Malaman niyo ang tungkol doon kung titingnan niyo ang post ko noong December 9, 2009 dito sa blog ko na ang pamagat ay KANTA KO (reveal). Kung nagsusulat man ako ng kuwento, poems, o tula noon ay may kaugnayan lang iyon sa pag-aaral at iyong pag submit para sa newspaper na kung ma publish ay marami ang makakabasa ng sinulat ko kasi nationwide ang diaryo. Na ang mga iyon ay nakamit ko naman. Ayaw ko na sanang mag post ng kanta dito sa blog ko pero gagawin ko ulit kasi dito sa blog world ay may nakilala akong isang babae na mayroon silang banda. Maraming beses na rin silang tumugtog sa entablado. Sumali na rin sa mga competition. Kaya ko ito post na kanta dahil ang kantang ito na sinulat ko ay ibibigay ko sa kanya. Ang pangalan niya po dito sa blog world ay jhengpot. Sa iyo jhengpot binibigay ko sa iyo ang compose kong ito na kanta. Kung hindi man ikaw ang umawit ay ang vocalist niyo. Ang hiling ko lang ay kung sakali na aawitin niyo na ito ay pangalanan lang ako at kung may baguhin man kayo sa lyrics ng konti ay pangalanan pa rin ako. Higit sa lahat kung ma discover ang banda niyo at magkaroon kayo ng album na kasama ang bigay kong ito na kanta ay sana kahit pang inom ay padalhan mo ako. Kahit ang halaga ay para sa sampung bote ng San Miguel Beer pale pilsen ay sapat na iyon. Malalasing na ako niyan na minsan sa buhay ko ay maraming nabuo sa isipan ko na kanta habang nag-iinuman. Ang blog po ni jhengpot ay http://heavenknowsmj.blogspot.com

"Compose ko ang kantang ito noong December 2, 2005 na kaarawan ko at handog ko ito para sa mga tao na sa kabila na iniwan ng kanilang mahal ay patuloy pa ring umaasa na babalikan."


TANGING IKAW LAMANG
compose by: Arvin U. de la Peña

Intro:

Noon at ngayon laging ikaw pa
rin sa puso
Di magawang limutin
Di magawang ipagpalit
Sa isipan lagi ka pa ring
naaalala
Muli nababalik tanaw nakaraan natin


Chorus:

Tanging ikaw, ikaw lamang
ang aking mahal
Wala ng iba pa na hahanapin
Kahit na magbago pa ang panahon
Ikaw at ikaw pa rin
Patuloy akong aasa na ikaw
ay magbabalik
Sa piling ko


do stanza chords
Pag-iibigan na kayganda
Pagsasama na kaysarap
Bakit bigla ay magwawakas
Lalayo ka at iiwanan ako
Hahayaan na lamang na mag-isa


repeat chorus

Bridge:

Malaman ko man na ikaw
ay may mahal ng iba
Maghihintay pa rin ako
Naniniwala ako sa ating
sumpaan


repeat chorus

INSTRUMENTAL

repeat chorus
repeat chorus

coda:
sa piling ko
sa piling ko

43 comments:

  1. arvs, kung papipiliin ka sa currents recording artists natin ngayon, sino ang gusto mong kumanta nito?

    Jheng, sana marinig kita kumanta one of these days. =)

    ReplyDelete
  2. nabasa ko ung post mo nung dec 2009
    and COOL!!! nagsusulat din ako ng kanta..pinopost ko lang un sa youtube..hindi ko alam na pde pala magemail sa isang recording company at magsend ng demo tape..^_^

    Arvin! wag mo itago ung kanta mo..andami 200?? pahingi ako!! hahahaha

    to: Jhengpot!!
    sana marinig nmin ung arrangement ng kanta...

    ReplyDelete
  3. Wow, ang galing mo naman talaga Arvs...kanta, tula, kwento...kaya mo, ikaw na talaga! :)

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng lyrics!!! feeling ko, akong ako yan! ahaha!

    sana marinig ko naman yung song ^^

    nice ^^

    ReplyDelete
  5. Gusto ko kantahin ito ni Jhengpot.

    ReplyDelete
  6. wow ayus ah.. sana marinig ko si jhengpot kumanta nito.. ;)

    ReplyDelete
  7. hahaha. sa mga nagcomment ng request na ako'y kumanta. medyo malat lang po ako ngayon, yaan niyo sa araw bago ang katapusan ng mundo ay aawit ako. Para naman wala akong masyadong kasalanan paglumindol. lol

    salamat dito kuya arvin...ipopropose ko toh sa mga kasama ko :) galeng mo!

    ReplyDelete
  8. Wow! Arvs mala Apo Hiking Society tema ng kanta mo galing. Wish ko one day malaman ko na lang na launching na yan at hummmm sino ba pipiliin mo na kakanta niyan. Sorry wala na akong alam na new singers diyan sa atin ngayon. :-/

    ReplyDelete
  9. composer ka rin pala Arvs.. whoot galeng mo ah.. keep it up

    ReplyDelete
  10. the best ka talaga arvin!


    jheng,iparinig mo sa akin pag nalapatan nyo na yan ng himig :)

    ReplyDelete
  11. @Rence...........ang 6CycleMind ang gusto kong umawit kung sakali.....nagkita naman kayo sa personal at kaibigan mo na sa totoong buhay ay sabihin mo sa kanya na awitin niya,hehe...

    ReplyDelete
  12. @Clain Estabillo........salamat at binaso mo ang post ko noong dec. 2009......ganun ba....puwede ko ba malaman kung paano makita sa youtube ang compose mo....puwede po iyon at sa case ko ay demo tape ang submit ko mismo sa recording company......nakatago iyon at hindi mawawala...puwede ko ba malaman ano ang blog mo.....

    ReplyDelete
  13. @Talinggaw.........salamat sa sinabi mo.....subukan mo rin kaya kung ano ang nagagawa ko,hehe.....

    ReplyDelete
  14. @hana banana.......haha......ganun ba....kung ganun pala ay iniwanan ka ng mahal mo.....at umaasa ka na babalik siya sa iyo....mag move on ka kung sa palagay mo hindi na talaga babalik.....may iba ka pang makikilala na magpapasaya sa iyo...

    ReplyDelete
  15. @Akoni..........i hope so....pero tiyak kaya niya iyan kantahin kasi nasa banda siya.....umaasa ako na sisikat ang banda nila.....

    ReplyDelete
  16. @KikomaxXx...........sana nga.....kung hindi man siya ay sa vocalist na lang ng banda nila.....

    ReplyDelete
  17. @Albert Einstein...........isa siyang kaibigan dito sa blog at may banda sila at dahil may mga compose akong kanta ay nararapat lang siguro na bigyan ko siya.....

    ReplyDelete
  18. @jhengpot..........pagbigyan mo sila habang hindi pa gumugunaw ang mundo para naman matuwa sila.....at isa pa hindi naman yata magugunaw ang mundo........ok....salamat kung ganun....ipakita mo sa mga ka banda mo......walang anuman iyon....kung magustuhan niyo ito ay puwede ko pa ikaw bigyan....at hindi na ipost dito sa blog......mag email na lang ako.....

    ReplyDelete
  19. @Sam D............love song ang kanta na ito.........binigay ko ito kay jhengpot at sana siya o ang banda nila ang umawit nito......

    ReplyDelete
  20. @Umma...........oo.....hindi lang tula, kuwento, o poems ang alam ko.....

    ReplyDelete
  21. @JaY RuLEZ...........salamat kung ganun......tiyak mapagbibigyan ni jhengpot ang mga nagnanais na maawit niya ito o ng banda niya......

    ReplyDelete
  22. http://planetofclai.blogspot.com/

    eto ung nagawa ko
    http://www.youtube.com/watch?v=hnkUzcW-F1U
    mejo matagal na'to
    hahaha..nagpromote tlga ako dito
    nagemail ako sau..

    ReplyDelete
  23. Nice. I love the lyrics. Ang galing mo talaga Arvin.

    ReplyDelete
  24. ang ganda nang model...hehhehe!
    galing Arvin!

    ReplyDelete
  25. parang ang sarap magsenti ng kanta mo sa feb 14

    ReplyDelete
  26. it was my first time to view this blog and i find it interesting.
    Well done fellow bloggers.

    ReplyDelete
  27. Ayan maraming naghihintay na makanta ito ni Jhengpot.

    galing mo arvin

    ReplyDelete
  28. Hi, Arvs!

    Have a great Sunday. Thank you for the visit.

    ReplyDelete
  29. @Clai Estabillo..........ok....nakita ko na ang blog mo at add ko iyon sa blog list ko.....

    ReplyDelete
  30. @eden...........salamat sa sinabi mo.....nakaka inspire iyon sa akin......

    ReplyDelete
  31. @Dhemz............hehe.....maganda nga din siya.......tiyak kung tumutugtog ang banda nila ang ibang tao sa kanya nakatingin......

    ReplyDelete
  32. @Spiky............ganun ba.....tiyak sa mga radio station na FM ay madalas patugtugin ang mga love songs....

    ReplyDelete
  33. @Danilo Enriquez Jr..........ganun ba.....salamat sa pagpunta sa blog ko at pagbasa ng mga sinulat ko.....

    ReplyDelete
  34. @Diamond R.............tama ka....sana maawit nga niya ito o kaya ng vocalist ng banda niya.....

    ReplyDelete
  35. WHICH LANGUAGE IS THIS DO U HAVE AN ENGLISH BLOG



    generic viagra

    ReplyDelete
  36. @simply kim........nararapat ko lang siya na bigyan kasi mahilig din siya sa kanta.....at may banda pa....

    ReplyDelete
  37. @Generic Viagra............i have no english blog...........why......

    ReplyDelete
  38. aww. how sweet naman. happy hearts day sayo!

    ReplyDelete
  39. our is online pharmacy for generic Viagra buy
    Generic Viagra

    ReplyDelete
  40. online buy generic viagra for best generic medicine
    Generic Viagra

    ReplyDelete