Saturday, January 7, 2012

Koronang Tinik

"Ang pagbitiw sa tungkulin ay hindi masama lalo na kung makabubuti para sa bansa."
KORONANG TINIK
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa tuwid na daan ikaw ang hadlang
Pagsulong sa magandang bukas tinik ka
Hangarin para sa mabuting pagbabago
Walang pag-asang makamit dahil sa iyo.

Kinalalagyan mo ay mataas
Mistula kang isang korona na nakalagay sa ulo
Subalit ikaw ay kakaibang korona
Nasasaktan ang ibang dapat tumitingala sa pagkatao mo.

Nagtalaga sa iyo sobra ang pagkampi mo
Ebidensya man ay sapat wala ring halaga
Marahil ay magkatulad kayo
Nagtatamasa ng pera mula pangungurakot.

Nais sa iyo ngayon na magbitiw pakinggan mo
Isipin mo mga taong may malasakit sa bayan
Sinumpaan mong tungkulin noon para sa bansa
Balikan mo sa iyong alaala.

41 comments:

  1. hmm.. koronang tinik, ako kagabi natinik sa sapsap na ulam ko. hehe.

    Ano na ba nangyayari sa gobyerno naten? anyway wala ko sa posisyon para husgahan ang bawat kampo,dahil naniniwala akong di naman sapat ang mga informasyong nakukuha anten sa media. Ayoko namang sirain ang araw ko sa pag cre create ng hapis sa dibdib ko dahil sa mga kaliwat kanang korapsyon at batuhan ng sisi sa television.The govt.are just showing the world how incapable they are.Nakaka discourage na ang mga balita ngayon sa telebisyon kya makapanood na lang ng spongebob maeentertain pa ko tatawa pa ko.:)

    ReplyDelete
  2. visiting back...no comment na lang about corona, gusto ko lang bumilis ang panahon para presidential election na ulit.

    ReplyDelete
  3. basta parang hnd maayos ang goberno natin ngyn, pero atleast nabawasan ang corruption..

    ReplyDelete
  4. ayusin ang sarili. para sa akin iyan ang sikreto para umunlad tayo bilang bansa. mahihiya na ang mga iyan kung maayos ang mamamayan. di ko sinasabing hindi tayo maayos, pero karamihan sa atin, wala sa kaayusan.

    pero kuya arvs, bilib talaga ako sa iyo gumawa ng tula. idol na kita.

    ReplyDelete
  5. sino kaya ang may suot nito? :)

    ReplyDelete
  6. sana nga ay magbitiw na siya...hehehe

    ReplyDelete
  7. Nice poem, Arvs! at sana mag resign na siya.

    thanks for the visit.

    ReplyDelete
  8. wag sya magresign para tuloy ang impeachment proceedings. mas madami tayong malalaman na mga kasalanan nila kung magkakaganun, may katapusan din ang kabalbalang pinaggagawa nila.

    ReplyDelete
  9. Hello po kuya! Added your blog na rin sa list ko :) Pakicheck nalang, nasa home page :)

    ReplyDelete
  10. ang hirap mag-comment about diyan kay Corona kasi ako updated sa politics natin. Congrats na lang Arvs sa mga poems na ginagawa mo. Nakaka-inspire at may aral :-)

    ReplyDelete
  11. isa lang ang gusto ng karamihan na sana'y humantong ang lahat ng pakikipaglaban para sa kabutihan at kaayusan ng bayan. nice bro

    ReplyDelete
  12. pano kaya tayo uunlad noh? eh ang mga nasa posisyon lang naman ang umuunlad galing sa atin yong pera lol hehehe (hindi ba ako makukulong sa pagbibintang ko hahaha)

    ReplyDelete
  13. Tama, isa kang KORONANG TINIK..hehe

    ReplyDelete
  14. @Yen..........haha.....wala yata iyan diyan na sapsap.....lagi ka nga yata sa restaurant kumakain,hehe.....magulo ang gobyerno kasi may oposisyon talaga.....ang media ang nagpapalaki sa isang usapin....hindi maiiwasan ang korapsyon........lagi mo iyan mababalitaan....

    ReplyDelete
  15. @michi.......ok.....matagal pa ang eleksyon.........nakakainip din ang paghintay doon lalo na ang mga botante kasi may pera sa eleksyon....siyempre bilihan ng boto,hehe.....

    ReplyDelete
  16. @mommy-razz........mas maayos naman kaysa nakaraang administrasyon......takot ang mga corrupt ngayon na mangurakot talaga.....kung gumawa man ay lihim lang....hehe.....

    ReplyDelete
  17. @Rence...........tama ka.....pero kung ilang tao lang ang mag aayos ng sarili ay wala ring saysay.....hindi naman mangyayari na lahat ng tao ay mag aayos sa sarili.....salamat kung ganun..

    ReplyDelete
  18. @Spiky...........walang nagsusuot niyan kasi makakasakit.....ang mga corrupt dapat ipasuot iyan....

    ReplyDelete
  19. @JaY RuLEZ........sana nga.....pero parang astig yata siya......tingnan na lang natin kung makaya niya ang akusasyon at pagpapakita ng ebedinsya ng prosecution.......

    ReplyDelete
  20. @eden..........malalaman natin sa mga susunod na araw kung magreresign talaga siya o hindi......

    ReplyDelete
  21. @aboutambot.........tahimik nga siya ngayon.....hindi nagsasalita parte sa impeachment.........baka kung malaman lang natin ang mga tinatago niya ay lalo tayong magalit,hehe....kaya mabuti ng magresign siya kasi di pa mabubulgar ang mga tago niyang kayamanan na lalong ikahihiya niya.....anyway kung mag resign siya ay uusigin pa rin naman siya....

    ReplyDelete
  22. @Algene...............ganun ba.....salamat naman kung ganun.....tingnan ko iyan....

    ReplyDelete
  23. @Sam D..........ic.....di ka pala mahilig manood ng news tungkol dito sa bansang Pilipinas diyan sa lugar mo.....ok din iyon para wala kang maikainis......

    ReplyDelete
  24. @Keatodrunk.........may kahahantungan na maganda ang mga layunin ng ating pangulo.....kapag ma impeach na si Corona ay tiyak ang iba ay matatakot ng gumawa ng labag sa batas.....

    ReplyDelete
  25. @quin..........parang walang pag unlad na mangyayari sa ating bansa......dahil ang mga corrupt ay hindi mawawala.....hindi ka makukulong....totoo naman ang sinasabi mo......

    ReplyDelete
  26. @Nakamuraka..........siya at hindi ako,hehe...

    ReplyDelete
  27. a new visit here.,

    Rshegards
    Djawa

    ReplyDelete
  28. hay naku, ano na ba nangyayari sa bansa natin..

    a visit from the kim Teller!

    ReplyDelete
  29. wala na atang mangyayari sa bansa natin hahaha sariling sikap nalang tayo nito hehehe

    ReplyDelete
  30. Dropping by, Arvs. Have a nice day!

    ReplyDelete
  31. @Djawa........thanks for visiting my blog....

    ReplyDelete
  32. @simply kim.........katulad pa rin ng dati.......ang mga corrupt ay gustong maparusahan ng corrupt din......

    ReplyDelete
  33. @quin............talagang wala na......dahil ganun din sa susunod na administrasyon.....

    ReplyDelete
  34. @eden..........thanks sa muli mong pagbisita sa blog ko....

    ReplyDelete
  35. hay ang gulo..daming issue sa gobyerno...sana mag focus nalang sila don sa mga na apektuhan nang baha sa mindanao...:(

    very interesting poem Arvin...ang galing!

    ReplyDelete
  36. tinik ng gobyerno...nang umulan ng kapal ng mukha, sinalo nya ata lahat.

    ReplyDelete
  37. for me, harapin niya ang impeachment process

    ReplyDelete
  38. @Dhemz..........talagang magulo..... kung sakali man ma impeach o mag resign si Corona ay ibang issue na naman.....ibang tao na naman ang magiging paksa sa mga news na tao dati ni GMA.....

    ReplyDelete
  39. @REYAH............hehe.....kasi makapal din yata ang mukha niya.....hahanga ako sa kanya kung harapin niya ang impeachment....

    ReplyDelete
  40. @reese..........kahit harapin niya ang impeachment at maipagtanggol niya ang sarili sa mga prosecutor kung ang hatol ng mga senador ay dapat siyang ma impeach ay wala ring saysay ang ipinaglaban niya.....

    ReplyDelete
  41. Napakabait ngang kaibigan si Dhemz. Ako man ay pinadalahan niya nang maraming souvenir items nuong pasko. Mabibilang ko si Dhemz na isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa blog world. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

    ReplyDelete