Friday, July 22, 2011

Tunay Na Ligaya

Ang kasama ko po na babae ay blogger din po. Mula po siya sa Manila. Sa mundo ng blog ko po siya nakilala. First time ko po na makipag meet ng isang tao na may blog din. Nagkita po kami sa mall na Robinson sa Tacloban City noong June 30, 2011. Ang pangalan niya po sa mundo ng blog ay Yen. At ang mga blog niya po ay
http://business-ito.com/
http://www.2timersally.com/
http://www.curious-b-b.com/
and http://recyledthoughts.blogspot.com/

"Sa buhay ko, alam ko marami akong mali. Di ako perpekto, pero nagsusumikap na magbago. Kung mayroon mang tama sa mga nagawa ko. Iyon ay nung pinili kitang maging parte ng buhay ko."


TUNAY NA LIGAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa piling mo natagpuan ko tunay na ligaya
Kapag kasama ka langit ang pakiramdam
Labis ang aking tuwa
Pumasok ka sa buhay ko.

Mga kabiguang natamo sa iba
Sakit na naidulot nila sa akin
Sugat sa puso ko ay naghilom
Dahil sa pagmamahal mo sa tulad ko.

Tinuwid ko ang aking buhay dahil sa iyo
Sa magandang direksyon na patungo
Nais ko na kung anong pagkatao mayroon ka
Ganun din ako dahil mahal kita.

Sa iyo wala akong idudulot na sakit
Pagkat karamdaman mo, karamdaman ko din
Lahat ay gagawin ko alang-alang sa iyo
Huwag ka lang mawawala.

Wala na ako mahihiling pa
Pagka't ikaw ay para ko na ring kayamanan
Makakaasa ka sa akin
Puso ko sa iyo lamang.

38 comments:

  1. Love is in the air :P Good luck sa bago mong pagibig Arvs.

    ReplyDelete
  2. masaya ako para sau pareng arvin...

    ReplyDelete
  3. ano yan lumalablayp? ano ginagawa mo sa tacloban? taga tacloban din ako!pero nasa ibang ibayo ako ngayon.

    ReplyDelete
  4. ayay! she used to visit my blogs before....kau na ba for sure?! hehehe....happy for you both!

    ReplyDelete
  5. tee-hee <3 looks like love is in the air!

    ReplyDelete
  6. wow..sweet...pag-ibig nga nmn oo... :D

    ReplyDelete
  7. Maganda siya at siya pala ang dahilan nang biglaan mong pagbabago. Sana nga ay mayroong magandang mangyari sa inyong dalawa. Ang buhay ay hindi natin kayang arukin. Tanging ang Diyos lamang ang Siyang magtatakda nang ating mga kapalaran. Maraming salamat sa makabuluhang lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

    ReplyDelete
  8. Wow ! si yen diay na..I know her, Arvs.. nag eyeball pala kayo..nice naman..parang love is in the air na..hehehe

    ReplyDelete
  9. @Umma.............yes, love is in the air talaga para sa amin..na inlove ako sa kanya sa simula pa lang..kaya nga nakipagkita talaga ako sa kanya ng pumunta siya ng tacloban..

    ReplyDelete
  10. @jedpogi...............salamat kung ganun..may maganda sanang kahinatnan ang nasimulan namin..

    ReplyDelete
  11. @iya_khin...........madalas ako sa tacloban.....talaga taga tacloban city ka..saan ka sa tacloban..kailan ka uuwi..kita tayo pag uwi mo,hehe..

    ReplyDelete
  12. @Dhemz.............ganun ba..madalas din siya mag ikot ikot sa ibang mga blog..nag aadvertize po siya sa blog niya.....panahon lang po ang makapagsasabi kung kami na nga talaga..at malalaman mo iyon,hehe..

    ReplyDelete
  13. @MC...............opo....pag ibig na nagsimula dahil sa blog......nais mo bang maranasan ang ganito..tell me,hehe...

    ReplyDelete
  14. @supergulaman.............kahit malayo basta pag eyeball ay gagawa talaga ng paraan para magkita..masaya ako sa aming pagtatagpo..

    ReplyDelete
  15. @kikilabotz............always inlove..i love her so much..haha..

    ReplyDelete
  16. @Mel Avila Alarilla.........maganda nga po siya..simple lang ang kagandahan niya pero nakakaakit..sa pagkikita namin pakiramdam ko talaga parang matagal ko na siyang kakilala talaga..walang kaba akong naramdaman hindi katulad ng iba kong pakikipag eyeball sa mga nakakatext noon,hehe...

    ReplyDelete
  17. @Ishmael Fischer Ahab..........nag eyeball nga po kami..sa wakas nakapag post na rin ako ng pagkikita sa kapwa may blog..madaming blog na rin kasi akong nakita na nag post picture kasama ang may blog din..pagkikita kita ng kapwa bloggers..at tiyak masusundan pa ang pagkikita namin..

    ReplyDelete
  18. @eden...........opo siya po si yen..siguro kilala mo din siya dito sa mundo ng blog..hindi ko talaga palalampasin ang hindi siya makita ng pumunta siya ng tacloban..gumawa talaga ako ng paraan para siya makita..salamat naman at ganun din siya..

    ReplyDelete
  19. Hi, Arvs! Thank you for the visit. Have a great week.

    ReplyDelete
  20. congratzzzzzz
    masaya ako para sa iyo...!!!
    woohooo

    ReplyDelete
  21. weee! kaka-in love naman.. hehe
    pareho ko pa kayong ka-link exchange, eh. at ka blog-walking...

    i'm happy for you both.. :)

    ReplyDelete
  22. REALLY?? wow! that's really great!! i follow you both in the blog sphere guys. i really wish you luck!!

    a visit from kimmy!

    ReplyDelete
  23. Sana ma-meet din kita in person someday at makapagpa-picture at autograph sayo :)

    ReplyDelete
  24. Wow buti pa kayo at nag eye ball na ^_^ Her name is familiar..hmmm good looking couple, sana kayo na at nang magpiyestahan tayo dito sa blogland ^_^

    ReplyDelete
  25. Frend, Maganda ang gawa mong Tula,salamat. Kaya Lang po di ako kumportable sa mensahe, knowing that I'm already taken. Sana maintindihan mo. Sa puso ko hangad ko na matagpuan mo na ngang talaga ang makapagbibigay sayo ng tunay na ligaya.D nman malabong mangyari yun kasi mabuti kang Tao, talentado at matalino. ciao.:)

    ReplyDelete
  26. @eden............okey..always naman talaga kitang pinupuntahan basta ako mag blog hop..kumusta..

    ReplyDelete
  27. @cLai...........salamat naman kung ganun..salamat at may malasakit ka sa akin..

    ReplyDelete
  28. @scribbler...........ganun ba..thanks po...pasensya na kung minsan na lang ako makapunta sa blog mo.....

    ReplyDelete
  29. @simply_kim........salamat sa pag follow mo sa amin dito sa mundo ng blog..ako din sinusubaybayan ko ang blog mo..

    ReplyDelete
  30. @Bambie dear.......umaasa din ako na balang araw ay ma meet kita..hindi naman ako artista para ka mag pa autograph,hehe..pero kung iyan ang gusto mo puwede......madami pa,hehe..

    ReplyDelete
  31. @Kim, USA...............siya ang una kong naka eyeball na may blog..sana masundan pa..may ma meet pa akong blogger.........ewan ko lang..malabo yata..

    ReplyDelete
  32. hummm huli talaga ako lagi sa balita but anyway I'm happy you both. May God bless your relationship always.

    ReplyDelete
  33. wahehehe...nakaka intriga talaga kau...aminin na kasi...infairness ha...bagay kau.....:)

    ReplyDelete
  34. Wow... i smell something here .. Good luck.

    ReplyDelete