Wednesday, May 11, 2011

Yapak

"Ang bawat isa ay mayroon pag-asa. At ito ay malaman kung saan siya patutungo."
YAPAK
Ni: Arvin U. de la Peña

Magpakalayo ka
Sundin ang gusto mo
Hayaan lang sila
Pagtagal uwi ka.

Lasapin ligaya
Sa kanila wala
Isipin bukas mo
Makamtan ginhawa.

Huwag mag-alala
Sila di makita
Papel ay marami
Puwedeng sulatan mo.

Sa buhay ng tao
Pag-iwan kasama
Habang buhay hindi
Kapiling mo sila.

Yapak mo paglayo
Pagbalik pareho
Kayabangan wala
Pagkat iwasan ka.

49 comments:

  1. Kaya nga sabi nila, gawin mo ang magpapasaya sa yo :) Habang may buhay, may pag-asa :)

    ReplyDelete
  2. Agree ako dyan ... Kung san ka liligaya don ka :)

    ReplyDelete
  3. hehehe..hindi ako nakafocus sa tula...nakuha ng picture mo ang attention ko..hehe.astig!

    ReplyDelete
  4. tama..kung san ka masaya go!

    nagulat ako s kanta hehehe

    ReplyDelete
  5. To each his own..ika nga..so kon saan ka happy.. go for it.

    ReplyDelete
  6. wonderful poem kuya..
    good am.done following you

    ReplyDelete
  7. bigla ko na nman naalala ang mga taong malalapit sa puso ko na kamakailan lamang ay yumao...
    ang buhay tlg...may aalis na kailanman ay dna babalik:(

    madalas ko tuloy itanong...bakit ba ganon, parang madaya...

    ReplyDelete
  8. masasab ko lang astig ng bagong header. ayos

    ReplyDelete
  9. Lahat nang tao ay nagpapasiyang lumayo paminsan minsan. Ito ay para tuklasin ang kahulugan nang buhay. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

    ReplyDelete
  10. ummm...post holyweek post...ahehehe..puro post ako ah... :)

    pero yun yung una kong naisip ng makita ko yung picture...si annie batongbakal..ayun nagulat na naman ako..saan ba ako magkokoment..sa background music..sa picture..sa tula...

    ahhh..hindi...sa lahat na lng...

    Si Annie Batongbakal hindi talaga mahilig sa disco..sa beach sya mahilig..footprints nya yan... ahehehe...

    pero seryoso..kahit saan ka man tumungo...may bakas at alaala kang maiiwan... para sa iyo at sa mga nakibahagi sa buhay mo... :)

    ReplyDelete
  11. @Bambie dear..........tama ka diyan..may mga tao na kahit pigilan sa nais nila ay hindi nagpapaawat..kasi susundin nila talaga ang tawag ng puso nila na magpakalayo at hanapin ang kung anuman ang gusto nila sa buhay..

    ReplyDelete
  12. @wOrkingAthOmE.........salamat sa pag agree..at sa pag alis para sa tingin niya doon ay sasaya siya ay may malulungkot naman sa kanyang iiwanan..ganun ang buhay..mahirap ipaliwanag..

    ReplyDelete
  13. @Akoni...........haha...ganun ba..ilang taon din bago ko pinalitan ang header ng blog ko......ayos naman at may mga nagkagusto sa ibang style na ang makikita..

    ReplyDelete
  14. @JaY RuLEZ..........yup..maganda kung sa pag alis para tumuklas ng bago sa buhay ay walang kumukontra..kasi kung may hindi sasang ayon ay may makakasamaan ka ng loob..

    ReplyDelete
  15. @Umma...........tama ka diyan..kahit na ba alam mong sa pag alis ay may maiiwan kang tao na mamimiss ka....pero sa ngayon ay ayos lang kung umalis man pansamantala sa lugar kasi madali na ang communication..may cellphone na..internet..webcam at kung ano pa..

    ReplyDelete
  16. @emmanuelmateo.......salamat sa pag follow mo sa blog ko.....ikinagagalak ko iyon..

    ReplyDelete
  17. @imriz..............ang buhay natin sa mundo ay hiram lang..sa kabilang buhay doon ay magkikita kita din naman..may hangganan ang lahat sa daigdig..

    ReplyDelete
  18. @kikilabotz...............hindi lang ikaw kundi pati pa ang iba ay ganun din ang reaksyon sa bagong header ng blog ko..hindi ako nagkamali na pinalitan ko..

    ReplyDelete
  19. @Mel Avila Alarilla...........so true ang iyong sinabi..minsan nga lang ay pera ang dahilan para kung nais mang lumayo para tumuklas sa bagong buhay ay hindi nagagawa..masuwerte ang mga tao na may pera talagang nakalaan para kanila sakali mang pumunta sa ibang lugar..mahirap sa ngayon ang makipagsapalaran lalo na kung wala kang pera..isa pa delikado sa mga taong masasama..hindi ka safe sa ngayon kung maglakad lakad ka sa ibang lugar kasi madami ang nag tritripings..

    ReplyDelete
  20. @SuperGulaman...........tama ka diyan..kasi sa lugar na iiwan ng isang tao doon ay may mag alala siya.....may mga nakaibigan na tao na hindi alam kung sa pag alis ay makikita pa sa kanyang pagbalik..at hindi rin alam kung sa pag alis ay hindi na makakabalik..maraming salamat sa sinabi mo tungkol sa bagong header ng blog ko..sa kanta na annie batongbakal..maganda ang kanta na iyon lalo na kung nasa inuman o kaya sa party..

    ReplyDelete
  21. wala pa ko nag-basa kasi nag blogg walk lang po ako...anyway exchange link? why not..add ko links mo...add mine too...happy weekend...

    ReplyDelete
  22. Alam kong nakapag comment na ako dito kaya lang baka nabura dahil sa problema nang Blogger. Anyway, lahat tayo ay lumalayo paminsan minsan lalo na't ang mga pangyayari sa ating buhay ay hindi na natin makayanan at maunawaan. Kailangan ang pansamantalang paglayo para mapagmuni muni ang mga pangyayari. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

    ReplyDelete
  23. Ang gand ng tula mo. Will share this on FB. ^_^

    ReplyDelete
  24. @Bambie dear..................tama ka..kasi buhay ang pinag uusapan..kaya lang minsan sa pag alis may nalulungkot kasi hindi na makikita ang mga tao na naging malapit sa puso mo..

    ReplyDelete
  25. @wOrkingAthOmE................salamat sa pag agree.....minsan ginagawa talaga ang pag alis sa isang lugar para sa ibang pupuntahan ay mahanap ang saya na wala sa unang lugar..

    ReplyDelete
  26. @Akoni..............ganun ba..ilang taon din bago ko napag isipan na palitan ang header ng blog ko....di ko alam kung ibabalik ko pa ang dati..

    ReplyDelete
  27. @JaY RuLEZ..............pero sa pag alis ng isang tao para sa kasiyahan niya ay may nalulungkot..kasi may naiiwan siya..madami din talaga ang nakapansin sa kanta na annie batongbakal....

    ReplyDelete
  28. @Khim................ok....sige add ko ang blog mo sa blog list ko..tingnan ko sa blog mo ang blog site ko..

    ReplyDelete
  29. @Mel Avila Alarilla............maraming salamat sa sinabi mo at sa pangalawa mong pag comment..nabura nga po..di ko alam bakit ganun minsan..siguro last year ay nangyari din ang ganun..tama ka diyan..sa lugar na nais puntahan ay doon baka talaga mahanap ang ikasasaya..may mga tao din na kapag nabibigo sa kanilang nais ay lumalayo talaga dahil sa hindi matanggap na kabiguan at sa lugar na pupuntahan doon ay subukan baka makamit ang hangad..

    ReplyDelete
  30. @Ishmael Fischer Ahab..........salamat at nagandahan ka sa tula kong ito na sinulat..okey share mo sa facebook..

    ReplyDelete
  31. ang galing mo talaga gumawa ng tula..

    ReplyDelete
  32. Pero ang yapak ay hinde dapat kalimutan. Minsan ito din ay dapat tingnan. Dahil ito minsan ay nakapagdala nang walang hatid na kaligayahan lol!! Naka pag tula na ba ako? Hahahaha! Thanks sa bisita!

    ReplyDelete
  33. ikaw ba yung nasa header na picture? hehe, nice. Lapit na ko umuwi ng tac, yehey! kita tayo.busy ang lola mo this fast few weeks kaya ngayon lang ako nakadalaw sa site mo, anyway makapag comment na sa tula mo, hehe.. Yapak - habang maaga pa at may time pang gawin ka ang mga panagarap mo, do it now, para maiwasan ang pang hihinayang sa bandang huli, na sana ginawa mo na to at yun ng kaya mo pa. :-)

    ReplyDelete
  34. Mahalaga na gamitin natin ang buhay na hiram natin sa DIYOS! Habang may buhay, may magagawa pa tayo... Tnx for sharing, bossing! =)

    ReplyDelete
  35. Galing mo Arvs.. nice poem again. Sorry for the late visit. may problema yong internet connection namin at kanina pa na ayos.

    Have a good week.

    ReplyDelete
  36. @mommy-razz.........maraming salamat mommy sa iyong sinabi..it makes me inspire..

    ReplyDelete
  37. @Kim, USA...............tama ka..may kasabihan nga na ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan..kahit paano kung man ay narating na ang nais sa buhay mas mabuti pa rin na lingunin ang ating pinagdaanan..ang mga naging kaibigan sa lugar na iniwanan ay paminsan minsan ay bisitahin pa rin..kahit minsan lang..

    ReplyDelete
  38. @Yen..........oo ako ang nasa header..ginawa ang pag picture niyan ng kaibigan ko sa socian night ng pag alumni namin..mga 2 am ay lumabas na kami ng school at pumunta sa boulevard na nasa gilid ng dagat..kumain at nag inom uli..ilang araw ka sa tacloban..

    ReplyDelete
  39. @isp101............unang una salamat sa pagbisita mo sa blog ko at pag comment sa sinulat kong ito..di ko alam kung kaninong blog ka dumaan at napadpad sa blog ko..oo nga..pero mas maganda talaga kung ang buhay natin na hiram sa diyos ay pawang sa kabutihan ginagamit..kaso hindi eh, may mga tao na ang buhay nila ay sa kasamaan ginugugol at doon ay nakakaperwisyo ng kapwa..

    ReplyDelete
  40. @eden...........thanks..dito din noong isang araw nagkaproblema..mahina din ang connection..pati na ang sa blogger..nawala ang ibang mga comment sa post kong ito..

    ReplyDelete
  41. Salamat sa pag bisita sa site ko. magandang tula. Tamang sundin ang magapapasaya sa iyo. :)

    ReplyDelete
  42. hanglalimmmmmm.....sisirin...

    kung saan ka masaya suportahan taka!

    ReplyDelete
  43. Wow, ganito ba talaga ang buhay.. Sana nga..

    ReplyDelete
  44. Hey Arvin: Pwede kitang tulungan mag tweak sa blog mo.. or let's make it more presentable.. Assure you walang mawawala sa post mo.. and friends..

    ReplyDelete
  45. @mayen..............walang anuman iyon...salamat rin sa iyo at pinuntahan mo ang blog ko..tama ka..kung saan masaya ay doon pumunta..

    ReplyDelete
  46. @ayu...........kumusta ka na..siguro busy ka lagi diyan..

    ReplyDelete
  47. @iya_khin............hehe...hindi naman masyadong malalim......kung magaling sumisid ay tiyak hanggang sa kaibuturan ay kayang masisid..salamat naman kung ganun..masarap pala ang maging kaibigan ang tulad mo kasi sumusuporta ka talaga..

    ReplyDelete
  48. @tim..............salamat po..tingnan ko lang po..

    ReplyDelete
  49. tamaaaaa! kaya wag malaman nang pag asa....there's always a light at the end of the tunnel.

    ReplyDelete