Saturday, June 5, 2010

Bagong Kasal

"For better, for worse, for richer, for poorer; in sickness and in health; to love and to cherish, till death do us part."


BAGONG KASAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Nagkakilala, nagligawan, nagmahalan, nagpakasal
Hangad ko ang tagumpay
Ang pagsasama ay hindi mawasak
Yumabong nabuong pag-iisang dibdib.

Magkakapamilya at magkakaroon ng mga anak
Sa mga kakaharaping problema
Huwag panghinaan ng loob
Upang laging matibay ang samahan.

Isipin lagi ang kapakanan
Nang pinagsama na buhay
Alalahanin na marami ang umaasa
Maging matagumpay ang bagong kasal.

Bilang parte ng komunidad
Maging mabuti kayong ehemplo
Iwasan niyo ang makapag iskandalo
Hindi iyon maganda sa pandinig.

Maghanda lagi para sa kinabukasan
Huwag na maging maluho
Iba pa rin ang sa oras ng kagipitan
May nadudukot dahil nag-ipon.

55 comments:

  1. kya maas maiging kilalanin ang kapares bago mgpatali sa isa't isa...

    ReplyDelete
  2. Minsan dapat matuto ang sinuman na kilalanin ang kabuuan ng kabiyak bago maganap ang isang seremonyas na walang makakapaghiwalay sa kanila. ^^

    ReplyDelete
  3. ang pinakamasakit na mararanasan ng bawat mag-asawa ay ang pangangaliwa ng bawat isa. Ito ang malimit na dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa. Tsaka okay rin iyong bukod sa mag-asawa kayo magkaibigan din turingan niyo. No lies! because a marriage that build in lies will never be a successful one.

    ReplyDelete
  4. Aww... what a lovely poem parekoy. Umm sinong ikakasal? ikaw? XD

    To love someone deeply gives you strength. Being loved by someone deeply gives you courage.

    ReplyDelete
  5. Base nanaman. :]
    buwan nanaman ng pagpapakasal.
    ako kaya, kaylan ikakasal? haha 16 pa lang ako mga 8-10 yrs pa cguro :]

    ReplyDelete
  6. i truly agree with this.. :) buwan na naman ng pagpapakasal! :D

    ReplyDelete
  7. Kahit ganun man katagal ang relasyon nyo pag di ma nakasama sa isang bubong , di pa din makilala ang kapares natin.. I do believe in marriage pero sa panahon ngayon lalo na sa western and european countries wala na yta halaga sa knila ang kasal, in a year or maximum 3 years divorce na.. Sabagay para ano pa magsama kung di naman nagkakaintindihan..

    Thanks for dropping by my blog Arvs.. :)

    ReplyDelete
  8. Para kanino kaya itong tula mo? Siguro hindi naman sa iyo ano? O baka sa iyo nga? Anyway, ang payo mong iyan ay kapupulutan nang aral sa mga bagong kasal. Kapag tapos na kasi ang honeymoon ay duon naguumpisa ang tunay buhay magasawa. Malayo ang lalakbayin kaya kailangang magkaagapay nilang tuntunin ang landas tungo sa tunay na kaligayahan. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

    ReplyDelete
  9. before getting married make sure you are marrying the right person. Nice poem again Arvs. Thanks for sharing

    ReplyDelete
  10. yes i totally agree with JAG, kahit sa pagkakaron ng BF/GF, we need to know each other first at wag maging mapusok at padalos-dalos sa gantong klaseng desisyon...

    ReplyDelete
  11. salamat sa pasyal kaibigan... sa englis .... knwing someone for a quite a time and living with someone for quite a while .. ay dalawang magkaibang bagay .... kaya. kilalanin....

    ReplyDelete
  12. @Jag................tama ka diyan..dahil kapag ikaw ay nagpakasal sa isang tao ay pinakasalan mo na rin ang ugali niya..kilalanin talagang mabuti ang ugali niya bago magpakasal..kasi may mga pagkakataon na kapag kasal na ay lumalabas na ang tunay na ugali ng isang tao..dahil doon ang kabiyak ay nabibigla......dahilan para magkaroon ng pag aaway minsan..

    ReplyDelete
  13. @Sasarai...........katulad ng sinabi ni Jag ay dapat ganun nga talaga..para naman walang sisihan na mangyayari pagtagal dahil alam ng mayroong ugali na ganun..halimbawa na lang kung nalalasing ay mahilig mang away,hehe..

    ReplyDelete
  14. @SAM...............sobrang sakit nga kung nangaliwa ang isa kasi ibig lang sabihin ay parang may kulang sa kabiyak o kaya may hinahanap pa na higit sa binibigay ng kabiyak..napakarami ng ganun ang nangyari.....may mga paghihiwalay talaga na dulot ng isang tao..

    ReplyDelete
  15. @fiel-kun............maraming salamat..sinulat ko lang po ito para sa mga tao na ikakasal..

    ReplyDelete
  16. @Renz.............buwan nga ngayon ng mga ikakasal..basta kapag june ay marami talaga ang mga ikinakasal..pag mag 18 ka na ay puwede ka na pakasal,hehe..

    ReplyDelete
  17. @nice...........thanks rin po sa iyo..kumusta ka naman..siguro ngayong pasukan ay katulad pa rin ng dati ang mga grades mo sa school na pawang matataas..

    ReplyDelete
  18. @charmie.............sa ngayon ay bihira na talaga ang ikinakasal na pangmatagalan talaga......lalo na sa ibang bansa..kapag ikinasal ngayon ay baka sa isang buwan ay divorce agad..parang nagtikiman lang talaga,hehe..mas maganda talaga na ang dalawa ay nagkakaintindihan para walang alitan na mangyayari..

    ReplyDelete
  19. @Mel Avila Alarilla...........wala po akong hinahandugan ng tula na ito..sinulat ko lang po ito......at dahil dito ay angkop ito para sa mga tao na ikakasal..masisiyahan po ako kung ang ikakasal nga ay magkaroon ng aral sa sinulat kong ito..maunawaan niya at maintindihan ng mabuti ang kahalagahan ng isang mag asawa..

    ReplyDelete
  20. @eden................oo nga..para naman walang pagsisisi sa huli..habang hindi pa kasal at magkasintahan pa lang ay alam na ang ugali ng magiging kabiyak..

    ReplyDelete
  21. @Ailee Verzosa.............dapat ganun..kasi ang pagpapakasal ay hindi kanin na kapag nilunok mo ay puwede mong iluwal,hehe..siguraduhin talaga na ang magiging asawa ay nasa kanya na ang katangian na gusto mo sa isang tao..

    ReplyDelete
  22. @Vernz..............walang anuman iyon..salamat din sa pagpunta mo sa blog ko..yes dapat kilalanin talaga dahil hindi biro ang pagpapakasal..

    ReplyDelete
  23. Akala ko ikaw na ikinasal dito sa entry mo. Tagal ko din kasi di na nakakadalaw dito. hehe, left behind na ang drama ko.
    Naalala ko lagi yung sinasabe ng lolo ko about pag aasawa. Sabi niya "di ito kaning pag isinubo at napaso ay iluluwa mo". (Hays ang intindi ko dito ngayon, kung ayaw mo mapaso kaning bahaw nalang kainin mo.. hehehe)

    ReplyDelete
  24. Hi Arvs,

    Just dropping by to say thank you for the visit. Greatly appreciated.

    ReplyDelete
  25. kinasal ka na? hehe

    I pray that God will lead me to the right girl hehe

    ReplyDelete
  26. para kanino to ha? para kanino? sayo? pag kasal na--taking the relationship to the next level na talaga yan. at wala nang atrasan so kahit anung mangyari , better stick it out on each other talaga.

    ReplyDelete
  27. ikakasal ka na brad? hehehe.

    ReplyDelete
  28. napakalalim naman ng tulang ito...parang based-on experience...ehehhee....joke....:)

    kami escape nayong ligawan...ala nang ligawan sa amin ni hubby eh....lol!

    thanks for sharing this poem Arvin....thumbs up!

    ReplyDelete
  29. @Yen...............hindi po ako ang ikinakasal dito..dahil tapos na akong ikasal,hehe..joke..mabuti nga bahaw na lang kasi hindi pa mapapaso..ang isang mahirap at di maganda sa pag aasawa ay kung hindi inaalam ang tunay na pagkatao ng mapapangasawa..kapag ikasal ka ay dadalo ako ha......imbitahin mo ako at bigyan kita ng pasalubong na maraming binagol,hehe..

    ReplyDelete
  30. @ayu..............lahat tayo ay nangangarap talaga na ikasal at magkaroon ng sariling pamilya..ang masakit lang ay kung may mabubuo na ngang pamilya tapos mag aaway na at dahilan para maghiwalay..pagtagal mauunawaan mo rin ang kahalagahan ng isang relasyon na nangangarap talaga na magkaroon ng mabuting pamiya..

    ReplyDelete
  31. @eden...................walang anuman iyon....maraming salamat din sa pagpunta mo dito sa blog ko..

    ReplyDelete
  32. @Sendo................hindi pa po ako ikinakasal sa simbahan....sana nga makatagpo ka ng isang babae na talagang hanap mo at nasa kanya ang katangian na hinahanap mo..

    ReplyDelete
  33. @pusang kalye...........para po ito sa mga magkasintahan na ikakasal..handog ko ito sa kanila lahat........ang isang relasyon ay matibay talaga at matatag kapag may tiwala sa bawat isa..hindi nagpapadala sa mga sabi sabi ng iba na nakakasira talaga sa isang relasyon..

    ReplyDelete
  34. @goyo.............hindi po..malapit na rin,hehe..ikaw ikinasal ka na rin ba..

    ReplyDelete
  35. @Dhemz................thanks po..ha..ganun ba..hmmmmmmmmmmm.....baka naman nagsimula sa pag chat ang pagliliwagan niyo,hehe..palagay ko ganun..sa internet kayo nagkakilala tapos nagkita..joke lang..

    ReplyDelete
  36. Tama pala... buwan na pala ngayon ng mga ikakasal... tama! importanteng may ipon at di padalos dalos sa pagpapakasal lang... hehehehheheh

    ReplyDelete
  37. Syempre dapat sa hirap at ginhawa ay laging magkasama!

    ReplyDelete
  38. Beautiful poem Arvin!! I got married at the age of 38!! Through all my single years of course malapit na ding magpakasal at iba pa lol!! But I am so thankful that I didn't. You see getting married is not because of just this time but for the next time with your husband. When I was asked somebody to get married to him, I have doubts, my heart is not ready nor I love him that much that I would give my life to him. And I prayed hard to God for enlightenment as in seriously!! Then I listened my heart weight things and the result I turn down the proposal. It takes me 6 years to find my hubby. I look and I seek I pray hahahaha naranasan ko yan. At the end I am happy with my choice and thankful that I've waited.
    Sabi nga nang kaibigan kung pari, marriage is a vocation it's a call from God and you are responsible if things won't work out. Marriage is not how grandeur ang kasal mo but kung gaano ka bond kayong dalawa sa isat-isa. Na kung halimbawa isa sa inyo ang mawalan nang isang paa KAYA MO PA BA SIYANG MAHALIN?? That is marriage all about walang iwanan ika nga.
    When I got here in MI, my DH Aunt me one thing, she told me "kung nasaan daw ang kabiyak mo andoon ka", walang iwananan. Sabi ko mahirap naman yun pag ang asawa mo ay nagtrabaho sa malayong lugar. And she answered "that is your foundation of LOVE comes in". And she has the right to say it she and My DH Uncle where been married 62 years!!
    Marami kang sinabi dito sa tula mo na tumpak talaga! If e-elaborate mataas ang usapan pero yun nga Marriage is vow and a call. Thanks for the space.

    ReplyDelete
  39. Npaka-timely ng postmo. buwan ng pagpapakasal ngayon.

    Ayos!

    ReplyDelete
  40. @I am Xprosaic................buwan ngayon ng pagpapakasal.......bakit nga kaya sa june ang marami ang ikinakasal..mahirap nga talaga kung padalos dalos ang pagpapakasal..kasi baka madulas,hehe....dapat din may ipon..mahirap ng mangungutang pa para lang igasto sa pagpapakasal..

    ReplyDelete
  41. @Anney............dapat ganun..kahit ano ang pagbabago na mangyayari sa hinaharap ng kabiyak ay unawain..kasi gaya ng nasabi ko na kapag nagpakasal ka ay parang pinakasalan mo na rin ang ugali at magiging asal ng mapapangasawa mo..

    ReplyDelete
  42. @Anney............dapat ganun..kahit ano ang pagbabago na mangyayari sa hinaharap ng kabiyak ay unawain..kasi gaya ng nasabi ko na kapag nagpakasal ka ay parang pinakasalan mo na rin ang ugali at magiging asal ng mapapangasawa mo..

    ReplyDelete
  43. @Manang Kim............marami pong salamat..salamat rin sa pagbahagi mo sa iyong naging kapalaran ng tungkol sa pag ibig......di nga importante kung bongga ang pagpapakasal..ang mahalaga ang ikakasal ay magsasama talaga sa hirap at ginhawa man..marami ang ikinasal ng bongga tapos pagtagal ay maghihiwalay rin lang..mabuti naman at naging matagumpay ka sa pagpili ng makakasama mo sa buhay..

    ReplyDelete
  44. @Goryo...............oo nga..siguro kung hindi ngayon June baka hindi ko ito naisulat,hehe..

    ReplyDelete
  45. Alam mo Arvs, sa lahat ng nagustuhan kong tula mo, ito ang "PINAKA" sa lahat ng nagustuhan kong mga tula mo.
    Ang galing mo talaga. :)

    ReplyDelete
  46. mabuhay ang bagong kasal! bow! hehe

    ReplyDelete
  47. dapat alamin lahat ng ugali ng bawat isa.. Dapat di mag padalos dalos.. mahirap na.. kumusta na parekoy?

    ReplyDelete
  48. Hi Arvin. Naku! naalala ko tuloy noong ako'y ikinasal. June nga pala din yon.huh huhhuh...

    ReplyDelete
  49. @Hi I'm Grace........thank you very much for what you said....nakakataba ng puso ang iyong sinabi.....may mga tula ka pang mababasa sa blog ko sa mga darating pang mga araw..baka ang pagkagusto mo sa sinulat kong ito ay mahigitan,hehe..

    ReplyDelete
  50. @edxaii............mabuhay talaga sa kanila......tuparin sana nila ang naging sumpaan nila na magsasama talaga sa buhay kahit ano pa ang mangyari..

    ReplyDelete
  51. @tim.........dapat talaga..hindi maganda kung pagtagal ay maghihiwalay lang..kawawa ang mga anak nila sakali na maghiwalay man..

    ReplyDelete
  52. @Nanaybelen..........ganun ba..matagal na siguro na nangyari iyon,hehe..

    ReplyDelete
  53. http://i122.photobucket.com/albums/o248/akesha_2006/012.jpg

    http://i122.photobucket.com/albums/o248/akesha_2006/029.jpg

    http://i122.photobucket.com/albums/o248/akesha_2006/013.jpg

    Hi Arvi, ito pala yung mga links ng mga photos....let me know if you don't like them...ehehehe....yan lang kasi naisip ko eh....sensya na po.

    ReplyDelete
  54. @Dhemz.................ok..tingnan ko po tapos ipost ko agad.......marami pong salamat sa pagpayag mo uli..

    ReplyDelete