Monday, March 29, 2010

Yaman

"Money is kind of a base subject. Like water, food, air and housing, it affects everything yet for some reason the world of academics thinks it's a subject."

Likas na sa mga tao na kalalakihan na kapag nagkaroon ng maraming pera ay nagpapakita ng kayabangan sa pamamagitan ng pera. Halimbawa na lang ay magpapainom, magpapakain, pupunta sa mga bar, magsusugal, at kung ano pa na noong wala pang pera ay hindi iyon ginagawa. Ang pera nga naman minsan nagdudulot ng malaking pagbabago para sa ugali ng isang tao.
YAMAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Simula pa man noon
Napakarami ko ng nakilala
Mga tao na mula sa mahirap
Yumaman paglipas ng ilang taon.

Pero sila ay naging mapagkumbaba
Hindi nila pinapangalandakan ang yamang nakamit
Kung ano sila noong mahirap pa
Ganun pa rin ng yumaman.

Hindi katulad mo na yumabang
Isinisiwalat mo ang iyong karangyaan
Pinapainggit mo ang mga tao
Sa napakarami mo ng pera ngayon.

Kung may interes ka man
Gawin mo sa tahimik na pamamaraan
Huwag ang dahil sa pera ang ipadama
Dahil ang yaman di nadadala sa kamatayan.

Magbago ka na sana
Itigil na ang pagyayabang sa kayamanan
Sapagkat may mga nagdududa pa rin
Kung bakit mo iyon nakamit.

46 comments:

  1. this once happened to me and my huny.. Those times that he was blessed in his work an over flowing income[ non exaggerating to!] But it was also the times na sobrang nasa rough road ang relationship namen.. Naging mayabang kasi. but now he learned his lesson and where ok na.. :D

    ReplyDelete
  2. Korek ka jan. Wala eh wala tayong magagawa. May mga bagay din kasi tayong bilhin.

    ReplyDelete
  3. Sorry.. KAILANGAN palang bilhin hehehe.. :)

    PLUG lang po: http://techykikay.blogspot.com

    ^^

    ReplyDelete
  4. sana nga hindi na naimbento ang pera...

    ReplyDelete
  5. pag may pera kz, usually mas pinaniniwalaan, mas malakas ang impluwensya. Parang kaya na nilang gawin lahat! Pero darating din nmn yung time na pagsisisihan nila lahat kung hindi man pagbayaran. God is fair...and He has His plans in time! ;)

    ReplyDelete
  6. ganun talaga buhay, eh kung gusto mo mag tipid,lalo ka pang gagastos.. hahai, ako nga, kailangan na bili ng gamit, but naku hirap ng pera..

    nice post man.. happy holy week. sayo!

    ReplyDelete
  7. korek! ang buhay nga naman talaga...pag wala kasing pera mahirap mag survive...


    ***
    salamat pala sa dalaw at comment....oo, mahilig si papa sa mga manok...at sumasali din sya sa mga derbies...minsan natatalo...ehehhee!

    ReplyDelete
  8. Ang taong naghahambog sa kanyang kayamanan at nananatiling bulag sa pangangailangan nang iba na nakikita niya ngunit hindi tinutulungan ay nakamit na ang kanyang gatimpala dito sa lupa ngunit sa kabilang buhay ay siya naman ang magdurusa. Kaawa awa ang magiging kalagayan niya kapag siya ay humarap na sa paghuhukom at hindi niya mapapakinabangan ang kayamanang labis niyang pinahalagahan. Salamat sa makabuluhang artikulo at tula. Pagpalain ka sa tuwina nang Diyos.

    ReplyDelete
  9. Ang pera talaga ang ugat ng kasamaan dito sa mundo...

    Ang kayamanan ay dapat binabahagi sa kapwa, hindi pinagkakait or pinagyayabang...

    nice poem Arvin ^_^

    ReplyDelete
  10. Naku mukhang mga politiko ulit natatamaan niyan ah... jijijijijijiji

    ReplyDelete
  11. Hndi bat wala nmang pera noon? Puro kalakalan lang.

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunter

    ReplyDelete
  12. tama iyan..may mga taong nagbabagong ugali nang dahil sa pera, at may ginagawang kayabangan kasi alam nilang they have a higher level than those who don't have as much money as theirs..but even though there are people who are like this, some also maintain their well-being and make good of their money.. :) like helping others with it.. :D

    kailangan natin may pera para mabuhay.. :)

    this is a great post you got here..thanks for sharing.. :D

    Happy Holy Week! :)

    take care and God bless!

    ReplyDelete
  13. Hello, Arvin!
    Really fantastic posting. Congratulations. Terima Kasih.
    GOD BLESS

    ReplyDelete
  14. korekk dapat humble lang tayong lahat about the blessings we receive

    ReplyDelete
  15. Nagkakaganun talaga kapag ang Pera na ang diniyos ng tao,which should not be the case kasi were supposed to have control over money and not money over us.Tapos sasabihin ng tao na "money is the root of all evil" but come to think of it, its just a paper it has no life they are powerless that paper was just an accessory of man's greediness. Hay ewan kawawang pera nasisis pa sa mga kasamaan ng tao.

    ReplyDelete
  16. @kha..................ganun ba..mabuti naman at naging ok rin kayo pagtagal..baka naman tinakot mo na hihiwalayan mo siya kapag hindi ibinalik ang ugali niya noong bago pa lang kayo magkakilala at hindi pa siya masyado may pera,hehe..

    ReplyDelete
  17. @Meg.................oo alam ko..ng dahil sa pera ay nabibili natin ang ating gusto..ang masakit nga lang kapag masyado ng marami ay nagpapakita na ng kayabangan..ang iba pa nga dahil may pera ay tumatakbo sa halalan at ang pera nila ang ginagamit para manalo at iboto ng mga tao..

    ReplyDelete
  18. @Mokong..............ano nga kaya kung hindi naimbento ang pera..mahirap isipin iyon..para magkaroon ng bagay na nais dapat ay pagtrabahuin at iyon ang kapalit..mahirap masyado yata ang ganun..

    ReplyDelete
  19. @mishi.................tama ka..pera ang isang dahilan kung bakit ang isang tao ay nagiging maimpluwensya..binibigyan ng pera ang isang mataas ang katungkulan na tao para sila ay maproteksyonan..ganun kahalaga ang pera sa ngayon..

    ReplyDelete
  20. @tim...............haha..nasa tao na rin iyon kung ang ginagawa niyang pagtitipid ay para talaga sakali may pangangailangan siya..gamitin ang pera para sa mas makabuluhan na pangangailangan..iyon talaga ang maganda..

    ReplyDelete
  21. @Dhemz.....................yup..mahirap mabuhay kapag walang pera na sangkot..sikat siguro na sabungero ang papa mo..at siguro malaki kung pumusta ang papa mo,hehe..mahal kasi ang mga manok lalo na kapag texas at high breed kaya nararapat lang na malaki ang pusta para sulit ang pag alaga at pagkondisyon..ganun talaga iyon..may panalo at talo sa sabong..

    ReplyDelete
  22. @Mel Avila Alarilla...........bihira lang ang tao na nag bibigay rin sa iba ng biyaya nilang natanggap..nagbabahagi sa kapwa ng kung anu man..may mga tao rin talaga na mula sa mahirap at yumaman ay madalas talaga ang pag share ng yaman niya para sa ibang mahirap na tao..ngayong halalan tiyak madami ang mabibiyayaan ng mga politiko mula sa pera nila..

    ReplyDelete
  23. @fiel-kun..............oo dahil biruin mo may mga taong hired killers at binabayaran sila ng malaking pera para ipapatay ang isang tao..marami ang gumagawa ng kasamaan dahil sa pera..may mga nagnanakaw dahil walang pera..maganda nga kung ang bawat naging matagumpay ay lubos lubos na nagbibigay biyaya para sa nangangailangan..

    ReplyDelete
  24. @I am Xprosaic................hehe..medyo may punto ka..politiko at hindi ay puwedeng matamaan sa sinulat kong ito..

    ReplyDelete
  25. @Solo............oo noon iyon..para mo makuha ang isang bagay na gusto mo ay may ipapalit kang bagay din o kaya ay pagtrabahuin mo para iyon ang kapalit..barter..exchange of goods with other goods and services..

    ReplyDelete
  26. @nice............bilib ako sa mga tao na kahit nagkaroon na ng karangyaan sa buhay ay hindi nagbago ang ugali..nanatili pa rin kung ano sila noon......higit sa lahat ay hanga ako sa mga tao na nagbibigay talaga sa iba ng kaunting tulong para sa nangangailangan..salamat sa sinabi mo..

    ReplyDelete
  27. @david santos..............thank you..i hope you will visit again my blog..

    ReplyDelete
  28. @donster...............yup..at ang ganun ay mabuti talaga dahil hindi ka itsismis ng mga kaibigan mo na nagbago ka na..kasi kapag nag bago ang ugali ng dahil sa pera ay tiyak mapag uusapan iyon..

    ReplyDelete
  29. @Yen.............sa ngayon kasi parang ang pera na ang dinidiyos ng tao..kasi kapag may pera ay nagagawa ang gusto..nakakakain ng gusto nilang kainin..sa madaling salita kapag walang pera ay mahirap mabuhay..iba kasi ang dating ng pera para sa tao..kapag may pera ay masigla talaga,hehe..dahil sa pera minsan nagiging masama ang tao..

    ReplyDelete
  30. Manny Villar---ikaw ba yan? tunay na mahirap.lol

    pero tama. mahirap kasi nakasanayan na e. na mayayabang ang mga mayaman---kung baga part na ng kultura . so, ang mga lower class at middle class kapag gumanda ang buhay, ginagawa din nila yun.....

    ReplyDelete
  31. Dapat kasi kapag may yumaman tayo, sabayan natin ng panalangin na nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng wisdom para turuan tayo kung paano gamitin sa tamang paraan ang yaman natin. Kapag walang panalangin, maraming gulo and dala ng yaman.

    ReplyDelete
  32. ay naku marami akong kakilala ganito na biglang yaman at biglang yabang lol.. pero madami din ako kilala na until now ay down to earth at ni minsan hindi nagyabang.

    ReplyDelete
  33. naiisip ko din yun eee.
    haha!
    minsan nga naiisip ko,
    PAPEL LANG NAMAN 'TO!!!

    tapon ko kaya???

    WAG NA NUHH!!!

    hehe.

    nice kuya arvin!!!


    ^ - ^

    ReplyDelete
  34. agree naman ako dito
    bakit kasi kailangan pang ipagyabang diba? minsan yan pa ang nagiging mitsa ng buhay

    ReplyDelete
  35. @Chyng...............hindi po iyon para sa kanya..habang sulat ko ito ay hindi ko siya naiisip..

    ReplyDelete
  36. @pusang kalye............tama ka..kung mayaman lang ang nag yayabang ay may karapatan din na magyabang ang mahirap kapag nakaahon na sila sa kahirapan..pinapakita rin nila na may sapat sila para magmalaki sa kapwa..

    ReplyDelete
  37. @Hi I'm Grace...........iyon ang mabuti..ang hindi nakakalimot sa diyos kahit na mayaman na..ang iba kasi ay halos pera na ang sambahin nila..nakakalimutan na minsan nila ang ating lumikha..

    ReplyDelete
  38. @Bambie dear............ganun ba..ako rin ay ganun kaya nga nakagawa ako ng tula na ganito..ang mga ganun na tao ay hinahayaan na lang iyon..desisyon niya iyon kung magbago man ang ugali niya..

    ReplyDelete
  39. @ayu............maraming salamat sa iyo......ikaw din naman magaganda ang mga post mo..

    ReplyDelete
  40. @gege...........oo nga papel..pero isang mahalagang papel..kasi nagagamit iyon sa pagbili ng kung ano ang nais natin kapag may ganun na papel........huwag mong itapon..bili mo na lang ng pagkain o kaya load para text ng text,hehe..joke..

    ReplyDelete
  41. @Renz..............nagyayabang sila sa kayamanan na nakamit kasi ang pagkatao nila simula pa man noong bata ay may pagkamayabang na..ganun sa palagay ko..kapag mayabang talaga ang isang tao ay mayabang talaga..

    ReplyDelete
  42. hahahaha in fairness tama ka..bwuahahaha

    ReplyDelete
  43. @kha..................mabuti naman at tama ang tungkol sa tulang ito para sa ibang tao..tungkol sa pagpapakita nila ng kanilang yaman sa iba..

    ReplyDelete
  44. Hi, arvs!

    Dami kong nami miss na post mo..hehehe. sorry for the late visit. medyo busy lang ako ngayon.

    this is so true Arvs. Thanks for sharing

    ReplyDelete
  45. Like they said money is the source of all evils hehe. thanks for the post.

    ReplyDelete