
Ni: Arvin U. de la Peña
Marahil ay ikaw na ang buhay ko
Sa iyo ay masaya ako
Nagmahalan tayong dalawa
Mula pagkabigo sa unang pag-ibig.
Itong sa ating dalawa ngayon
Sana ay wala ng wakas
Makakaasa ka sa akin
Na hindi kita paluluhain.
Mahal na mahal kitang tunay
Iyong-iyo na ang puso ko
Pinapangako ko hanggang sa huli
Ikaw ay aking mamahalin.
Hindi ako mag-iiba sa iyo
At lalong hindi ako magbabago
Ikaw na ang lahat sa akin
Ang nasa puso at isipan lagi.
Uy! ang ganda nya..sino sya?
ReplyDeleteinlalalab (;
ReplyDeletesweet! xD
ReplyDeletestay in love Ü
cute sya.^_^ ganda naman ng tula..
ReplyDeleteIsa na namang magandang tula.
ReplyDeleteBy the way, nai-post ko na ang tula na gawa mo para sa akin.
Thanks uli. :)
Ganda naman ng poem... kakainspire ^_^
ReplyDeletehehehehe. ganda nman
ReplyDeletei'm back. yey! i've missed reading your fabulous blogs! =D you're very talented.
ReplyDelete