Monday, June 1, 2009

Happy birthday

"Kahit nagkahiwalay na kayo ng isang tao na minsan minahal mo tuwing kaarawan niya ay sigurado na maaalala mo pa rin siya. Kasi kapag kaarawan madalas ay naibibigay o nakakamit ang nais ng kanyang kapartner o kaya ay may nangyayari talaga. Nagkakamali kayo kung ang ibig kong sabihin ay sex, hehe..joke."


HAPPY BIRTHDAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Happy birthday sa iyo ha
Nakakalungkot isipin na hindi na tayo
kagaya ng dati
Madalas laging nagkakausap
Kahit na ba ang buhay nating dalawa
Malaki ang pagkakaiba
Langit ka at lupa ako
Pero nagmahalan pa rin.

Happy birthday sa iyo ha
Alam ko masaya ka na ngayon sa buhay mo
Nakapag move on ka na
Sa ating paghihiwalay
Higit sa lahat balita ko ay masaya ka
Sa piling ng bago mong mahal.

Happy birthday sa iyo ha
Nais ko ipaalam sa iyo
Na sa tuwing kaarawan mo ay naaalala ka pa rin
Ang sandali na tayo ay magkasama
Para mag celebrate sa mahalagang araw
ng iyong buhay.

Happy birthday sa iyo ha
Sana marami pang kaarawan ang
dumating sa buhay mo
May kaunti pa rin akong panghihinayang
Na hindi tayo nagkatuluyan
Ngunit unti-unti natatanggap ko na
Ang nangyari sa ating dalawa.

Happy birthday sa iyo ha
Happy birthday talaga
Kung dumating man ang panahon na
kailangan mo ang tulong ko
Nandito lang ako
Huwag kang mag-alinlangan na
ako ay lapitan
Nakahanda akong tulungan ka
Dahil minsan tayo ay nag-ibigan.


20 comments:

  1. vin,

    happy buirhtday para sa kanya sana maligaya siya sa birthday nya ngayon at lalo na ikaw na kay mo tanggapin para lang sa kanya.

    ching

    ReplyDelete
  2. naks naman kuya arvin!!nakakatouched naman..hehe.hndi mo alam, baka sa huli, kayo ang magkatuluyan!:)
    smaaaaaaaayl

    ReplyDelete
  3. wow! napaka makata mo naman...
    happy birthday sa kanya... :D

    gue gue add kita...
    basta add mo rin ako ha...
    mag addan tayo... hahha

    ReplyDelete
  4. kakatats naman yun, hapi bday sa kanya... :)

    bat pa kasi pinakawalan eh, naku...hehe

    ReplyDelete
  5. wow happy bday sakanya! ang sweet!

    ReplyDelete
  6. Happy Birthday sa kanya... :)

    ReplyDelete
  7. Happy birthday sa kanya...at sana maging masaya ka na rin tulad nya...

    ReplyDelete
  8. naku arvin...sana maging happy ka na rin soon.

    ReplyDelete
  9. naks hanep ah..
    hapi n nga cguro xa kya dapat mgng hapi k n rin..:D

    ReplyDelete
  10. happy birthday sa knya!

    cheer up!

    move-on!

    ReplyDelete
  11. Happy Birthday sa kanya at good luck naman para sa yo.

    Sana maging happy ka na rin!^_^

    ReplyDelete
  12. Happy Birthday sa kanya Arvin.
    Alam mo Arvin?
    Ganyan talaga yang love stories kung minsan.
    Di nagtatapos sa Happy Endings.
    Pero lahat ay may rason,baka mas meron pang mas magandang story ang dapat mong tahakin.

    Dapat makamove on ka na,kung talagang wala ng pag asa na maging kayo pa.

    "YOU DESERVE TO BE HAPPY"
    Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan...

    BE free of the GHOST of the Past...
    BE HAPPY!
    BE ALIVE!
    BE BORN!
    HAVE FAITH!
    ^_^

    ReplyDelete
  13. hi arvin!
    ang sweet mo naman sa ex mo...
    talagang obvious na love mo parin cya kahit hindi na kayo!
    Pero advice ko lng na matuto kang tanggapin ang ngyari na marahil hindi talaga kayo ang para sa isat isa..
    naranasan ko narin yang ngyari sayo, sobrang hirap at sakit talaga sa umpisa pero kalaunan natanggap ko rin kc useless lang na mgself pity at patuloy na mag reminisce sa past..
    Just move on and wait or search for someone who really deserve for your love.. someone who's trully meant for you!
    GOD BLESS!!

    ReplyDelete
  14. happy birthday to her.

    thanks for the visit arvin..

    ReplyDelete
  15. Happy birthday sa kanya! Cheers!

    ReplyDelete
  16. awww... sana ay maging maging masaya ka na din at makalaya mula sa nakaraan... namnamin ang sakit umiyak at maghinanakit, pero pagkatapos ng lahat dapat harapin ang ngayon. mahirap mabuhay sa nakaraan. tuloy lang ang buhyay darating din ang katapat ng pag-ibig mo. maikli lang ang buhay, Be happy! :)

    ReplyDelete
  17. kalungkot naman...d bale maaalala k din nya s bday mo...

    ReplyDelete
  18. bakit ba kase kayo naghiwalay? Well, it's up to you kung sagutin mo... be happy na...

    ReplyDelete
  19. Bakit kayo naghiwalay? tsismosa ko talaga, grabe!

    ReplyDelete
  20. oi nakakalungkot nmn ang talambuhay mo.. ay blog pala.. sana ay masaya ka din.. malay mo kayo pala sa huli? sana... muahhh!

    ReplyDelete