Thursday, September 8, 2011

Pagsusulat (by request)

Matagal na rin ang request na ito. Noong isang taon pa kasi sa draft ng email ko naka save siya August 28,2010. Kasi minsan ang mga nagrerequest ay save ko sa email ang pagrequest nila para ko matandaan. Minsan naman ay hindi ko save kapag gusto kong pagbigyan agad ang request nila. Sa blog niya ay wala pong picture niya at palagay ko ang nagrequest na ito ay hindi isang Pilipino. Malaman naman iyon sa blog niya. Narito po ang sinabi niya ng mag request.


Teacher Jet: Thanks Arvin. Ui,if you have the time,make a poem about teaching.When we blog,we also teach, right ? Thanks!

http://esllesson.blogspot.com/

PAGSUSULAT
Ni: Arvin U. de la Peña

Minsan na kitang kinalimutan
Minsan na rin na binalikan
Pakiwari ang mundo ay di kumpleto
Kung hindi kita pinagkakaabalahan.

Habang hawak ang lapis o ballpen
Sa pagsulat sa papel ng kung ano
Sumasakit man ang isipan ng konti
Binabalewala na lang dahil mahal ka.

Sa pagkahilig ko sa iyo
Maging sa pagkain ko ay naiisip
Ano ang mga isusulat
Mabuo ang isang magandang obra.

Napakasaya ko talaga sa iyo
Mga likha madami nakakabasa
Lalong masarap ang pakiramdam
Kung bawat humihiling napagbibigyan.

Hilig kong ito sa iyo
Siguro ay walang katapusan
Habang ako ay nakapagsusulat
Patuloy magbibigay aliw sa mga mambabasa.

47 comments:

  1. may mga snow na dito, ang rarap.. hehe!

    magaling! ikaw na! hehe

    ReplyDelete
  2. sarap i mean, parang paskong pasko ang dating..:)

    ReplyDelete
  3. padaan-daan lang ^_^ uhmmazing ang tula ;)

    ReplyDelete
  4. nice one! salamat sa pagdalaw sa aking mumunting tambayan.

    ReplyDelete
  5. Another heartfelt writing Arvin, keep it up.

    ReplyDelete
  6. ayos sir arvin...

    magandang umaga sayo:)

    ReplyDelete
  7. @mommy-razz............makita po ang ganyan sa google..search mo snowflakes.....puwede mo din lagyan ang blog mo ng ganyan..

    ReplyDelete
  8. @hana banana........salamat sa pagdaan mo sa blog ko.....kumusta po kayo..

    ReplyDelete
  9. @shirt.quote.toh..........walang anuman iyon....thanks din at pinuntahan mo ang blog ko.....ayos po ang mga design ng tshirt na nasa blog mo..

    ReplyDelete
  10. @chubskulit...........maraming salamat sa sinabi mo....matagal nga din bago ko napagbigyan ang request niya..di ko nga alam kung tagasaan ang tao na iyon na nagrequest,hehe..

    ReplyDelete
  11. @ISTAMBAY...........thanks..magandangumaga din sa iyo..

    ReplyDelete
  12. ang ganda... iniisip ko tuloy kun anong ire-request ko. basta pag may naisip ako ah. i'll let you know. :)

    ReplyDelete
  13. Another nice poem! Ang galing mo, Arvs.

    Thank you for visiting

    ReplyDelete
  14. Just visiting here, thumbs up for another poem!

    ReplyDelete
  15. Tagal na pala nyan buti naman ant na post mo na din. Im sure matutuwa ung nag request pag nalaman nya

    ReplyDelete
  16. @mayen............salamat at nagandahan ka sa sinulat kong ito.....basta kaya ko kung ano ang irequest mo ay mapagbibigyan kita..

    ReplyDelete
  17. @Mai Yang...............thanks po..naapreciate ko ang sinabi mo..

    ReplyDelete
  18. @eden..............salamat din sa sinabi mo....walang anuman iyon..basta pag mag blog hop ako ay pinupuntahan talaga kita..

    ReplyDelete
  19. @wOrkingAthOmE............thanks sa muli mong pagbisita sa blog ko at pagbasa sa sinulat kong ito....

    ReplyDelete
  20. @anney............yup, matagal na nga po..sobra isang taon din.....medyo wala kasi ako maisip para sa request niya....ito lang ang nagawa ko...

    ReplyDelete
  21. Christmas na pala dito?

    Galing ng poem mo now!

    ReplyDelete
  22. Hello, Arvin! Sorry ngayon lang ulit napadaan, kasi busy in the past few weeks sa work... I love the poem! And, also, your new template design, yung snowflakes, hehehe! =)

    ReplyDelete
  23. ikaw na!

    magrerequest din ako ha? hehehe

    ReplyDelete
  24. Hi Arvs!

    Have a great weekend!

    Thanks for the visit.

    ReplyDelete
  25. ayay! ang galing galing naman....great job Arvin...dami talagang nag rerequest ano?! hehehhe...dapat next time may talent fee na...joke!

    ganda dito ah...may snow fall...ehehehe!

    ReplyDelete
  26. you already!

    at naks, may snowflakes. hehe

    ReplyDelete
  27. @tim.............ang gusto ko talaga na ilagay na design sa blog ko ay iyong parang kumikidlat.....nang mag umpisa ako mag blog may nakita ako na ganun..ewan ko kung anong blog..hindi ko na mahanap..parang kumikidlat talaga..kapag nakita ko iyon na widget ay iyon ang ilagay ko sa blog ko.....nakita ko lang ang design na iyan sa blog ni Wang....punta ka google at search mo snowflakes.....puwede ka rin maglagay niyan sa blog mo..

    ReplyDelete
  28. @iso101.............okey lang.......salamat at nagustuhan mo ang sinulat kong ito..........nakita ko lang ang widget na iyan na snowflakes sa isang blogger tapos nagtanong ako kung paano magkaroon ng ganyan.....ng sinabi niya na snowflakes ay nag search ako sa google at ayun nakita ko nga at nilagyan ko ang blog ko....madami nga nilagay ko,hehe.....

    ReplyDelete
  29. @Ka-Swak................ganun ba.....mapagbibigyan kita pero hindi pa muna sa ngayon..madami pa kasi nakalinya,hehe..

    ReplyDelete
  30. @eden............likewise.....walang anuman iyon..salamat din sa pagbisita uli sa blog ko..

    ReplyDelete
  31. @Dhemz............mabuti nga at napagbigyan ko na siya.....sobra isang taon din bago ko nagawa.....pagtingin ko kasi sa draft ng email ko ay hindi ko pa iyon napagbibigyan....iyong mga magpapalagay na lang ng logo doon na lang ako kukuha ng bayad,hehe...

    ReplyDelete
  32. @the greem breaker.............oo ako na naman at muli napagbigyan ang isang tao na nagrequest.....puwede mo rin lagyan ang blog mo ng ganyan..

    ReplyDelete
  33. Galing naman! lumalalim na ang mga tula mo ah,konte pa at close to perfection ka na:). makapag isip nga rin ng mairerequest dito. hmm, dumadami na talaga ang iyong taga hanga.

    ReplyDelete
  34. maraming salamat sa post na ito para sa mahilig magsulat..

    by the way, do you mind checking out on Grandfather's Glasses?

    ReplyDelete
  35. @Yen.................salamat kung ganun.....hindi ba nailagay na kita dito sa blog..by request din yata iyon dati pa....you mean magrequest ka uli for the second time,hehe...

    ReplyDelete
  36. @simply_kim.............patungkol nga din ito sa mga tao na mahilig magsulat.....lalo na ang may blog.....katulad ko, sa iyo, at ng iba pa...ok....puntahan ko iyan..

    ReplyDelete
  37. isa ka talaga manunulat arvin, at mapagbigay pa ng kahilingan. bumibisita dito.

    ReplyDelete
  38. Galing talaga ni Arvin... grabe, super tagal na pala ito.. buti na remember mo..

    ReplyDelete
  39. @Mama Ko.........nakakahiya naman kasi kung hindi ko pagbibigyan ang isang nagrerequest.....minsan nga lang ay natatagalan talaga..kagaya nito.....sobra isang taon din bago ko napaunlakan ang request niya..

    ReplyDelete
  40. @Umma...............salamat sa sinabi mo.....kasi nasa draft ito ng email ko....minsan kasi ang mga sinulat ko lalo na kung mga ilan na ay save ko muna sa draft..madami nga ang naka save sa draft na hindi ko pa post dito sa blog....kasi kapag nakasulat ako sa cellphone ng poem at di ko pa gusto ipost sa blog ko ay save lang muna sa draft ng email ko..

    ReplyDelete
  41. namiss ko ang isang makatang tulad mo,mabuhay ka sa iyong mga obra, arvin.

    wagi:)

    http://www.clarizzatomacruz.com

    ReplyDelete
  42. Ang pagsusulat ay isang talentong hindi nabibigay sa lahat. Kung merong angking talento sa pagsusulat ay mapapakinabangan nang mga mambabasa at maipahahatid ang mga mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa. Ikaw ay may talentong ganuon na nakakapagpaligaya sa mga nagagawan mo nang tula. Salamat sa panibagong tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

    ReplyDelete
  43. @imriz.............ganun ba..salamat kung ganun.....siguro busy ka lagi kaya minsan ka na lang mag ikot ikot sa mga blog.....salamat at hindi mo nakakalimutan na tingnan ang blog ko..a

    ReplyDelete
  44. @Mel Avila Alarilla.......tamang tama ka diyan.....kahit ang ilan kong kaibigan kapag tinatanong ko kung magagawa ba nila na magsulat ng katulad ko ang sabi nila ay hindi daw..mahirap sa kanila ang ganun na katulad ng mga nakikita sa blog ko.....katulad din iyong mga tao na nagsusulat ng kanta..bihira lang ang ganun..hindi lahat ng tao ay kayang mag sulat ng isang kanta..

    ReplyDelete