Thursday, September 9, 2010

Andi

"Siya po si Andi Eigenmann, ang gumanap sa teleserye na Agua Bendita. Ang kanya pong magulang ay sina Jaclyn Jose at Mark Gil na kapwa artista."

ANDI
Ni: Arvin U. de la Peña

Salamat sa makabuluhan mong pagganap
Sa isang karakter na dalawa ang pagkatao
Lumutang lalo ang galing mo sa pag-arte
Isa ka talagang lahi ng artista.

Nagwakas naman ang iyong pinagbibidahan
Bawat gabi ay para ka pa ring bida
Dahil pagkatapos ng gabi ay umaga
Na awit na napapakinggan sa naging palabas mo.

Lalo ka pa mang sumikat
Tangkilikin bawat maging pelikula mo
Hindi sana lumaki ang iyong ulo
Pagkat hudyat iyon para unti-unti kang kamuhian.

Panatilihin mo pagiging simple lamang
Marunong makisalamuha sa mga tagahanga
Dahil ang isang tunay na artista
Nakikipag kapwa kahit walang camera.

Umibig ka man ng isa ring artista
Siguraduhin mo sanang hindi ka paglalaruan lang
Iiwanan pagkatapos makuha ang gusto sa iyo
Dahil kahit paano ako ay masasaktan.

58 comments:

  1. Pareng arvin, inlove ka na naman ata ah! XD

    ReplyDelete
  2. Oooppss sori naman di ako nanonood ng ganun... pero she's beautiful... hehehehehhe

    ReplyDelete
  3. nakakapanood den aku nyan mensan at maganda sya. hihi

    ReplyDelete
  4. waw naman! solid fan ka ni Andi ah! :D:D:D =]]

    ReplyDelete
  5. Wahhh are you in love?? Super galing naman ang taste mo Arvin. I like her she is pretty, good actress, and smart!

    ReplyDelete
  6. naman, inlove sa taong tubig.
    ano ending nito? di ko napanood..

    ReplyDelete
  7. Uuuy, mukhang tinamaan na naman ni Kupido ang ating makata, lol. Anyway, wala namang masamang humanga at magka crush sa isang artista lalo pa't magaling itong umarte. Sayang at hindi ko napanuod ang teleserye niya na sabi mo nga'y nagtapos na. Bukod kasi sa die hard kapuso kami ay nanunuod din kami nang ibang palabas sa cable TV. Pero maganda ang tulang ginawa mo para sa kanya. Sana mabasa niya ito para mapasalamatan ka naman niya sa magandang tulang inialay mo sa kanya. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

    ReplyDelete
  8. wow naman... tama ka talaga, at mepaghanga ka talaga kay Andi ha.. hehehehehehe..

    ReplyDelete
  9. May potential ang batang ito na sumikat talaga. She's really pretty at magaling umarte.

    ReplyDelete
  10. Wow..you are an ardent fan of this lady pala. :)

    ReplyDelete
  11. Sana napanood ko siya...she is so pretty. nice poem. thank you for sharing.

    ReplyDelete
  12. @Led................haha.......lagi naman inlove..kaya ko lang ito sinulat kasi halos gabi gabi po ay nanonood ako ng agua bendita..at humanga po ako sa kanya..biruin mo naman dalawa ang pagkatao niya sa palabas..isa ang mabait at isa ang hindi..

    ReplyDelete
  13. @Malou.................kahit sinong lalaki ay siguro maiinlove sa ganda in andi eigenmann..kasama na ako,hehe..

    ReplyDelete
  14. @I am Xprosaic...........ganun ba..siguro panay sa HBO ka nanonood,hehe..yes she is beautiful........lahi yata ng artista..

    ReplyDelete
  15. @chimimay.com...........mabuti naman at nakapanood ka nito.....ang iba dito na kaibigan ko sa blog ay hindi..ibang channel kasi ang paborito nila..

    ReplyDelete
  16. @REN.................hindi naman gaano..humanga po ako sa kanya sa palabas na agua bendita..katunayan ay may sinulat na rin ako dito na tula na agua bendita ang pamagat..naging fan niya ako kasi lagi po akong nanonood ng palabas niya..

    ReplyDelete
  17. @Manang Kim.........medyo nainlove po ako sa kanya..maganda kasi siya..ganun ba..di ko maimagine ano ang pakiramdam kung maging kasama ko siya kahit sandali..wow..dami sigurong titingin sa amin,hehe..

    ReplyDelete
  18. @Chyng............ang ending po nito ay si donya amalia nabaliw..naging pangit ang mukha dahil sa pagtalon sa dagat ng sumabog ang boat..at sina agua at bendita ay naging maayos na ang buhay kasi wala ng gumubulo..ang papa nila ay patuloy pa rin sa panggagamot..minsan kung ang pasyente ay malala at hindi kaya ng gamot ay ginagamot ni agua na palihim..ang panggagagamot ni agua ay palihim na lang..hindi na puwede na bulgar kasi dudumugin siya ng mga tao..

    ReplyDelete
  19. @Mel Avila Alarilla............tama ka na walang masama kung magka crush nga tayo sa isang artista.....kahit naman siguro sinong tao kapag laging nakikita ang hinahangaan sa tv ay maiinlove siya..dahil sa pag ibig nag uumpisa ang lahat sa paghanga..die hard ka talaga sa kapuso..

    ReplyDelete
  20. @imriz...............opo..kaya nga dalawa na ang naisulat kong tula dahil sa kanya..una ang agua bendita tapos ito ang sumunod..

    ReplyDelete
  21. @Marco Paolo..........hehe..siyempre naman kasi maganda siya at magaling pang umarte..

    ReplyDelete
  22. @tim..............talagang may paghanga ako sa kanya kasi halos gabi gabi ay pinapanood ko talaga ang agua bendita..doon nag umpisa ang paghanga ko sa kanya bilang isang artista..

    ReplyDelete
  23. @anney..............tama ka..isa pa anak siya ng mga artista at karamihan na mga pinsan niya ay artista rin.....hindi lang siya magpakabaliw sa pag ibig at malayo ang mararating niya..minsan kasi ang isang babae na artista ay napapabayaan ang career dahil sa pag ibig..

    ReplyDelete
  24. @Umma............yes..fan po niya ako.......ikaw ganun din ba..

    ReplyDelete
  25. @eden............sana nga napanood mo ang naging palabas niya..sa youtube puwede mo hanapin ang ilang eksena..

    ReplyDelete
  26. @ayu............opo..sa dami ng artista na talent ng abs cbn ay naging mapalad talaga siya kasi siya ang pinili na gumanap..hindi ibinigay sa ibang artista na sikat na talaga..now puwede na siyang ma elevel sa ibang sikat at kilalang artista sa abs cbn na gumanap na ng isang teleserye..

    ReplyDelete
  27. wow, pgkatapos kong mabasa yung "Ako'y masasaktan".....sabi ko "WOW", haha. Inlove?

    Nung dati siyang pumasok sa PBB hindi siya mukhang magaing umarte, pngalawa sa prinsesa ng banyera, but after ABS gave her the break....she's definitely good!:) and nice as well.!

    ReplyDelete
  28. Wuy nice poem! lovingly dedicated kay Andi ^_^

    Ang galing nyang gumanap dun sa dual role nya sa Aqua Bendita. :)

    May nabasa din ako sa Twitter nya na mas pinapanood daw nya ang Survivor: Celebrity Edition hehe... kaya napagalitan yata siya ng ABS lols.

    ReplyDelete
  29. HAnep sa tula ah. Sana mabasa ni Andy itong gawa mo. INlababo ka na naman. hehehe

    ReplyDelete
  30. hindi ako nanunuod..pero ang ganda nya

    ReplyDelete
  31. Sayang at hindi ko napanood ang ending ng Agua Bendita. Late na kasi kung makauwi ng bahay hays!

    Nga pala bosing heto yung link ng sinasabi ko sayo. Nakita ko na hehehe...

    http://en.tackfilm2.se/

    ReplyDelete
  32. She is pretty Vin. I haven't watched any filipino soap opera lately kasi I don't have TFC. I miss it..Thanks for dropping nga pala.

    ReplyDelete
  33. BIG time kana ha. si andy na ang nagrerequest sayo.joke. Me pangaral pa talaga ha. crush mo no?hehehe

    ReplyDelete
  34. hehehe...halatang inlove si kumpare...lol!

    she looks different on the picture....sa wakas natapos na din ang Agua Bendita....:) I am not satisfied with the ending though....ehhehehe!

    ReplyDelete
  35. @stevevhan.............kahit naman siguro sinong tao kapag ang isang nagustuhan niya sa pag ibig ay niloko lang ay masasaktan talaga..ang agua bendita talaga ang nagbigay sa kanya ng break sa showbiz.......sumikat siya dahil doon..

    ReplyDelete
  36. @itsyaboykorki...............medyo gusto ko lang siya,hehe..huwag mong sabihin na ikaw wala ring crush sa kanya o paghanga..

    ReplyDelete
  37. @fiel-kun...........para talaga ito kay andi......nabasa ko rin iyan sa diaryo..kasi ang isang kasali doon sa survivor ay gusto niya..sabi pa nga niya kung lalaki lang daw siya ay pakakasalan niya ang babae na iyon..babae ang gusto niya doon sa survivor kaya pinapanood niya..

    ReplyDelete
  38. @YAM............salamat naman at kapamilya ka rin.....at higit sa lahat salamat at sinubaybayan mo rin pala ang palabas na iyon..

    ReplyDelete
  39. @Yen.............sana nga mabasa niya,hehe....kumusta ka na..ikaw din inlove palagi..pasyal pasyal ka lang sa ibang mga lugar..pagkatapos ng palawan ay ano kaya ang susunod..

    ReplyDelete
  40. @delightfullness...........ganun ba..siguro sa GMA ka nakatutok na istasyon..talagang maganda siya..sexy pa..

    ReplyDelete
  41. @Jag..........ganun ba..sayang nga iyon kung lagi kang sumusubaybay tapos sa ending hindi ka nakapanood..salamat sa pagbigay mo ng link..tingnan ko ang site na iyon..thanks uli..

    ReplyDelete
  42. @analou............opo..maganda po talaga siya..anak din kasi ng mga artista kaya maganda talaga ang breeding,hehe..pag uwi mo na lang sa pilipinas manood ka ng mga teleserye..bakit wala kang TFC..

    ReplyDelete
  43. @pusang kalye.............hehe..medyo crush ko siya..galing niya kasi gumanap sa agua bendita at ang mukha niya hanep sa ganda..simpleng mukha lang pero rock..joke..

    ReplyDelete
  44. @Dhemz................yup..tinapos na rin ng director ang agua bendita..nahalata ko na medyo minadali talaga ang mga eksena para matapos na..isa pa nahalata ko na ilang minuto talaga muna ang palabas bago magpatalastas,hehe..nagustuhan ko na sa ending ay ipinakita ng konti ang mga take sa palabas..ang mga mali sa eksena..parang sa movie ni jackie chan na laging may ganun..

    ReplyDelete
  45. WOW :) inlove si kuya :))
    lumalabasa talga pagkapinoy mo sa mga post mo :))

    ReplyDelete
  46. Hindi ako nanonood ng Agua Bendita. Pero ilan sa mga episode nito napanood ko, pero nung bata pa sila :)

    ReplyDelete
  47. @CHEEN...............salamat..ganun ba..im not good in english kasi kaya madalas o halos ganito ang post ko..puro mga tagalog,hehe..

    ReplyDelete
  48. @ayu..................opo..naniniwala ako sa kakayahan mo........tiyak magtatagumpay ka pa lalo..take it easy lang..

    ReplyDelete
  49. @CaptainRunner................ganun ba..ang episode noong bata pa sila ay maganda rin iyon.....tumagal iyon ng ilang linggo......akala nga ay hindi na lalaki ang pagkatao niya..kasi mataas ang rating ng palabas na iyon na bata pa sila..ganun din naman ng lumaki na si agua at bendita..

    ReplyDelete
  50. nakikidalaw din dito Arvin....:)

    ReplyDelete
  51. nakikidalaw din dito Arvin....:)

    ReplyDelete
  52. Nice photo,,,Good content in your site..interesting it

    ReplyDelete