Sunday, August 15, 2010

Katahimikan (by request)

Blogger
Muli ay may nagrequest na naman sa akin ng isang tula. At siya pa ang nagbigay ng pamagat. Dahil kaya ko naman ay pinagbigyan ko. Ginawa niya po ang pag request sa post kong Magkaribal (by request) dahil nag comment siya. Narito po ang sinabi niya.

Blogger mjomesa said...

pagawa naman ng tula tungkol sa

KATAHIMIKAN

August 8, 2010 6:36 AM

http://mjo-mesa.blogspot.com/














"Peace is not something you wish for; It's something you make, something you do, something you are, and something you give away."

KATAHIMIKAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaguluhan na umiiral ay itigil na
Lasapin na ang kapayapaan
Huwag hayaan na masira pa ng lubusan
Pagkakaibigan at pagkakakilala na nangyari.

Katahimikan na ang pairalin
Ang galit at poot ay isantabi na
Pagmamahal sa isa't isa ang dapat mangibabaw
Iwaksi anumang sigalot na nangyari.

Sa ating ugat ay isang dugo lang
Dugong pilipino ang nananalaytay
Hindi maganda na mag away-away
Pag-ibig sa kapwa ang dapat ng isipin.

Magkaroon na ng takot sa diyos
Ang hiram na buhay ay pahalagahan
Dahil maaari iyon na mawala
Kung katahimikan ay balewalain.

Hindi pa huli ang lahat
Magkapatawaran na sa mga kasalanan
Bigyan na ng tuldok hindi magandang pagkakaunawaan
May maayos na kinabukasan ang naghihintay.

42 comments:

  1. Maganda ang tula na ito, makabuluhan. Tunay na katahimikan at kapayapaan ang kailangan nating lahat. Katulad sa Mindanao, hindi magkakaroon nang tunay na kaunlaran sa lugar na iyon hanggang walang tunay na katahimikan at kapayapaan. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

    ReplyDelete
  2. I love this poem parekoy!

    Give peace a chance

    and I really need a peace of mind right now ^_^

    ReplyDelete
  3. Yan ang kailangn ko ngayon...KATAHIMIKAN...

    ReplyDelete
  4. @Pretsel Maker...........ok..peace,hehe..

    ReplyDelete
  5. @Mel Avila Alarilla...........salamat at muli nagandahan ka sa sinulat ko..ang katahimikan sa Mindanao ay hindi iyon magwawakas hanggat may mga bandido na kung ano ang gusto nila ay iyon ang dapat sundin..para sa akin nakakagulo lang ang mga MILF at abu sayaff doon sa Mindanao..ano kaya ang nagugustuhan nila sa bundok..lagi na lang nauunsyami ang usaping pangkapayapaan..

    ReplyDelete
  6. @ambiguous angel..........thanks po at naappreciate mo ang tula na ito..

    ReplyDelete
  7. @fiel-kun............sana nga..para naman wala ng mga balibalita sa tv o diaryo ng tungkol sa mga karahasan,hehe..ganun ba..sige mag muni muni ka para magkaroon ka ng peace of mind..

    ReplyDelete
  8. @Jag..............haha..ganun ba..bakit naman......ano ano ang mga bumabagabag sa isipan mo..inom lang ng nakakalasing ang kulang niyan,hehe..

    ReplyDelete
  9. This is a nice poem and I love it.Love also the quote. thanks for sharing Arvs.

    ReplyDelete
  10. Tama ka dyan.. ang ganda siguro ng mundo kung hahangarin ng bawat tao ang katahimikan. Salamat sa isa na namang magandang tula

    ReplyDelete
  11. Ganda naman ang tulang ito napaka-meaningfull. Peace can't be found anywhere because it starts from within. Happy Monday!

    ReplyDelete
  12. pero ang mas gusto yung katahimikan ng sarili mas matimbang yun ... salamt sa dalaw kaibigan...

    ReplyDelete
  13. Ayos! Gusto ng driver ang mga tula:-)

    ReplyDelete
  14. salamat kapatid...

    hehehe..

    sa susunod ulit...

    may gumugulo na naman sa diwa ko

    ReplyDelete
  15. @eden............thank you po at muli nagustuhan mo ang sinulat ko..talagang ishare ko sa inyo ang mga sinusulat ko at isusulat ko..

    ReplyDelete
  16. @Bambie dear.............oo nga..pero ang ugali ng tao ay iba iba......may tao na masama talaga..gusto na magulo dahil para sa kanila ay exciting iyon,hehe..ang kapayapaan at tunay na katahimikan ay sa fantasy world lang siguro mahahanap..

    ReplyDelete
  17. @Manang Kim...............sa sarili nga natin dapat mag umpisa ang katahimikan..mahirap ipaliwanag at ipaalam sa tao na magkaroon na ng katahimikan kung sa ating sarili ay mayroon na bumabagabag..linisin muna ang sarili bago maghangad ng kalinisan ng ibang tao..

    ReplyDelete
  18. @Rcyan M.................salamat naman at you like this......kumusta ka naman diyan..

    ReplyDelete
  19. @MiDniGHT DriVer...........talaga..well kung ganun ay napakarami ng tula dito sa blog ko..limang oras baka hindi mo matapos basahin lahat,hehe..salamat sa pagpunta sa blog ko..

    ReplyDelete
  20. @mjomesa...............walang anuman iyon..nagagalak ako at napagbigyan ko ang request mo na ikaw ang nagbigay ng pamagat para sa isulat ko..ano kaya ang gumugulo sa diwa mo..

    ReplyDelete
  21. nalala ko tuloy yung kantang bulag , pipi, bingi----yung sa bingi---sabi----mapalad ka o kaibigan, napaka-ingay ng mundo. sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo.........nice nice

    ReplyDelete
  22. Hi, Arvs..

    Thank you for always visiting my blog and for the nice comment. tc always

    ReplyDelete
  23. may kabuluhan nga ang tulang ito...galing mo arvin...as always!

    ReplyDelete
  24. Oh, i also love writing peom, yu eh kapag sobrng inlove ako or depressed (Broken hearted). Kaso ngayon hindi na ko nakakapagsulat, nahihyan din kasi akong mapublish yun.

    Masaya talagan maging malalim, minsan din kasi ganyan ako,.:)

    ReplyDelete
  25. Bait mo talaga Arvin, pinagbibigyan mo ang mga nag rerequest ng tula sa yo. keep it up.

    ReplyDelete
  26. @pusang kalye...............maganda nga ang kanta na iyon....minsan ko na rin lang marinig ang awitin na iyon..salamat at nagustuhan mo ang sinulat kong ito..

    ReplyDelete
  27. @eden....................thank you din sa iyo..walang anuman iyon..

    ReplyDelete
  28. @Dhemz................may kabuluhan nga ito kasi ito ay para sa ating lahat lalo na kung hindi na gusto ang mga pangyayari sa lipunan..halimbawa na lang iyong mga pamipamilya na nag aaway away..kapag nalalaman natin na may ganun ay nasasabi natin sa sarili na hindi dapat mag away kasi magpamilya lang o kaya magkadugo..pero minsan wala tayong nagagawa kasi buhay nila iyon at mahirap na kung makialam pa tayo kasi baka tayo pa ang awayin..

    ReplyDelete
  29. @stevevhan..................ganun ba..share mo ang mga sinulat mo..ipost mo sa blog para makita din ng iba..huwag ka mahiya kahit ano pa iyon..

    ReplyDelete
  30. @Shydub.............pinagbibigyan ko kasi kaya ko naman ang request nila..nakakahiya naman po kung hindi ko pagbigyan kasi ang iba napagbigyan ko..

    ReplyDelete
  31. Na-miss ko ang mga tula mo, Arvin. Ngayon lang ako nakabalik dito sa blog mo dahil super busy sa trabaho, pero I am on vacation na ngayon.
    Have a nice day, kaibigan. :)

    ReplyDelete
  32. hi arvin, i have a new site http://mydailybusiness.net. I have added ur link. happy weekend

    ReplyDelete
  33. @Hi I'm Grace.............ganun ba..siguro binasa mo ang ilan na hindi mo pa nababasa..malapit na ang pagbakasyon mo dito sa pinas..siguro excited ka na..

    ReplyDelete
  34. @imelda.................ah ok..bisitahin ko ang site na sinasabi mo at add ko rin sa blog list ko..

    ReplyDelete
  35. Katahimikan. Bawat isa talaga sa atin eh kailangan ng katahimikan. Nakakabuti ito sa ating tuak at nakakapag pagaan ng kalooban.

    Nice poem!

    ReplyDelete
  36. sarap lng ng tahimik...wag lang forever na katahimikan ha:)

    ReplyDelete
  37. @Ishmael Fischer Ahab...........kailangan nga natin ng katahimikan lalo na kung may bumabagabag sa ating isipan..minsan dahil hindi mapag isa ay naghahanap na lang na makakainom na kaibigan..para kapag malasing na ay masabi na sa kaibigan na kainuman ang nais sabihin na hindi niya nagugustuhan o gusto na nais maabot pero hindi maabot..

    ReplyDelete
  38. @imriz...............iba nga talaga ang pakiramdam kung tahimik ang kapaligiran..walang away at walang gulo..nakakainis kasi kapag maingay..nakakaistorbo..

    ReplyDelete
  39. hi arvin i was here agian today, sunday. hope all is well with you

    ReplyDelete