Sunday, July 5, 2009

May Bukas Pa

"Ang pagsubok ay parte na ng buhay ng tao. Huwag mawalan ng pag-asa dahil lahat ng suliranin ay mayroon kalutasan. Magpakatatag lang ng loob at harapin kung anuman iyon na dumating dahil sa hamon ng buhay ang pagsubok ay kakambal na."


MAY BUKAS PA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung sa tingin mo ay wala ka ng pag-asa
Lubog ka na sa kahirapan
Nahihirapan ka ng tumayo at bumangon
Huwag ka mawawalan ng pag-asa
Sa iyong buhay ay may maganda pang mangyayari
May bukas pa.

Hindi mo dapat dibdibin masyado
Ang mga problema na dumarating
Tandaan mo na hindi lang ikaw
Ang binibigyan ng pagsubok ng ating panginoon
Lahat tayo ay nagkakaroon ng suliranin
Pero lahat ay nalalampasan din
Sapagkat sa bawat isang tao
Ay may magandang bukas na naghihintay
May bukas pa.

Huwag kang susuko sa hamon ng buhay
Tatawagin kang duwag o mahina
Kung hindi mo haharapin
Ang unos na dumarating sa iyo
Harapin mo iyon at pilitin na maresolba
Dahil sa dakong huli
Ay naghihintay sa iyo ang kasiyahan
May bukas pa.

Napakasarap ng pakiramdam kapag nakakaahon
ka sa problema o suliranin
Para kang lumilipad
Walang bumabagabag sa iyong isipan
Masayang-masaya talaga
Laging tatandaan lang na pagkatapos ng ulan
sa buhay ng tao
Ay sisikat ang araw para sa kanya
May bukas pa.

35 comments:

  1. nice...korek ka dyan.

    magtiwala ka lang kay Bro:D

    ReplyDelete
  2. it is truly inspiring post. btw thanks sa visit. I will add you to my other blog life moto http://lifemoto.blogspot.com/

    Suggestion lang bro dapat meron ka rin out going links, blog list. para magkaroon ka ng exchange links. mas interactive ito.
    see you around have a nice day!

    ReplyDelete
  3. it is inspirational.
    One thing though, God do not try anybody. What problemes we have is because of our own flaws,our bad decisions or someone inflict the problems to us.

    God has nothing to do with it.
    When we decide, we carry the consequences.

    But God is willing to help those who ask him for help to make a better decision.

    I ask HIS Spirit and Guidance when I quit my work. And He blessed me to do because a better one is coming my way.

    KEEP the good works,

    ReplyDelete
  4. may bukas pa.. nice! tomorrow is another day, never say die :)

    ReplyDelete
  5. hindi nakakamit ang paglaya sa isang magdamagan lamang XD haha...kaya, tama ka...may bukas pa!

    ReplyDelete
  6. Habang may Santino may Buhay...

    ReplyDelete
  7. May bukas pa. Tama nga. Meron ako nu'n. Pero wala akong maaninag na kinabukasan.

    ReplyDelete
  8. nice!! pwede pero pano kung ang bukas ay walang katapusan? puro bukas na lang?

    ReplyDelete
  9. may bukas pa na mangyayari kung madilim o maliwanag....

    ching

    ReplyDelete
  10. yes..bro... :)

    inspiring... thanks thanks ...:D

    ReplyDelete
  11. magaling ka rin gumawa ng poem
    nice post arvin

    ReplyDelete
  12. Bibihira na lang talaga ang sumusulat ng mga tulang gaya nito. At nakakatuwa na nageffort ka pa para sa tinatawag ng marami na 'blog post lang.'

    Mabuhay ka kabayan! Isulong ang panitikang Pilipino! ;D

    ReplyDelete
  13. habang may buhay...

    ay, ibang kanta pala yun..hehe.

    astig ka!

    ReplyDelete
  14. Great post, very inspiring, this reminds us na wag mawawalan ng pag-asa, have faith and keep on believing...

    Life is Beautiful.

    ReplyDelete
  15. NIce! baket walang comment si Chikletz?! Anu kayang masasabi nya? :-D

    ReplyDelete
  16. si jepoy umaapila o.. kaw jepoy ah. haha! :P

    nice poem. tama may bukas pa! kaya tulog lang ng tulog. hahaha!

    ReplyDelete
  17. so true naman. nice poem Arvs. this is a great inspiration to all of us.

    ReplyDelete
  18. malaking tsek!

    habang may buhay may pagasa :)

    ReplyDelete
  19. santino ikaw ba yan? ang galing nman ng post mo pre. :)

    ReplyDelete
  20. nice info... thnks 4 share..
    nice to meet u.. i'm from indonesia, hope u visit me back.. :)

    ReplyDelete
  21. may bukas pa... but for me kapag sobra-sobra na, if feels na parang walang ng bukas.It's so depressing lang.parang ayoko ng sikatan ng panibangong araw dahil for sure I'll die again.

    ReplyDelete
  22. Totoo na may Bukas Pa. Maganda itong kunsepto na ito ngunit mapaninlang.

    Marami ang nalulunod sa Bukas na hindi naman darating kung hindi natin mapagtagumpayan ang Ngayon.

    Ang iba, sa kakaisip ng bukas, hindi na nakaalis sa Ngayon, at paulit ulit lang ang takbo ng buhay.

    La lang. Gusto ko lang kumontra. Salamat sa pagdaan... :)

    ReplyDelete
  23. Nice poem.. may tag para sau http://sharque1009.blogspot.com/2009/07/bonggang-award.html

    ReplyDelete
  24. hi! pasyal pasyal po sa blog mu...
    cool spot here huh?
    so heart warming and poetic...
    keep it up!
    i'll always visit this spot for your wisdom! gb!

    ReplyDelete
  25. Ang ganda ng tula. Nakaka-inspired. :)
    Have a blessed Sunday, Arvin.

    ReplyDelete
  26. TRUE!

    Bukas, walang kasiguruhan kung anong pwedeng mangyari.
    pero isa lang ang sigurado..
    sa lahat ng bukas na darating, nariyan lang si Bro para sa atin:D

    ReplyDelete
  27. ganda ng poem mo. Naaalala ko si Santino :D

    ReplyDelete
  28. Ganda po ng mga posts/ poems niyo, inspiring! :D God bless po.

    ReplyDelete
  29. kaya lang ang daming bukas eh..

    ReplyDelete