Wednesday, March 30, 2011

Kay Intsik at Kay Pinoy

"Maganda sana kung pinairal ng bansang China ang kasabihan na for every rule there is always an exemption."

Kay Intsik at Kay Pinoy
Ni: Arvin U. de la Peña

Chinese Government hanga ako sa batas niyo. Kasi pinapatupad niyo talaga kung ano ang batas. Kagaya ng pagbitay kay Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at kay Elizabeth Batain. Sila ay nahulihan ng droga sa bansa niyo. At dahil nararapat ang parusang kamatayan ay ginawa niyo. Dahil doon bilib ako sa saligang batas niyo. Pero gusto ko malaman niyo na wala kayong puso. Hindi kayo naawa sa tatlong pilipino. Hindi kayo naawa para sa kanilang pamilya. Maaari naman iyon na habambuhay na pagkabilanggo na lang ang ipataw na parusa pero hindi niyo ginawa. Sila na tatlo ay puwede makatulong para mahuli ang drug syndicate na siyang nagpapadala ng droga para sa ibang mga OFW. Puwede silang mahingan ng impormasyon para mabuwag na ang sindikato na iyon. Pero hindi niyo iyon ginawa. Kung kalahi niyo ang gaganunin ay matutuwa ba kayo? Kung ang bansang Pilipinas ay may pinapatupad din na death penalty ay gagawin niyo pa rin ba ang pagbitay sa tatlong pilipino? Palagay ko baka hindi eh. Kasi ang gagawin niyo na lang ay makikipagpalitan ng preso. Ngunit dahil walang death penalty sa Pilipinas ay ginagawa niyo ang parusang kamatayan.

Chinese Government isipin niyo sana na napakaraming kalahi niyo ang sanhi ng pagkalulong ng droga ng maraming pilipino. Napakaraming kalahi niyo ang nahuhulihan ng pinagbabawal na gamot. Kung ang lahat ng iyon ay bibitayin din ay masisikmura niyo ba iyon? Maraming buhay ang nawasak dahil sa mga kalahi niyo. Pero may pilipino ba na winasak ang buhay ng isang chinese. Kung mayroon man ay konti lang. Pero ang mga kalahi niyo napakaraming pilipino ang naapi at nawalan ng direksyon dahil sa kanila, dahil sa droga kagaya ng shabu. Kung may mga nareraid na shabu laboratory ay mga kalahi niyo ang may-ari. Mga kalahi niyo Chinese Government ang nag ooperate ng shabu laboratory dito sa Pilipinas. Dahil sa mga shabu na iyon nagkaletse-letse ang buhay ng taong gumagamit. Naaapektuhan ang pamilya nila. Dahil din doon dumami ang karahasan dahil sa shabu na halos lahat talaga ay mga kalahi niyo ang nag susupply o gumagawa dito sa Pilipinas.

Chinese Government dapat pa nga kayong magpasalamat sa gobyerno ng Pilipinas dahil ang mga kalahi niyo na nahuhulihan ng droga ay kinukulong lang. Ang iba naman ay dinideport pabalik sa bansa niyo.

Philippine Government magsilbing aral sana sa inyo ang nangyari sa pagkabitay ng tatlong pilipino sa kasong drug trafficking. Paigtingin na sana ng lubos ang seguridad para walang makalabas ng bansa mula paliparan ng may dalang droga. Kung sa NAIA pa lang ay nalaman ng may droga ang maleta hindi sana mangyayari ang ganun na sila ay mabibitay sa China. Sa ating bansa lang sana nila pagdudusahan ang kasalanan.

Philippine Government ibalik niyo na sana ang death penalty lalo na para sa mga nahuhulihan ng droga. Kapag nangyari ang ganun ay tiyak madaming intsik ang mabibitay sa ating bansa. Kapag mayroon ng death penalty ay puwede din iyon para sa palitan ng isang bibitayin sa ibang lugar halimbawa na lang sa China. Huwag kayong matakot kung hindi man maging maganda ang kalabasan sa relasyon sa China. Kapag may mga binitay na intsik sa ating bansa ng dahil sa droga ay hindi naman iyon magiging dahilan para mag aklas ang mga lahing intsik dito sa ating bansa para hindi na tumira o mamuhunan. Pagkat malaking kawalan iyon sa kanila kung sakali man na hindi na sila magnegosyo dito sa ating bansa. Ultimo nga 25 centavos kapag bumili ka sa tindahan ng intsik ay sisingilin ka. Sakto talaga sila kung mag sukli. Ayaw nila na sobra kahit 10 centavos ang isusukli nila. Mas gusto pa nila na magkulang ang kanilang isukli kahit centavo. Ang mawalan pa kaya ng libu-libo o milyon-milyon dahil sa pag negosyo sa ating bansa.

Philippine Government pumasok sana sa isip niyo na ngayong panahon hindi na uso ang pagka awa para sa isang tao o kaya sa pamilya. Ipatupad ang batas na mahigpit talaga. Parusahan ang magkakasala sa batas.

Thursday, March 24, 2011

Pangarap, a song (by request)

Nang mangyari ang malakas na lindol at pagkaroon ng tsunami sa Japan agad ay nag-alala ako kay Bambie dear. Kasi isa ko siyang kaibigan dito sa mundo ng blog. Kung anu-ano ang naisip ko sa kanya ng mangyari ang trahedya. At ng maisip ko na ano kaya kung kasama siya sa mga nabiktima agad ay nalungkot ako. Higit sa lahat ay nakonsensya ako. Kung bakit nakonsensya ako kasi ang request niya sa akin noong December 12, 2009 ng mag post ako ng tungkol sa mga sinulat kong kanta ay hindi ko napagbigyan. Kasi ayaw ko talaga na mag post dito sa blog ng tungkol sa mga sinulat kong kanta. Umaabot po ng sobra 200 ang na compose ko ng kanta. Ang lahat ng tungkol sa mga kanta ko para sa inyong kaalaman ay makita dito http://arvin95.blogspot.com/2009/12/kanta-ko-reveal.html o di kaya punta kayo sa google at search niyo KANTA KO, WRITTEN FEELINGS at tiyak makita niyo iyon agad. Doon sa post ko na iyon ay makita niyo ang rin ang email sa akin ng manager ng Aegis Band tapos ang tungkol sa Alpha Records.

At ng malaman ko mula kay Sir Mel Avila Alarilla at mismo kay Bambie dear na ligtas siya dahil nag email ako sa kanya dalawang araw pagkatapos ng trahedya agad ay nasabi ko sa sarili na salamat at ligtas siya. Higit sa lahat ay pagbibigyan ko na ang request niya sa akin ng mag post ako ng tungkol sa mga sinulat kong kanta. Bambie dear my dear ito na po ang pagbibigay daan sa request mo sa akin ng mag post ako sa blog ko na ang pamagat ay Kanta Ko (reveal). I hope magustuhan mo itong sinulat ko na kanta noong July 20, 2005. Hindi po ito lovesong pero ito ay nakaka inspire na kanta na mas maganda pa sa lovesong.


Bambie dear ★ said...

Siguro nga chickboy ka or habulin ka lang na babae.. at palagay ko kaya ka nakaka-compose ng mga lovesong dahil sa mga girls na nagpapa-inspire sayo. Sana minsan marinig ko na sa radyo ang mga composition mo. Yung Muslim ay ok lang, maganda at medyo nakakatawa pero baka maraming magalit, lalo na mga kapatid nating muslim. Parang mas interesado ako sa mga lovesongs mo, pa-post naman minsan



"Ang awiting ito ay inihahandog ko para sa mga tao na nagpipilit maabot ang kanilang pangarap sa buhay sa kabila na marami ang balakid para matupad."

PANGARAP
Composer: Arvin U. de la Peña


Intro:

Bawat isa sa atin ay may pangarap
Minimithi na nais maabot
Kahit na masaktan pa
Basta makamtan lang ang nais.


chorus:
Kanya-kanyang pangarap
Kanya-kanyang diskarte
Nagtitiis, nagsisikap
Pagsubok ay di alintana
Marating lang ang hinahangad
ay ayos na.


(do stanza chords)
Sabihin pa man na mahirap
Malayo na matupad
Di na lang pinakikinggan
Hinahayaan na lang sila
Ang mahalaga ay makamit
Mula pagkabata na dinadalangin.


repeat chorus

(do stanza chords)
Ngunit kung kailan mangyayari
ay hindi alam
Patuloy lang na nakikipagsapalaran
Sa agos ng buhay.

repeat chorus

*INSTRUMENTAL*

repeat chorus
repeat chorus

coda:
marating lang ang hinahangad
ay ayos na
.

(Ang sinumang tao na gustong awitin ang compose kong ito ay pagsabihan ako. Huwag awitin ng hindi nagpapaalam sa akin dahil mayroon tayong intellectual property rights. Magrereklamo talaga ako kung ito ay mapakinggan kong inaawit ng walang koordinasyon sa akin. Makipag ugnayan sa akin dahil baka magkasundo tayo. Mag email kayo sa akin sa arvin9595@yahoo.com)

Sunday, March 20, 2011

Si Lindol at Si Tsunami

"Naisulat ko ito dahil sa nangyaring trahedya sa Japan na pagkatapos lumindol ay nagkaroon ng Tsunami."

Si Lindol at Si Tsunami
Ni: Arvin U. de la Peña

Noong unang panahon ay may isang tao na ang pangalan ay Lindol. Isa siyang anak mayaman. Kapag naglalakad siya gusto niya na laging may nakasunod sa kanya. Iyon ay ang kanyang mga alalay. Dahil kapag ganun ay pakiwari niya sa sarili isa siyang hari at tinitingala ng mga tao.

Isang araw habang naglalakad si Lindol kasama ng mga alalay niya ng may tao na naglakas loob na si Lindol ay pagsabihan. Sinabihan si Lindol na mayabang. Nang marinig iyon ni Lindol ay nagalit siya at inutusan ang mga alalay niya na bugbugin ang lalaking nagsabi na siya ay mayabang.

Pero laking gulat ni Lindol ng ang limang alalay niya ay tinalo ng isa lang. Sa huli ang lumaban ay si Lindol. Habang binubugbog si Lindol ng lalaki bigla ay may tumulong sa kanya. Tinalo ng lalaki ang bumubogbog kay Lindol. Kumaripas ng takbo.

"Anong pangalan mo", tanong ni Lindol sa lalaki. "Tsunami po ang pangalan ko", sagot ng lalaki. Kinaibigan ni Lindol si Tsunami. Binigyan ng pangangailangan sa buhay pati na rin sa pamilya ni Tsunami. Mula noon din ay isa na lang ang alalay ni Lindol. Si Tsunami na lang.

Isang araw kinausap ni Lindol si Tsunami. "Tsunami, handa ka bang iwan ang asawa mo at anak para sa aking paglalakbay sa karagatan", tanong ni Lindol kay Tsunami. "Opo,nakahanda ako para sa iyo Lindol dahil ikaw ay aking pinaglilingkuran", sagot ni Tsunami kay Lindol. "Ngunit bago tayo umalis nais ko munang bigyan mo ako ng maraming pera para ibigay ko sa aking asawa at anak", tugon uli ni Tsunami.

Dahil mayaman si Lindol agad ay binigyan ng maraming pera si Tsunami. At iyon naman ay binigay ni Tsunami sa asawa niya para magamit sa pamumuhay nila kasama ng kanyang anak.

Sa araw ding iyon agad ay nagpaalam si Lindol sa kanyang mga magulang na siya ay aalis at maglalakbay sa karagatan kasama si Tsunami. Siya naman ay pinayagan ng kanyang mga magulang.

Dala ang maraming pera at lahat ng kagamitan at mga pagkain agad ay pumunta na sina Lindol at Tsunami sa daungan ng barko dahil nandoon ang maliit na barko na gagamitin nila sa paglalayag na binili ng kanyang mga magulang.

Habang naglalayag na ay masayang-masaya sila dahil nakikita nila ang lawak at ganda ng karagatan. Namimingwit din sila ng isda para makain nila. Minsan naman sila ay dumadaong sa isang lugar para bumili ng kailangan nila.

Lumipas na ang isang taon hindi pa rin tumitigil si Lindol sa paglalayag sa karagatan. Habang si Tsunami ay gusto ng umuwi dahil miss na niya ang kanyang pamilya. Pero ayaw ni Lindol dahil mawawalan siya ng dakilang alalay.

Isang gabi habang malakas ang ulan at kumukulog ng bigla ay tinamaan ng kidlat ang likurang bahagi ng barko nina Lindol at Tsunam dahilan para ito ay masira. Nagpanic agad silang dalawa dahil alam nilang lulubog ang barko. Unti-unti ay lumubog nga ang barko at sina Lindol at Tsunami ay lumangoy papunta sa isang isla.

"Mabuti na lang at ligtas tayo", sabi ni Lindol. "Oo nga", sabi naman ni Tsunami. Kinaumagahan ay laking gulat nila na sila lang pala ang tao sa isla. Nilibot na nila ang buong isla pero wala silang makita na tao. Mga hayop lang ang naroon. Araw at gabi ang laging hangad ni Tsunami ay makauwi na siya. Ngunit si Lindol ay hangad niya ay maipagpatuloy pa ang paglalakbay sa karagatan.

Isang araw habang naglalakad sila sa isla ng may makita si Tsunami na isang bote na may takip. Nang tanggalin ni Tsunami ang takip ng bote ay laking gulat nila ni Lindol ng bigla may lumabas na usok at naging tao. "Genie", nasabi agad nina Lindol at Tsunami.

"Maraming-maraming salamat sa inyo. Sa wakas sa loob ng mahigit isandaang taon ay nakalabas na rin ako sa bote. Bilang gantimpala ay bibigyan ko kayo ng tig-isang kahilingan. Kahit anong hilingin niyo ay matutupad", sinabi ng Genie.

Tuwang-tuwa agad si Tsunami dahil sa wakas makakasama na niya ang kanyang pamilya dahil sa Genie. Samantala si Lindol ay hindi mapakali kung ano ang hihilingin sa Genie.

Pinauna sa paghiling ng Genie si Tsunami. "Ikaw Tsunami ano ang kahilingan mo", sabi ng Genie. "Gusto ko po na makauwi na sa aming lugar dahil nais ko ng makapiling ang aking asawa at anak", sabi ni Tsunami. "Matutupad ang gusto mo", sagot ng Genie. At isang kumpas lang ng kamay agad ay nawala si Tsunami at napunta na sa kanyang pamilya.

"Ikaw lindol ano ang kahilingan mo", sabi ng Genie." Puwede po ba dalawa ang hilingin ko", sabi ni Lindol kay Genie. Nag-isip muna ang Genie at pinagbigyan naman si Lindol.

"Ano ang una mong kahilingan Lindol", sabi ng Genie. "Gusto ko po na bigyan mo ako ng isang matibay na barko na magagamit sa paglalayag sa karagatan", sagot ni Lindol. At isang kumpas lang ng kamay ng Genie agad ay nagkaroon ng isang barko.

"Ano naman ang pangalawa mong kahilingan", sabi uli ng Genie kay Lindol. Nag-isip muna si Lindol. "Ang pangalawa ko pong kahilingan mahal na Genie gusto ko pong ibalik mo rito si Tsunami dahil gusto ko na siya lang ang aking kasama para sa paglalayag sa karagatan", sagot ni Lindol sa Genie. "Matutupad ang gusto mo", sabi ng Genie. At isang kumpas rin lang ng kamay agad ay naibalik si Tsunami at bigla nawala ang Genie.

"Bakit ako naibalik dito. Nakasama ko na ang aking asawa at anak", sabi ni Tsunami kay Lindol.

"Dalawa ang naging kahilingan ko. Una ay ang magkaroon ng isang barko na magagamit sa paglalayag sa karagatan. Pangalawa kong hiling ay hiniling ko na maibalik ka rito Tsunami dahil gusto ko na ikaw lang ang aking kasama para sa aking paglalakbay sa karagatan", sabi ni Lindol kay Tsunami.

Napakamot na lang ng ulo si Tsunami. "Halika na Tsunami punta na tayo sa barko para muli ay maglayag sa karagatan", sabi ni Lindol kay Tsunami.

At muli patuloy silang naglayag sa karagatan.

Tuesday, March 15, 2011

Sweet Sixteen

"Disiplina ang kailangan para sa ikauunlad ng bansa."

SWEET SIXTEEN
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung ako lang ang pangulo ng bansa ay kapakanan ng mamamayan ang iisipin ko. Kapakanan ng nakararaming pinoy. Kung kailangan na pumatay o magpakulong para sa kapakanan ng mga tao ay gagawin ko. Magdedeklara din ako ng martial law kung kinakailangan.

1.) Unang-una kong gagawin ay ipapatigil ko ang pagbabayad ng mga sasakyan sa NLEX at SLEX at kung magrereklamo ang mga nagpapatakbo ay akin agad ipakukulong. At kung gumamit sila ng dahas ay kamay na bakal naman ang gagamitin ko sa kanila. Ang bawat nagmamaneho ng sasakyan dapat may karapatan siyang tumawid papunta sa ibang lugar ng hindi nagbabayad. Ang pag maintain sa kaayusan ng daan na NLEX at SLEX ay ipapamahala ko sa DPWH.

2.) Pangalawa kong gagawin bilang pangulo ng bansa ay kukunin ng gobyerno ang pamamahala ng Shell, Caltex, Petron at iba pang kompanya ng langis. Kung magreklamo sila agad ay sa kulungan din ang bagsak. Wala ng batas para doon. At kung mag question ang mga abogado nila sa hakbang na gagawin ay dadamputin agad ng mga alagad ng batas para ikulong. Sa ganun ay ibababa ko ang presyo ng produktong langis sa presyo na abot-kaya. Kung ano ang nararapat na presyo base sa pag-angkat sa ibang bansa ay iyon ang presyo. Wala ng patong-patong sa halaga. Nang sa ganun ay bumalik sa mura ang pasahe ng mga sasakyan.

3.) Pangatlo kong gagawin ay ipalilipol ko ang mga NPA, MILF, MNLF, Abu Sayaff, at iba pang grupo ng mga rebelde. Ipalulusob ko kahit pa saang sulok hanggang sa magkabarilan. Patay kung patay sa putukan. Walang ceasifire na mangyayari. Marami at magagaling ang mga alagad ng batas kaya tiyak talo sila. At kapag may mahuli ng buhay ay pasok agad sa kulungan. Walang pagkaawa sa kapwa dahil ipatutupad ko na ang Pilipinas dahil iisang dugo tayo dapat ay may pagmamahalan sa kapwa.

4.) Pang-apat kong gagawin lahat na mga kompanya ng mga produkto na nasa pangangailangan ng tao bawat araw ay ipababa ko ang presyo sa abot kaya ng mamimili. Kasama na rito ang mga medisina. Kung umayaw naman ang may-ari ay ipakukulong ko at aagawin ang pamamahala ng gobyerno kung kinakailangan. Wala na rin iyong pinapataw sa pagbili na kung tawagin ay EVAT.

5.) Panglima kong gagawin lahat na empleyado ng gobyerno na may kaso ng pangungurakot at kahina-hinala ang kayamanan ay ipapatanggal ko agad sa trabaho. Ipapabusisi ko ang statement of assets and liabilities ng bawat empleyado. Kung hindi tugma ang kinikita nilang pera o malaki ang agwat sa SAL ay ipapakulong ko. Dahil ang katuwiran ko kung ano ang sahod ng isang manggagawa ay dapat pagtiyagaan niya iyon. Hindi sila puwede na mangurakot o kaya tumanggap ng lagay.

6.) Pang anim kong gagawin bawat tao na mahuli na nagnanakaw maging ito man ay sasakyan o kahit na ano ay ipapaputol ko ang kamay. Puputulin talaga para hindi na umulit pa na magnakaw at higit sa lahat ay hindi tularan.

7.) Pang pito kong gagawin. Lahat na tao na mang rape ay parurusahan kaagad without investigation at desisyon ng korte. Wala ng kaso pa na mangyayari. Sino mang kumontra ay sa kulungan ang bagsak. Kapag napatunayan sa medical certificate ang panggagahasa ay sapat na. Ang parusa ay ilalagay siya sa malaking kulungan na maraming askal na aso na pawang mga gutom. Ilalagay siya doon hanggang siya ay kuyugin ng mga aso. Ang mga tao na manonood na kinakagat ng mga aso ang nang rape ay puwede na mag inuman. Sa ganun na paraan na bawat mag rape ay mapapatay ng mga kagat ng aso ay siguro wala ng manggagahasa. Matatakot sila sa mga pangil ng aso at rabbies.


8.) Pang walo kong gagawin lahat na nagmamaneho ng sasakyan na makabangga sa kalsada ay papuputulon ko ng isang paa para hindi na makapag maneho uli. Sa ganun na ay tiyak bawat driver ay mag-iingat na sa pag drive Hindi na magda drive na masyadong mabilis. Tiyak maiiwasan na ang mga insidente sa daan.

9.) Pang siyam kong gagawin ipapahuli ko ang mga nagbebenta at gumagawa ng bawal na gamot. Kapag napatunayan na totoo ang ginagawa nila ay ipalalagay ko sila sa kulungan na mayroon sampung tigre na bawat isa ay gutom. Kapag umabot ng isang oras na hindi sila nilapa ng mga tigre ay laya na sila. Absuwelto na sila sa kaso tungkol sa droga. Ang sampung tigre ay kaunti lang kung pakakainin.

10.) Pang sampu kong gagawin ay ipapa legal ko ang lahat ng sugal. Kasama na diyan ang jueteng. Sa ganun na paraan ay makakalikom ng pondo ang gobyerno. Pero siyempre hindi puwede ang mga pulis na humingi ng lagay sa sugal o sa mga jueteng operator dahil tiyak mapaparusahan sila kapag napatunayan. Higit sa lahat ay hindi puwede na magnakaw para may ipantaya sa sugal dahil may kaparusahan din.

11.) Pang labing-isa kong gagawin ay uutusan ko ang mga mamamahayag na magsulat ng kung anuman kahit pa laban sa akin. Hindi ko pagbabawalan ang kanilang damdamin para ipahayag ang kanilang saloobin. Maaari nilang isulat ang kung anuman mula sa aking pamumuno.

12.) Pang labing-dalawa kong gagawin ay ipabababa ko ang pamasahe ng MRT at LRT. Pasahe na hindi sila magrereklamo. Ikokonsulta ko sa mga mamamayan kung magkano ang gusto nilang pasahe. At iyon ang susundin.

13.) Pang labing tatlo kong gagawin ay ipapahanap ko ang mga kayamanan na naiwan dito sa Pilipinas na kung tawagin ay Yamashita Treasure. Bawat makukuha ay ibabayad sa utang ng Pilipinas. Napakadami pang kayamanan ang hindi pa nahuhukay na iniwan ng mga hapon at ang mga iyon ay sapat o sobra pa para makabayad sa utang ang Pilipinas. At ang masosobra na pera ay ipondo ng gobyerno para sa mga kompanya na maaagaw ang pamamahala.

14.) Pang labing-apat kong gagawin ay ipag-uutos ko sa mga kapitan na dapat maging malinis ang kanilang barangay. Dapat walang basura sa lansangan na nakakalat. Lalo na iyong mga daanan ng tubig kapag umuulan para hindi umapaw ang tubig. Para din maiwasan ang pagbaha. Kung hindi sila sumunod sa gusto ko ay hindi ko sila pabibigyan ng sahod.

15.) Pang labing-lima kong gagawin ay ipag-uutos ko na bumaba ang singil sa tubig at kuryente. Iyong hindi masyadong mahihirapan ang mga mamamayan. Magkakaroon ng pagboto sa kung magkano per kilowatts ang nais ng mamamayan at kung anong presyo ang marami ang boto ay iyon ang ipatutupad.

16.) Pang labing-anim at huli kong gagawin bawat magkikilos protesta sa kalsada para ako ay patalsikin ay huhulihin at ikukulong agad. Dapat silang maghintay hanggang matapos ang aking termino bilang pangulo dahil baka sa huli ay magsisi lang sila. Katulad ng nangyari kay Erap na ang ibang mga nagpatalsik ay nagsisi sa huli.

Thursday, March 10, 2011

Bomba

"Sa magulong sitwasyon ay bomba ang dapat na katakutan."


BOMBA
Ni: Arvin U. de la Peña

Bomba rito, bomba doon ganun ang madalas na pangyayari sa ngayon. Nakakatakot na baka sa isang sandali ay kasama ka sa masasabugan na dulot ng mga terorista. Mabuti kung mabubuhay ka. Eh, paano kung mamatay ka o di kaya maparalisado ka. Maputulan ng kamay o kaya paa ay malaking problema iyon.

Minsan naiisip ko tuloy wala ng safe na lugar dito sa mundo. Kasi kahit saang bansa yata may pangyayari na may pinapasabog na bomba. Lalo na dito sa Pilipinas. Habang sakay ka ng bus o kaya jeep ay hindi ka komportable sa pagbiyahe kasi hindi mo alam kung may bomba na pasasabugin. Kahit sariling sasakyan mo pa ang gamit ay ganun pa rin kasi maaari kang maapektuhan kung malaking pagsabog ang magaganap sa sinusundan mong sasakyan o kaya sa likod ng sasakyan mo. Mababagabag talaga ang isipan mo dahil sa takot na baka may bombang sasabog.

Ang salitang "mag-ingat ka" ay parang wala ng halaga sa ngayon, wala ng saysay. Iyon ang obserbasyon ko. Nakatayo ka nga, maayos ang pagkakaupo sa sasakyan ero maaaring may hindi magandang mangyari sa iyo dahil sa bomba.

Sa mga nangyayari sa ngayon sa ating bansa para tayong nakakulong. Para tayong nasa loob ng rehas. Nakakulong tayo sa pangamba.

Sa pagbiyahe sa buhay huwag isipin na safe ka dahil daang matuwid ang tatahakin mo. Dahil ang daang matuwid ay puwede iyon na mabaluktot dahil sa bomba.

Thursday, March 3, 2011

Edsa

Sa sinulat kong ito dito ay malaman niyo na si Ferdinand E. Marcos ay hindi masama na naging pangulo ng Pilipinas. Mahal siya ng napakaraming Pilipino. Pagkatapos niyo itong basahin lahat-lahat kasama na ang naka scan na newspaper clip ay umaasa ako na kung may pagkamuhi man kayo sa kanya ay dapat mawala na iyon sa inyong sarili. Dahil kung patuloy niyo siyang kamumuhian ay patuloy niyo rin lang niloloko ang inyong sarili.

Mula sa mga nakakausap ko na tao tungkol kay Marcos at sa mga nababasa sa pahayagan ay naisulat ko ito.

EDSA
Ni: Arvin U. de la Peña

Napapatawa ako kapag nakikita ko sa tv na binibigyan ng selebrasyon ang Edsa 1. Gayong noong panahon ni Marcos ang mga bilihin ay mura. Sabi ng nakausap ko nakaabot daw siya sa panahon ni Marcos na ang isang piso ay puwede ka ng makabili ng dalawa o kaya tatlong bote ng san miguel beer. Ang gasolina rin daw kapag may 50 centavos ka ay puwede ka ng makabili. At ang tinapay din daw noon kung may 10 centavos ka ay makakabili ka na. Kung may sampung piso ka noon ay malaki na ang halaga. Maaari ka ng makabili ng bigas at kung ano pa. Pero sa ngayon ano na lang ang halaga ng sampung piso?

Sa pag celebrate ng Edsa 1 ibig pa lang sabihin hindi dapat na magreklamo ang mga mamamayan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kasi nagcecelebrate sila. Pero bakit halos lahat ng pinoy nagrereklamo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sadya bang plastik ang karamihan na mga Pilipino.

Noong mawala na sa poder si Marcos ay unti-unti ng nagmahal ang mga bilihin. Nawalan ng kontrol ang gobyerno para mapanatiling mura ang mga bilihin. Si Marcos hindi niya iyon hinayaan na magmahal ang binibili ng mga tao. Dahil mahal niya ang mga Pilipino. Gusto niya na abot kaya ng tao ang binibili. Natuwa ang mga negosyante kasi nagagawa na nila ang nais nilang presyo ng walang kumukontra.


Sabihin na natin na corrupt si Marcos. Pero kahit corrupt siya sagana naman ang mahihirap. Masagana ang kanilang pamumuhay. Pero ngayon na wala na siya. Napakarami ng corrupt. Nawalan ng disiplina ang ibang mga tao. Nangurakot sila sa kanilang trabaho. Sa panahon ni Marcos marami ang takot na gumawa ng kalokohan dahil tiyak may paglalagyan siya. Ang mga mayayaman lang naman ang galit kay Marcos.

Sa Edsa 1 nakamit nga ang kalayaan. Pero malaya ba tayo ngayon? Ngayon ay nakakulong tayo sa kahirapan. Noong panahon ni Marcos ay nagsusuplay tayo ng bigas sa karatig na bansa. Ngunit ngayon ay hindi na. Umaangkat na tayo ng bigas sa ibang bansa. Baliktad na ang pangyayari. Ang sabi pa nga noong panahon ni Marcos ay pumapangalawa tayo sa Japan na maunlad na bansa sa Asya. Pero ngayon ay hindi na. Pangalawa na tayo mula sa hulihan.


Kung may patayan man sa panahon ni Marcos ay ganun din naman ngayon. Masyado pa nga yatang malala ang ngayon. Ilan na bang bomba ang pinasabog, ilan na bang mamamahayag ang pinaslang ng mawala si Marcos. Madami na, hindi na mabilang. Naglipana na ang mga drug lord ng mawala si Marcos. Dumami na ang mga nagtutulak ng droga. Na noong panahon ni Marcos hindi masyado makaporma ang mga iyon. Takot ang mga kriminal at pusakal na tao sa panahon ni Marcos. Dumami na ang mga mamamatay tao dahil wala na ang Marcos na kanilang kinasisindakan. Higit sa lahat dumami ang mga magnanakaw.

Kung marami ngang nautang si Marcos ang mga sumunod sa kanya ay nangutang din naman. Hindi lang si Marcos ang nangutang kaya hindi dapat isisi kay Marcos kung malaki man ang pagkakautang ng ating bansa sa ngayon. Dahil bawat nag prepresidente ay nangungutang.


Ang bumabatikos kay Marcos ay hindi tinitingnan ang mabuti niyang nagawa sa bayan. Puro kasamaan lang ang tinitingnan. Iyon ang iminumulat sa mga tao na musmos pa lamang. Hanggang sa pagturo sa mga paaralan ay ganun din na si Marcos ay hindi mabuti na naging pangulo ng bansa. Kung may ginawa man si Marcos na masama sa tao ay iyon ay para disiplinahin lang. Gusto niya na ang tao ay may disiplina sa sarili. Dahil katuwiran niya " ang bansa ay magiging maunlad kung ang mga tao na naninirahan ay may disiplina."

Nang hindi na si Marcos maging pangulo ay nawalan ng disiplina sa sarili ang karamihan na mga tao. Dahil may kalayaan na ay malaya na ang iba na mangurakot, malaya ng pumatay, malaya na ang iba na gumawa ng kasamaan. Iyon ay dahil wala na silang kinatatakutan. Oo nga ay may batas. Ngunit ang batas ay para lang sa may pera. Kapag mahirap ang isang tao ay mailap na makamtan ang hustisya. May mga nakakulong na pinagbintangan lang. Hindi niya maipagtanggol ang sarili dahil walang abogado na makuha dahil walang pambayad. Pero kung mayaman ang isang tao kahit pa siya ang may kasalanan ay maaari siyang maabsuwelto. Lalo na ngayon an uso ang lagayan. Ang humahatol ay puwede na masuhulan para hindi madiin ang isang tao.

Tungkol naman sa mga sapatos ni Madam Imelda Marcos ang mga iyon siguro ay binili niya o kaya ang iba ay regalo. Hindi naman iyon ninakaw. Pero ngayon na panahon ang ibang mga tao na nasa gobyerno o kaya nagsilbi sa gobyerno ay marami ang bahay at pera na kaduda-duda. Alin ang mas malala doon. Hindi ba ang may maraming bahay at pera na kaduda-duda na kung pagbabatayan lang ang sahod bawat buwan ay hindi iyon makakamit.

Nabasa ko nga sa pahayagan na ng mawala si Marcos sa malakanyang ang mayaman ay lalong yumaman. Ang mahirap ay lalong naghirap. Kung may mahirap man na yumaman o nagkapera ay nakuha ang pera mula sa pagtrabaho sa ibang bansa. Hindi dito sa bansang Pilipinas.

Kung noong panahon ni Marcos ay may mga rebelde ganun din naman sa ngayon. Lalo pa ngang dumami ang mga rebelde. Hindi maganda na isisi ng mga rebelde sa administrasyon ni Marcos ang ginawa nila na magrebelde. Ang dapat sisihin ng mga rebelde kung bakit sila nagrebelde ay ang kanilang sarili dahil kulang sila sa disiplina. Hindi sila nakiisa sa hangarin ni Marcos. Naging matigas ang kanilang mga ulo. Kaya ayun dumami tuloy ang mga rebelde.

Sa mga sumali sa Edsa 1 ang kawawa ang mga ordinaryong mamamayan. Kasi unti-unti nalugmok sila sa kahirapan. Pero ang mga nagpasimuno ay hindi siguro naghirap. Ang iba ay nagkaroon pa ng ambisyon sa politika at ito naman ay nanalo. Siyempre sa politika may pera. Mahirap pumasok sa politika kung walang pera ang tao dahil mahihirapan na manalo.


Sila na taumbayan na sumali sa Edsa 1 sa palagay ko ang nagpahirap sa ating bansa. Dahil sa kanila nagmahalan ang lahat ng bilihin. Silang sumali sa Edsa 1 siguro hindi aabot ng 2 milyon na tao. Pero ang apektado sa ginawa nila noong Edsa 1 ay kung ilang populasyon tayo mayroon ngayon. Siguro ngayon ay umaabot na ang populasyon ng ating bansa sa 90 milyon. Pati hindi pa isinisilang ay damay sa taumbayan na sumali sa Edsa 1. Kung wala ang taumbayan sa Edsa 1 ay hindi magiging matagumpay ang hangarin na mapatalsik si Marcos. Dahil sa kanila ay puro reklamo ngayon ang karamihan na mga Pilipino dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung alam lang siguro ng mga taumbayan na sumali sa Edsa 1 ang kahihinatnan ng bansa kung mawala na si Marcos nakatitiyak ako na hindi sila sasali doon sa Edsa 1.

Madre at Pari saan na sila ngayon. Ang mga madre ay maayos ang buhay nila. Lalo na ang mga pari. Hindi sila katulad ng mga taumbayan na ngayon puro angal sa buhay. May nabalita na ba kayo na may madre at pari na nagugutom. Wala naman di ba.

Tungkol naman sa martial law ang umabuso ay ang ibang mga alagad ng batas. Masyadong umabuso ang ibang mga alagad ng batas na lingid sa kaalaman ni Marcos. Hindi naman siya nag-utos na abusuhin ang mga mamamayan. Kung ngayon nga na panahon may mga alagad ng batas na umaabuso sa kapangyarihan. Noon pa kayang may martial law. Kalokohan.


Sa isang column sa newspaper ay may tanong para sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtext. Ang tanong ay ito, Aling gobyerno ang may pinakamaganda; ang kay Marcos, kay Cory, kay Ramos, kay Erap, kay Gloria, o kay P-Noy ngayon?

Alam niyo ba 98% ng mga nagtext ay pabor sa gobyernong Marcos. Sa 300 po na nagtext sa kolumnista ay 298 po ang pabor kay Marcos. Ang isa kay Cory at ang isa kay Erap. Narito ang tatlo na isulat ko na lang sa blog sa napakaraming text na pinablish sa diaryo ng kolumnista na makita at mabasa din sa newspaper clip na gusto nila ang administrasyon ni Marcos. Ang kolumnista po ay officer ng AFIMA at siya ang director ng National Press Club.

-------Sa aking palagay mas maganda ang gobyerno ni dating Pangulong Marcos. Dahil ang tondo, gumanda sa mag-asawang Marcos lalo na yung Pier. Ang mga sumunod na mga gobyerno ay walang kuwenta. Dahil ang mga sumunod na pangulo ay mga plastik. Naaalala lang kaming taga-tondo pag eleksiyon. E ang mag-asawang Marcos kahit 'di halalan talagang laging nasa Tondo. Nung araw, bata pa ako, pag December nakakapasok pa kami sa Malakanyang dahil may ibinibigay na mga regalo ang mga Marcos. Siguro kung hindi hinudas si Marcos, napakaganda na ng Pilipinas ngayon. Mga mayayaman lang naman ang may problema kay Marcos, pero kaming mga mahihirap sagana kay Marcos. Bata pa ako nun pero nakita ko na ang matinding malasakit ni Marcos sa mahihirap. The best ang pangulong Ferdinand Marcos para sa akin. --09234753...

-----Joey, sa palagay ko, mas mainam ang government ni Marcos kaysa mga sumunod na presidente. Kasi walang nakagawa ng panungkulan ng katulad ng kay Marcos. Halimbawa na lang ang mga sumusunod an ginawa ni Marcos: Kontrolado nya ang mga presyo ng bilihin, mga kriminalidad, may takot ang mga sibilyan na gumawa ng masama at natutulungan ang maraming magsasaka.
Ang masakit lang, nangyari lahat sa kanyang panunungkulan sa ilalim ng batas militar. Pero ang 'di alam ng lahat ay para mapabuti tayong mga pinoy. --09103696...

-----Mas maayos pa noong panahon ni Marcos, kasi ang mga dukha isang kahig, isang tuka. Pagkaalis ni Marcos ang mga dukha ngayon tatlong kahig na wala pang matuka. Paano matuka ng dukha e kinakain agad ng mga buwaya. Dati ang buwaya lang ang nasa kalsada. Ngayon pati pating at piranha nasa kalsada na rin. Elcarte JC ng Ozamiz City

(click niyo ang naka scan ng lumaki at ng mabasa niyo ang mga text na 98% pabor sa panunungkulan ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Para din malaman niyo kung sinong kolumnista ang tinutukoy ko. Pag mag click na kayo ay ulitin uli pag click para lalong lumaki ang mga letra. February 27 at 28 po ito na isyu ng isang pahayagan para sa column na iyan. Ginupit ko at pinagdugtong sa pagpa scan.)