Sunday, March 20, 2011

Si Lindol at Si Tsunami

"Naisulat ko ito dahil sa nangyaring trahedya sa Japan na pagkatapos lumindol ay nagkaroon ng Tsunami."

Si Lindol at Si Tsunami
Ni: Arvin U. de la Peña

Noong unang panahon ay may isang tao na ang pangalan ay Lindol. Isa siyang anak mayaman. Kapag naglalakad siya gusto niya na laging may nakasunod sa kanya. Iyon ay ang kanyang mga alalay. Dahil kapag ganun ay pakiwari niya sa sarili isa siyang hari at tinitingala ng mga tao.

Isang araw habang naglalakad si Lindol kasama ng mga alalay niya ng may tao na naglakas loob na si Lindol ay pagsabihan. Sinabihan si Lindol na mayabang. Nang marinig iyon ni Lindol ay nagalit siya at inutusan ang mga alalay niya na bugbugin ang lalaking nagsabi na siya ay mayabang.

Pero laking gulat ni Lindol ng ang limang alalay niya ay tinalo ng isa lang. Sa huli ang lumaban ay si Lindol. Habang binubugbog si Lindol ng lalaki bigla ay may tumulong sa kanya. Tinalo ng lalaki ang bumubogbog kay Lindol. Kumaripas ng takbo.

"Anong pangalan mo", tanong ni Lindol sa lalaki. "Tsunami po ang pangalan ko", sagot ng lalaki. Kinaibigan ni Lindol si Tsunami. Binigyan ng pangangailangan sa buhay pati na rin sa pamilya ni Tsunami. Mula noon din ay isa na lang ang alalay ni Lindol. Si Tsunami na lang.

Isang araw kinausap ni Lindol si Tsunami. "Tsunami, handa ka bang iwan ang asawa mo at anak para sa aking paglalakbay sa karagatan", tanong ni Lindol kay Tsunami. "Opo,nakahanda ako para sa iyo Lindol dahil ikaw ay aking pinaglilingkuran", sagot ni Tsunami kay Lindol. "Ngunit bago tayo umalis nais ko munang bigyan mo ako ng maraming pera para ibigay ko sa aking asawa at anak", tugon uli ni Tsunami.

Dahil mayaman si Lindol agad ay binigyan ng maraming pera si Tsunami. At iyon naman ay binigay ni Tsunami sa asawa niya para magamit sa pamumuhay nila kasama ng kanyang anak.

Sa araw ding iyon agad ay nagpaalam si Lindol sa kanyang mga magulang na siya ay aalis at maglalakbay sa karagatan kasama si Tsunami. Siya naman ay pinayagan ng kanyang mga magulang.

Dala ang maraming pera at lahat ng kagamitan at mga pagkain agad ay pumunta na sina Lindol at Tsunami sa daungan ng barko dahil nandoon ang maliit na barko na gagamitin nila sa paglalayag na binili ng kanyang mga magulang.

Habang naglalayag na ay masayang-masaya sila dahil nakikita nila ang lawak at ganda ng karagatan. Namimingwit din sila ng isda para makain nila. Minsan naman sila ay dumadaong sa isang lugar para bumili ng kailangan nila.

Lumipas na ang isang taon hindi pa rin tumitigil si Lindol sa paglalayag sa karagatan. Habang si Tsunami ay gusto ng umuwi dahil miss na niya ang kanyang pamilya. Pero ayaw ni Lindol dahil mawawalan siya ng dakilang alalay.

Isang gabi habang malakas ang ulan at kumukulog ng bigla ay tinamaan ng kidlat ang likurang bahagi ng barko nina Lindol at Tsunam dahilan para ito ay masira. Nagpanic agad silang dalawa dahil alam nilang lulubog ang barko. Unti-unti ay lumubog nga ang barko at sina Lindol at Tsunami ay lumangoy papunta sa isang isla.

"Mabuti na lang at ligtas tayo", sabi ni Lindol. "Oo nga", sabi naman ni Tsunami. Kinaumagahan ay laking gulat nila na sila lang pala ang tao sa isla. Nilibot na nila ang buong isla pero wala silang makita na tao. Mga hayop lang ang naroon. Araw at gabi ang laging hangad ni Tsunami ay makauwi na siya. Ngunit si Lindol ay hangad niya ay maipagpatuloy pa ang paglalakbay sa karagatan.

Isang araw habang naglalakad sila sa isla ng may makita si Tsunami na isang bote na may takip. Nang tanggalin ni Tsunami ang takip ng bote ay laking gulat nila ni Lindol ng bigla may lumabas na usok at naging tao. "Genie", nasabi agad nina Lindol at Tsunami.

"Maraming-maraming salamat sa inyo. Sa wakas sa loob ng mahigit isandaang taon ay nakalabas na rin ako sa bote. Bilang gantimpala ay bibigyan ko kayo ng tig-isang kahilingan. Kahit anong hilingin niyo ay matutupad", sinabi ng Genie.

Tuwang-tuwa agad si Tsunami dahil sa wakas makakasama na niya ang kanyang pamilya dahil sa Genie. Samantala si Lindol ay hindi mapakali kung ano ang hihilingin sa Genie.

Pinauna sa paghiling ng Genie si Tsunami. "Ikaw Tsunami ano ang kahilingan mo", sabi ng Genie. "Gusto ko po na makauwi na sa aming lugar dahil nais ko ng makapiling ang aking asawa at anak", sabi ni Tsunami. "Matutupad ang gusto mo", sagot ng Genie. At isang kumpas lang ng kamay agad ay nawala si Tsunami at napunta na sa kanyang pamilya.

"Ikaw lindol ano ang kahilingan mo", sabi ng Genie." Puwede po ba dalawa ang hilingin ko", sabi ni Lindol kay Genie. Nag-isip muna ang Genie at pinagbigyan naman si Lindol.

"Ano ang una mong kahilingan Lindol", sabi ng Genie. "Gusto ko po na bigyan mo ako ng isang matibay na barko na magagamit sa paglalayag sa karagatan", sagot ni Lindol. At isang kumpas lang ng kamay ng Genie agad ay nagkaroon ng isang barko.

"Ano naman ang pangalawa mong kahilingan", sabi uli ng Genie kay Lindol. Nag-isip muna si Lindol. "Ang pangalawa ko pong kahilingan mahal na Genie gusto ko pong ibalik mo rito si Tsunami dahil gusto ko na siya lang ang aking kasama para sa paglalayag sa karagatan", sagot ni Lindol sa Genie. "Matutupad ang gusto mo", sabi ng Genie. At isang kumpas rin lang ng kamay agad ay naibalik si Tsunami at bigla nawala ang Genie.

"Bakit ako naibalik dito. Nakasama ko na ang aking asawa at anak", sabi ni Tsunami kay Lindol.

"Dalawa ang naging kahilingan ko. Una ay ang magkaroon ng isang barko na magagamit sa paglalayag sa karagatan. Pangalawa kong hiling ay hiniling ko na maibalik ka rito Tsunami dahil gusto ko na ikaw lang ang aking kasama para sa aking paglalakbay sa karagatan", sabi ni Lindol kay Tsunami.

Napakamot na lang ng ulo si Tsunami. "Halika na Tsunami punta na tayo sa barko para muli ay maglayag sa karagatan", sabi ni Lindol kay Tsunami.

At muli patuloy silang naglayag sa karagatan.

53 comments:

uno said...

hehehe akala ko anu na ang sasabihin mo parang kasing alamat ang dating.

Bambie dear ★ said...

napaka maka-sarili naman ni Lindol.. hay nako kainis talaga si Lindol, laging kasunod kasi si tsunami.. hay nako talaga

Sutil Princess said...

twin ba sina lindol at si tsunami?

Kamila said...

hahaha akala ko din parang alamat toh hahhaha :)

adik lang ni Lindol.. parang si spongebob lang at squidward.. yun naaalala ko.. hahaha may eksena kaseng ganun eh haha

Mel Avila Alarilla said...

Grabeng haba nnag nobela mo, naduling ako sa kababasa, hehehe. Pero okay naman. Kwela naman yung istorya mo. Mukhang me henyo ka sa paghahabi nang kwento hindi lamang nang tula. Salamat sa kwento. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

~ JaY RuLEZ ~ said...

kaya sila ay lagi ng magkasama...heheh

Vernz said...

oo nga parang alamat ang dating.. pero pwede namang wala sa likuran niya si tsunami.....heheh.. salamat kaibigan sa dalaw...

mommy-razz said...

haha! ginawang name ng tao c lindol at tsunami.. akala ko din alamat yan.

eden said...

Ang haba naman ng post mo but I read it all, Arvs..hehehe..Parang alamat nga..

Akoni said...

akala ko magiging "broke back mountain" sila...hehe..inlove pala si lindol kay tsunami na may pamilya.hehe

magaling pare..nag-enjoy ako.

I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGSPOT said...

kakatuwa naman, mala alamat na pagkukwento :)

despite of what happened we always look forward..

Marvin said...

hahaha... parang narinig ko na yang kwento na yan ha... :D... pero natawa pa din ako... :D

salamat sa pagdalaw sa aking

iya_khin said...

magkakambal ba ang lindol at tsunami?!! habang ng story mo nakakaduling!!

musingan said...

galung naman nito... ganda,, kaw ba gumawa nito?

jedpogi said...

siguro bading ever chuvachuchu si lindol nyahahaha!

jhengpot said...

akala ko naman mag-aaway sila sa dulo at makakaroon ng dilubyo...infairness ha, nakakatuwa kasi may pagka-alamat na fantasy...hehe...

Yen said...

So me koneksyon to sa nangyaring disaster sa Japan, Sa kakalayag nila napadpad sila sa sendai, ganun ba yun? haha. Infairness haba ng kwento mo, inaantay kong patikimin ni tsunami si lindol ng hagupit, e ang highlight pla they will live happily after, hehe.

""rare*jonRez"" said...

ang haba! pero sulit! :) regards!

anney said...

Eto nga nakaka paranoid mula ng mangyari yang lindol at tsuunami. napapanaginipan ko na nga e, katakot!

cLai ♥ said...

nagpunta si lindol dito...
hndi nya kasama si tsunami...
buti na lang...>!!!!

Arvin U. de la Peña said...

@uno.............medyo may pagka alamat nga itong sinulat kong ito..gawa gawa lang naman ito.....alam mo naman medyo malawak ang imahinasyon ko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear...........opo..dahil gusto ni Lindol na siya ay may alalay..di niya kaya na mag isa na maglakbay..salamat at ayos lang kayo diyan sa Japan..

Arvin U. de la Peña said...

@Sutil Princess..........hindi po sila kambal..nagkakilala lang sila ng tulungan ni Tsunami si Lindol dahil binubugbog..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila.............may pagka alamat nga ang dating ng sinulat kong ito..kung di ako nagkakamali first time kong gumawa ng katulad nito na ang umpisa NOONG UNANG PANAHON........etc.....

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla........medyo mahaba nga ang sinulat kong ito.....yup, hindi lang sa tula ako mahilig magsulat kundi pati rin sa mga kuwento..ang mga una kong post pag umpisa ng blog kong ito ay madami po ang mga kuwento..mga maikling kuwento na ipinasa ko para sa diaryo na baka sakali ay mapublish..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz.............marami ang lindol na wala naman tsunami na kasunod..puwede iyon..pero gaya ng nasabi ko sa pag post kong ito ay naisulat ko ito dahil sa nangyaring trahedya sa Japan..walang anuman iyon..salamat rin sa iyo sa muli mong pagpunta sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Jay RuLEZ..............ganun nga ang nangyari..kung isa lang siguro ang naging kahilingan ni Lindol siguro hindi na sila magkakasama ni Tsunami kasi walang gagamitin sa paglalayag sa karagatan si Lindol..hindi na kasi siya makakagawa ng barko sa isla..mabait kasi ang Genie kaya pumayag na dalawa ang maging kahilingan ni Lindol..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz...............ginawan ko nga dahil ito ay isang kuwento lang na mula lang sa aking imahinasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........maraming salamat sa pagbasa mo sa sinulat kong ito kahit na mahaba..minsan lang naman ang ganito na kuwento ang ipost ko..dati kasi madalas ay mga tula ang post ko na maikli lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni............gusto lang ni Lindol si Tsunami bilang alalay niya..dahil may tiwala si Lindol sa kakayahan ni Tsunami..si Tsunami kasi ay matapang at magaling na tao kasi ang tao na tumalo sa limang alalay ni Lindo ay tinalo ni Tsunami na siya lang mag isa..kaya doon nag umpisa ang paghanga ni Lindol kay Tsunami..

Arvin U. de la Peña said...

@I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGS......salamat naman at nag enjoy ka sa pagbasa sa sinulat kong ito..oo nga..sana ang bansang Japan ay makabangon agad sa nangyaring trahedya sa bansa nila..

Arvin U. de la Peña said...

@Marvin............ganun ba..parang ibang istorya iyon na hindi ganun ang nangyari katulad ng nasa sinulat kong ito..walang anuman iyon..muli ay pupuntahan pa rin kita..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin............hindi naman po.....kahit mahaba ang post kong ito ay maraming salamat at binasa mo talaga,hehe.....hayaan mo baka sa susunod ay mailking post uli..tingnan ko lang..

Arvin U. de la Peña said...

@musingan........salamat at nagandahan ka sa post kong ito..opo ako po ang nagsulat nito..

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi............gusto lang ni Lindol na ang alalay niya ay si Tsunami....wala ng iba..

Arvin U. de la Peña said...

@jhengpot..............haha..habang binabasa mo pala ay inaabangan mo ang sa dulo ng istorya..nagkamali ka pala sa inaakala mo na mag aaway sila at magkakaroon ng delubyo..hindi po sila mag aaway kasi pinaglilingkuran ni Tsunami si Lindol..at si Lindol naman ayaw na mawala sa kanya si Tsunami bilang alalay..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...............kung pagbabasehan ang kuwento ay siguro nga napadpad sila sa Japan para dumaong at bumili ng kanilang pangangailangan.....pero sa realidad ay trahedya ang idinulot nila..kasi sa istorya ay tao lang sina lindol at tsunami..pero ang totoong lindol at tsunami ay natural disaster na nakakatakot talaga..hindi po magagawang saktan ni Tsunami si Lindol kasi amo niya at siya ay naglilingkod..

Arvin U. de la Peña said...

@rare jonRez...........maraming salamat sa pagbasa mo sa sinulat kong ito kahit na mahaba..

Arvin U. de la Peña said...

@anney..............ganun ba..kahit naman sino siguro ay ganun din ang mangyayari kasi baka sa kanilang lugar naman humagupit ang lindol at tsunami..panahon lang kasi ang makapagsasabi..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai..............ibig mo bang sabihin ay lumindol sa lugar niyo.......siguro mahina lang ang paglindol kaya hindi nakasama si Tsunami,hehe..

Dhemz said...

ako din...akala ko alamat ito...ehehhee...ang galing mo talaga mag tugma Arvin....:)

salamat da dalaw!

Umma said...

hahaha.. I was waiting for a different twist Arvs..pero okay na rin ang story.

Everyday blogger

eden said...

Hi, Arvs!

Thank you for dropping by and for the nice comment.

Have a great day always.

Ishmael Fischer Ahab said...

Parang alamat ang dating ah. Na-miss ko tuloy yung mga alamat na nabasa ko noong estudyante pa ako.

nice : ) said...

wow, ang talented mo talaga kuya arvin! :D ang ganda ng kwento na iyong naisulat.

tim said...

Hehehehe. UNO, pareho yata tayo ng naisip. hehhehe.

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...........may pagka alamat nga ang sinulat kong ito..walang anuman iyon..salamat sa pagpuri mo sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma.................ganun ba..well abangan mo ang next post ko..by request iyon para sa isang kaibigan dito sa blog..tiyak magugustuhan mo iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..................walang anuman..salamat rin sa pagbisita mo uli sa blog ko..kumusta ka na diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab............may pagka alamat nga ito..mahilig ka rin pala magbasa ng mga alamat..ako din noon nakakabasa ng mga alamat sa komiks o kaya sa diaryo..

Arvin U. de la Peña said...

@nice............thank you so much sa sinabi mo..nakaka excite iyon at nakaka inspire sa akin na magsulat pa..kumusta naman ang pag aaral mo..

Arvin U. de la Peña said...

@tim............pareho pala ang naisip niyo ng mabasa agad ang pamagat..pero iba pala ang nilalaman ng istorya,hehe..

Ishmael Fischer Ahab said...

Yup. Mahilig din ako sa alamat. Yun nga lang, mukhang nalilimutan na ang mga alamat sa sariling atin. Mas kilala pa ng mga bata si Jupiter kesa kina Lam-ang.